064

2.2K 101 25
                                    

064

Things with Jordi became okay again. He still hangs out with Adelaine, because they are in the same circle of friends and I tried to be okay with it. I really did. Sinusubukan ko naman... kasi hanggang kailan ba ako tatalunin ng insecurities ko?

Kailangan ko rin silang labanan.

Tama naman si Jace.

I need to see my worth.

Mabilis ang panahon, the next thing I knew, I was in the second year of college. I'm still in the same class with Jace and Gab because they were my only friends. I mean, kaibigan ko naman mga kaklase ko pero hindi sila iyong nakakasama ko sa lunch. Minsan lang kapag trip nina Gab na sumabay sa mga kaklase namin. I also didn't see the need to find new friends kasi sapat naman na sa akin si Gab at Jace.

They complement each other as my friends really well.

Kapag gusto ko ng ingay, kay Gab ako.

Kapag gusto ko ng katahimikan, kay Jace ako.

They were just perfect as my friends and I also loved the fact that they never judged me, and that even though I was just their friend, they always made me feel like I am the most beautiful girl in this world.

Pero sabi ni Gab, sumunod lang daw ako sa nanay niya. Ang nanay niya pa rin daw ang most beautiful girl in her life. Mama's boy talaga ang isang 'yon.

I was thankful for the distance. Kung noong ayoko na malayo kami sa isa't-isa, ngayon ay unti-unti kong nagugustuhan na malayo kami. Na hindi niya kaagad ako mapupuntahan kapag gusto niya.

Oo naayos kami.

Pero pakiramdam ko may nasira sa akin noong mga araw na hindi kami nag-usap.

Nandito nanaman kami sa school kahit gabi na para sa isang requirement. Nakakapagod na mag-aral. Gusto ko na lang grumaduate. I checked my phone and saw that there's a notification on IG.

I viewed his IG story.

Nasa bar ulit siya.

Nakita kong may story din si Adelaine.

She was in the same bar.

"Trust, remember?"

Tiningnan ko si Gab. Hindi ko makita kung bakit nagawa siyang palayuin ni Jordi sa akin. I never got the chance to ask him that... hanggang sa nalimutan ko nang minessage niya si Gab na layuan ako. He should be thankful to Gab. Siya ang palaging nagpapaalala sa akin na pagkatiwalaan ko si Jordi kasi kailangan 'yon sa isang relasyon.

Hindi siya kaagaw. Hindi siya kakumpetensiya. He was his ally... I guess?

Tumango ako at ni-lock na ang cellphone ko.

I sighed.

Trust.

Isang salita, pero ang hirap magawa.

We became okay again.

Mas madalas niya na akong puntahan sa España. Nauwi rin naman ako sa amin kapag free talaga ako dahil namimiss ko rin si Mama... pero pakiramdam ko hindi pa rin maging sapat ang oras tuwing magkasama kaming dalawa.

Ang hirap pala talaga kapag LDR.

Hindi mo alam kung ano ang totoong nangyayari.

Hindi mo sigurado kung ano ang ginagawa niya.

Hindi mo alam kung sino ang kasama niya.

"How's school?" he asked. Nakain kami ngayon sa isang restaurant dito sa Manila. Isa ito sa mga oras na free siya at free din ako. Bihirang-bihira.

"As usual, mahirap pero kinakaya naman..." I smiled. Nahihirapan ako sa totoo lang, kaya nga minsan hindi ako makauwi sa amin dahil mas pinipili kong mag-aral na lang sa dorm. Sa aming tatlo, si Jace ang matalino kaya kapag break namin 'tsaka kami nagpapaturo ni Gab ng mga hindi namin maintindihan.

"I miss studying with you..." sabi niya.

Ako rin miss ko na. Naaalala ko nung senior high kami, unang taon ng panliligaw niya sa akin, madalas kaming mag-aral ng sabay. Kaya hindi rin siguro tataas ang grades ko kung hindi dahil sa kanya na naging inspiration ko buong senior highschool life ko... hindi ko nga lang alam kung ganoon pa rin ngayong college.

He kind of became a distraction more than an inspiration... because every time I would look at him, it always reminded me that I'm not beautiful.

It always reminded me what was lacking.

Na napakaraming kulang sa akin.

Napakaraming wala sa akin.

Kulang na kulang ako... at pakiramdam ko, tuwing kasama ko siya, kahit kailan hindi ako mabubuo.

"You, don't you miss studying with me?" he asked when I remained silent.

"Ha? Of course, miss ko na rin. Ang lungkot kasi talaga na magkalayo tayo," sabi ko.

Minsan... hindi minsan—madalas ay sinisisi ko ang sarili ko. Kung sana mas nag-aral ako ng mabuti, baka sakaling nakapasa ako sa UPCAT.

Maybe things would've turned out differently if we were together at UP.

At least, palagi ko siyang makikita.

Palagi akong sigurado na ako lang talaga.

I sighed. Ibinaba ko ang kutsara at tinidor. Mukhang napansin niya 'yon. "I... I hate this distance," I said. "Alam ko, kasalanan ko naman kasi pwede naman akong mag-Ateneo or what, but I chose UST kahit may mga schools naman na higit na mas malapit sa UP."

"It's not your fault, Dylan..." sabi niya.

"I'm sorry. Nahihirapan ka. Nahihirapan din ako. Ayoko ng ganito, Jordi... pero ano ba ang magagawa ko? Choice ko naman ang lumayo, kaya walang ibang dapat sisihin dito kung hindi ako."

Inabot niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. He slightly squeezed it. Alam ko naman na mahal niya ako, pero bakit ba hindi ako makampante? I trust him so much, but it still felt like I needed an assurance.

"We'll make this work, Dylan. Okay?"

Tumango ako.

"It's just distance. If I have to go to España everyday, then I would... just so you wouldn't be sad."

I sighed. "Jordi, don't say things you wouldn't do. Don't make promises that you can't keep," I said. Alam ko namang hindi niya magagawa na puntahan ako sa España araw-araw. Iyon ngang once a week, hindi niya magawa... araw-araw pa kaya.

"I'll try my best, Dylan," sabi niya. "Pagkatiwalaan mo naman ako..."

And that night, I told myself to trust him because he'll try his best to keep his promises... but a year after, he broke my heart together with my trust.

Dapit Hapon | GDLNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ