068

2.6K 145 86
                                    

Mahaba 'to, so please read it so that you would understand where Dylan is actually coming from. Insecurities can really destroy a perfect relationship so I hope to everyone reading this, sana matutuhan niyong mahalin ang mga sarili niyo. You are perfect even with all your flaws and imperfections. :)

068

"Ma..." tawag ko sa kanya. Busy siya sa pagbabasa ng mga chismis sa Facebook.

She looked at me. Hindi niya pa rin ako kinakausap. Nandito kami ngayon sa salas. "Mama," tawag ko ulit. This time ibinaba niya na ang iPad niya at tiningnan na ako. "May sasabihin ako..."

She only remained looking at me.

Bumuntong hininga ako. Matagal ko rin itong pinag-isipan. "Ma, titigil na ako sa law school," sabi ko. "Sorry, Ma... alam ko nasayang lang ang pera dahil naka-isang sem na rin ako. Sorry."

Tumungo ako at pinaglaruan na lang ang mga daliri ko. Ayokong tingnan si Mama.

"In the first place, bakit mo ba ginusto mag-lawschool? Nagtaka rin ako nang sinabi mo sa akin noon na mag-eenroll ka. Akala ko ba ang plano natin magta-trabaho ka at ipapasok ka ng Tita mo sa BDO?" she asked.

Biglaan lang din naman ang lahat. Isa iyon sa mga naging impulsive decisions ko... kasi simula nang mag-break kami ni Jordi, parang mas lalo pa akong nawasak. Mas lalo pa akong nasira. Pinilit ko lang talaga na maging okay para kay Mama, at doon ko na-realize na magiging magandang distraksyon ang pag-aaral... kaya sa loob ng dalawang taon, pinilit kong mag-aral na lang. Doon ko ibinuhos ang lahat.

Magwowork naman na sana talaga ako, kaso naakit ako ng isa kong kaklase na pumasok sa lawschool. At sa isang sem ko sa lawschool, pakiramdam ko nakalimutan ko talaga siya sa dami ng inaaral ko. Sa kapal ng mga libro na binabasa at sinasaulo ko.

Pero napapagod ako.

Pakiramdam ko napapagod ang utak ko.

At ang unhealthy na ng environment doon.

"Sorry, Ma. Biglaan desisyon ko... gusto ko muna mag-break ngayon, siguro mag-travel," sabi ko.

She sighed. Alam ko namang ang gulo ko as a person. Sobrang indecisive ko. Pero ito talaga ang gusto ko muna sa ngayon. Gaya nga nang sabi ni Jace, long overdue na ang moving on process ko. Kaya kailangan ko na talagang simulan. I want to be alone for a while, maybe then I could finally see my self worth. I would finally know and realize how worthy am I as a person.

"Hindi ko pa sure kung saan, pero syempre kung papayag ka lang naman..." I said.

"Whatever that makes you happy, hija, I will always approve of it."

Napatingin ako sa kanya. She was smiling at me. Kaagad ko siyang nilapitan at niyakap. She was seriously the best, kahit na wala na si Papa, never siya nagkulang sa akin. Never niya ipinaramdam sa akin na may kulang. Na wala akong ama.

"Thank you, Mama..." and for the first time again, after years, I felt happy.

* * *

"Do I really have to do this?" tanong ko kay Gab.

Tumango siya. Nasa sasakyan niya ako ngayon, papunta kami sa bahay nina Jordi. "Bakit?" I asked again for the nth time.

"Aalis ka. Magta-travel ka. Hindi natin alam kung gaano katagal ka mawawala, 'tsaka 'di ba the main reason naman why you're going away is to move on? I mean, that's one of the reasons..." he said. Diretso lang ang tingin niya sa kalsada. "Hindi ba dapat kung magsisimula ka, at least wala na dapat mabigat d'yan sa puso mo? Don't leave with a heavy heart, Dylan. Clear things up. Kailangan may closure kayo para finally makapag-move on ka na..."

Dapit Hapon | GDLWhere stories live. Discover now