Chapter 16: Meet the family

Start from the beginning
                                    

Hindi niya ako nakuha pero wala parin akong challenge para sa kanya idagdag pa ang pagsabi ko na nahulog na ako sa kanya. Pakiramdam ko baligtad na ang sitwasyon dahil ako ang nachallenge kay Jake.

Kung dati ay ayoko sa pakiramdam ng nasa pagitan ng gitna at dulo dahil hindi natatapos, ngayon ay parang niyayakap ko na to. Walang tigil ang pag takbo ko kahit alam kong walang ending.

"Tita." Hila ng isang bata sa t-shirt ko.

"Why?" Napangiti nalang ako sa tawag nung bata sa akin. "Gusto niyo ng chocolate?" Alok ko sa kanila.

"Yehey!" Sabay sabay nilang sabi sa alok ko.

"Pogi akina yung susi kukuhain ko yung mga chocolates."

Pag dating sa sasakyan agad namin kinuha ang chocolates at tuwang tuwa ang mga bata.

Alas otso na ng umaga ngayon at nag paalam ako kay Jake na maghihilamos lang dahil ramdam ko ang pagbigat ng mga talukap ng mata ko dahil sa puyat, pero hindi ko kaya matulog at baka hindi ako magising.

Paglabas ko galing sa c.r nakita ko na mukhang tulog na si Jake sa sofa at hindi nga ako nagkamali.

Sinubukan ko siyang tapik-tapikin pero hindi na talaga nagising.

"Ihaumakyat ka muna sa kwarto may aircon naman dun umidlip ka kahit saglit." Anang Tito ni Jake na paalis na daw at papasok sa trabaho.

"Nako wag na po hindi pa naman ako inaantok." Pagsisinungaling ko.

Nasa bag ko ang cellphone at susi ng sasakyan ni Jake. Dahil alam kong free ang load ng mga medrep kinuha ko ang cellphone niya, lumabas ako ng bahay at tinawagan ko si Ate.

"Hmmm." Mukhang wala sa wisyong sagot niya at di man lang tinanong kung sino ang tumawag.

"Te Jenn ako to! nakitawag ako kay Jake, tulog siya eh." Sabi ko sa Ate ko.

"Bakit? dyan mo pinatulog sa inyo? ayan ha! sabi ko november pa."

"Baliw kana! andito kame sa bahay ng Tito niya. Nako andameng nangyari kanina. Kwento ko sayo pag nagkita tayo." Paliwanag ko.

"So ngayon meet the family naman ang peg niyo? magulo din yan. Sige na matutulog pa'ko gisingin mo na yan kailangan pag gising ko ulit naihatid kana niyan." Sabi niya na kala mo ay nagbabanta.

Dahil babae ako ginawa ko ang gawain ng karamihan ang mangialam binuksan ko ang inbox niya na puro text at reply niya sa mga babae. Meron pa siyang pinangakuan na pupuntahan niya at nagalit ang babae dahil nagsisinungaling lang siya.

"Bwiset ka hindi ka talaga mapupuntahan dahil magkasama kami at hindi ka niya mapupuntahan." Inis na bulong ko sa sarili ko. Itinigil ko na rin ang pagbabasa ng messages dahil wala naman akong karapatan.

Pagpasok ko sa loob andoon na uli yung asawa daw nung Romer.

"Hi Ate." Pagbati ko, habang pabalik sa sofa kung saan natutulog si Jake para umupo sa paanan niya.

"Hello ano nga uling name mo?" Tanong niya sa akin.

"Lian po." Magana kong sagot pero hindi ko na tinanong uli ang pangalan niya dahil hindi ko rin naman matatandaan.

"Gf kaba ni Jake?"

"Nako hindi po friend lang kami." Sagot ko sa kanya habang parehas kaming nakatingin sa natutulog na si Jake sa sofa.

"Ito lang unang beses na nagdala yan ng babae dito I mean ng kaibigan na babae. Kahit gf wala akong nakilala simula ng dito na ako tumira nung ikinasal kami ng pinsan niya." Tuloy tuloy niyang kwento.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now