"And I am Dra. Dana Abarintos."

Nilahad ng doktora ang pintuan papunta sa kanyang maliit na check up area. Nanatiling nakasunod si Samuela sa Doktora. Maganda ito at halatang mataas ang katungkulan sa hospital.

"So, paano kayo nagkakilala ni Prescott?" Tanong nito sa kanya habang may tinitipa sa kanyang computer.

"He's a friend of my brother." She answered.

"Ah! Brother's friend. I thought I am talking to his girl." She laughed.

Tumaas ang kilay ni Samuela. His girl? Hindi niya mawari pero nararamdaman niya ang kaunting relief sa boses ng doktor.

She likes him. Obserbasyon niya.

"Hmm. For now, gusto ko muna na sagutan mo itong mga questions ko for assessment." Ibinigay nito ang test paper kung saan may mga directions na gagawin.

Kinuha iyon ni Samuela. Madadaling tanong at kailangang gumuhit ng mga scenario. Kumunot ang noo niya.

"What's this for? Drawing? I am not good at this." Samuela exclaimed.

"Don't worry. Hindi naman kailangang maganda. This is only for diagnosis." Sagot nito at binigay ang isang lapis sa kanya.

Huminga ng malalim si Samuela at kinuha ang lapis. Nangako siya kay Athos dito. Kung gusto niya ang tulong ni Athos, kailangan niyang ayusin muna ang mga problema niya.

Matapos iyon ay nagtungo naman sila sa question and answer. Tinanong siya ni Dra. Abarintos na agad niyang sinagot. May sinusulat ito sa isang papel at seryosong nakikinig sa mga kwento niya.

Nakadalawang oras at natapos din sila. Tahimik siya habang pinagmamasdan ang babae na sumusulat sa harapan niya.

Maganda si Dana Abarintos. Halos ka edad ito ni Athos. Ngumiti ito sa kanya ng mapansin ang pagtitig nito.

"Bakit?" She asked.

Umiling si Samuela.

"Nothing. Just wondering what you're writing." Tamad na sagot ni Samuela.

"Oh! These are meds for you. So, you can sleep peacefully. I think that's one of your problems. May case ka ng insomia so I will recommend you to buy sleeping pills." She explained.

"Here you go." Iniabot ni Dra. Abarintos ang gamot.

"Thank you." Puno ng paggalang na sagot niya.

Bumukas naman ang pintuan at pumasok ang nurse. May binulong ito sa doktora na agad tinanguan nito.

Inaayos niya ang kanyang bag ng bumukas muli ang pintuan at pumasok si Athos na nakapamulsa.

"A-Athos!" Bati ng doktora at iniwan siya para sa binata.

Tumango ang binata sa doktora at ngumiti.

"What are you doing here?" Tanong niya.

"Sinusundo si Samuela." Tipid na sagot ng binata at sumulyap na ngayon sa gulat din na abogada.

Battle Scars (Querio Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon