054

2.7K 126 54
                                    

054

Tumingin ulit ako bago bumuntong hininga. Am I really doing this? Ni hindi ko alam kung bakit nandito ako ngayon sa harapan ng bahay nila pero hindi ko naman magawang pumasok man lang o humakbang ng isa.

Pwede pa naman mag-backout, 'di ba?

Uuwi na lang siguro ako. Ewan ko ba, pwede ko naman kasing ipadala na lang ang regalo ko kina Tita at Tito pero bakit ba gusto ko pang ibigay ng personal?

Malay mo naman, wala siya dito bulong ng isang maliit na tinig sa loob ko.

Ano naman kung wala siya dito? Hindi ba at mas okay 'yon? Ayoko naman siyang makita.

Gusto mo bulong ng isang parte sa aking isipan.

Huminga ako nang malalim bago humakbang ng isa.

"Dylan!"

Natigilan ako.

"You're here!"

Ngumiti ako. "Kuya Javi."

"It's been what?" he said. "Ang tagal kitang hindi nakita. Come in, let's get you a table," aniya. Wala na akong magawa kung hindi ang tuluyang pumasok sa gate ng bahay nila.

One step and it already felt nostalgic. I already felt the waves of memories flashing right before my eyes. How we used to hangout here. How he used to bring me here. How we used to make a lot of memories here... memories that I would never forget.

Ever since he started courting me, imbitado na ako sa lahat ng ganap sa kanila. Sa mga birthdays, anniversaries, kahit nga mga okasyon ng kamag-anak niya ay invited din ako. Ganoon nila ipinaramdam sa akin na welcome ako. Na parte ako ng pamilya kahit nililigawan niya pa lang ako. Kahit wala namang kasiguraduhan na ako nga ang makakasama niya sa dulo.

"Feel at home, Dylan. Balikan kita ah, wait lang," sabi ni Kuya Javi at umalis. Umupo lang naman ako doon sa table at lumingon-lingon. Kaagad kong nakita si Tito Bert kaya tumayo na ako at lumapit sa kanya.

"Tito Bert," tawag ko.

Lumingon siya at nakita kong bahagya siyang nagulat sa presensya ko. "Dylan, is that you?"

Ngumiti ako at tumango. "Sorry, Tito, ngayon lang ulit ako nakadalaw. Happy anniversary sa inyo ni Tita Anna," sabi ko. Ito ang balak ko, magpapakita lang ako kina Tito at Tita bagos ay aalis na rin ako. Ayoko lang na sumama ang loob nila sa akin dahil wala ako sa special day ng buhay nila. I mean, hindi naman ako importanteng tao, pero sa loob ng ilang taon ay kasama nila ako sa anniversary celebrations nila. "Nasaan po pala siya?"

"She's inside, palabas na rin iyon," sabi niya. "Ang tagal mong hindi nagpunta dito sa amin."

Ngumiti lang ako.

"I know what happened between you and my son was..." he trailed off. "But know that you are always welcome here, hija. We treated you like a family for years, and that would never change, alright?"

"Thank you, Tito," sabi ko. Hindi ko alam pero nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko. Sobrang bait talaga nila sa akin. Ang bait nilang lahat. Tinuring ko na silang second family ko, kaya ang sakit lang nung nawala na kami dahil pakiramdam ko nawala na rin sina Tito, Tita at mga itinuring ko na kuya sa akin. "Sobra ko pong na-appreciate."

Ilang minuto lang ay lumabas na rin si Tita Anna. Katulad ni Tito Bert ay nagulat din siyang nandito ako. Hinalikan niya naman ako sa pisngi. "I didn't expect to see you here, Dylan. I'm glad you came."

"Happy anniversary po," sabi ko at ibinigay na ang gift ko. They both said thank you, at hindi na raw dapat ako nag-abala pa. "Gusto ko lang po talagang ibigay ng personal ang regalo ko sa inyo kaya nagpunta ako. 'Tsaka batiin din kayo," simula ko.

Dapit Hapon | GDLWhere stories live. Discover now