061

2.2K 108 26
                                    

061

Gumising ako na masakit pa rin ang ulo. Kaagad akong tumingin sa paligid. Nasa condo nanaman ako ni Gab. Ganito palagi ang scenario every time na malalasing ako, dahil alam namin pareho na papagalitan ako ni Mama, madadamay pa siya.

"Gising ka na pala. Ano lasing pa more?" simula niya. Kakapasok niya lang sa kwarto. Sa couch nanaman siguro siya natulog. "Nakaka-stress ka."

Humiga lang ulit ako at tinakpan ng unan ang mukha. I groaned in frustration. Alalang-alala ko lahat ng mga ginawa ko kagabi at sinabi.

"Jordi, tayo na lang ulit? Really, Dolores Yva—"

Kaagad ko siyang binato ng unan. Alam niya namang pinaka-ayoko sa lahat ay 'yung tinatawag ako sa full name ko... kasi may naaalala lang ako.

Nakita kong tatawa-tawa pa rin siya kahit natamaan siya ng unan. Umiling siya. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, hanggang ngayon 'dun ka pa rin in love sa payatot na 'yun," asar pa niya.

Inirapan ko lang ulit siya. "Pwede ba manahimik ka na? At 'wag mo na ipaalala lahat ng mga ginawa ko kagabi dahil pinagsisisihan ko na, okay?"

Lumapit siya sa akin at umupo na sa kama niya. Tumungo ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Ayoko siyang tingnan. Sumimangot ako.

"Dylan..."

He sighed.

Pumikit ako at tumulo nanaman ang mga luha. "Alam ko namang sawa ka nang makita akong umiiyak, pero hayaan mo na muna ako, mawawala rin naman 'to. Hindi naman pwedeng forever akong nasasaktan ng dahil lang sa kanilang dalawa."

Humikbi lang ako habang nakatungo pa rin. Hindi ko pa rin tinitingnan si Gab pero ramdam kong nakatingin siya sa akin.

"Umiiyak ka nanaman."

Napatingin ako sa may pintuan ng kwarto at nakita si Jace. Mas lalo lang akong naiyak, kasi narealize ko na ang swerte kong may totoo akong kaibigan katulad nilang dalawa.

"Sorry," sabi ko na lang. Iyon lang naman ang palagi kong sinasabi tuwing iiyak ako sa harapan nila.

"Nakakasawa na ang sorry, Dy, wala bang bago d'yan? 'Yung medyo acceptable naman," sabi ni Gab.

"May biogesic ka ba? Ang sakit ng ulo ko," katulad nang palagi kong ginagawa, iniiba ko ang usapan. Napabuntong hininga na lang si Gab at may inihagis sa aking maliit na supot si Jace.

"Kumain ka muna bago ka uminom," sabi niya.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Ayoko lang na pag-usapan nanaman namin 'to. Kasi pa-ulit ulit na lang at nakakasawa na. Palagi nilang sasabihin na tumigil na ako. And that I should move on... akala ba nila hindi 'yun ang ginagawa ko? Pinipilit ko naman, e. Pero hindi ko maiwasang hindi masaktan tuwing maaalala ko ang lahat.

Kasi apat na taon kami.

Muntik nang maging lima.

Sa tingin ba nila madaling kalimutan iyong lalaking pinaglaanan mo ng apat na taon ng buhay mo?

Kumain lang ako nang tahimik, habang silang dalawa pinanood lang ako, pagkatapos noon ay ininom ko na ang gamot pero masakit pa rin ang ulo ko. I wasn't lying about that part, siguro nga masyadong marami ang nainom ko kagabi dahil ang lala talaga nang sakit ng ulo ko.

Tumayo na ako pagkatapos noon. "Uuwi na ako," sabi ko lang at aalis na sana nang sabihin ni Jace na ihahatid niya na raw ako. Hindi na ako nagsalita, tahimik lang kami hanggang makarating sa parking lot at nakasakay sa kotse niya.

Tahimik lang din kami papunta sa bahay. This is what I like about Jace, he's just silent. Si Gab naman saksakan ng daldal, kulang na lang lagyan ko palagi ng tape ang bibig niya.

Dapit Hapon | GDLWhere stories live. Discover now