067

2.2K 103 20
                                    

067

I woke up feeling dizzy. Kaagad kong nakita ang IV at ang kwartong puti. Kaagad akong nilapitan ni Mama ng umupo ako. Napahawak ako sa ulo ko, ang sakit.

"Pinag-alala mo ako ng sobra!" salubong niya kaagad sa akin. "Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo! Ano na lang ang gagawain ko kung pati ikaw mawala sa akin?"

Natawa naman ako kay Mama. Niyakap ko lang siya. I just love my ever supportive mom so much. Nakita kong maluha-luha na siya. "Ang drama niya oh, pwede na mag-artista," asar ko pa sa kanya.

Hinampas niya lang ako sa braso ng paasar. Sabi sa akin ni Mama nahimatay daw ako dahil nga hindi ako kumain ng isang buong araw, pati kinabukasan noon, ang malala pa alak lang ang laman ng tiyan ko at 'yung konti kong kinain na pagkain noon sa condo ni Gab.

"Surprise!" sabi ni Gab pagpasok ng kwarto.

Umirap ako.

"Grabe, hindi man lang naappreciate ang effort naming dalawa?" sabi niya. Tahimik lang naman si Jace at halatang ipinagmamasdan na ako ngayon.

Nakita kong may dala si Jace na basket na may lamang prutas.

"Wow, may pa-ganyan pa kayo ah, bukas naman lalabas na ako," sabi ko sabay tingin doon.

Ipinatong 'yon ni Jace sa bedside table at umupo na siya doon sa couch. Naka-crossed arms and legs lang siya habang ipinagmamasdan pa rin ako.

Kinuha ni Gab ang apple at hinugasan 'yon. Akala ko sa akin niya ibibigay, pero kinain niya. "Grabe! Muntik na akong ma-touch kung hindi mo lang kinain 'yang apple!" inirapan ko ulit siya.

"I heard nagpunta si Jordi," biglang sabi ni Jace.

"Huh? Sabi nino?"

"Sabi ni Tita," sabi niya. Si Gab tahimik lang na nakaupo sa may paanan ng kama at kumakain ng apple. Rinig na rinig ko bawat kagat niya at nguya. Sinasadya niya yatang ingayan talaga.

I just shrugged.

"Why?" he asked.

"Tinatanong kung ano ang rason kung bakit ako nakipaghiwalay sa kanya," sabi ko.

Tumango lang siya. Nung gabing 'yon narinig ng dalawa lahat ng sinabi ni Jordi sa akin at sinabi ko sa kanya dahil sinundan nila ako noon, kaya alam nila lahat ng rason kung bakit ako nakipaghiwalay.

"Oh, ano sabi mo?" finally nagtanong na si Gab.

"Sinabi ko na wala na akong sasabihin dahil nasabi ko na sa kanya lahat nung gabing 'yon..."

"Oh, anong sabi niya?" tanong niya nanaman.

"Sigurado daw siyang hindi lang 'yun ang rason. Baka raw in love ako sa 'yo kaya naki—"

"Yuck!" bigla niyang sabi.

Kaagad kong kinuha ang orange sa basket at ibinato ko sa kanya. "Ang kapal! Ikaw pa ang may ganang mag-yuck sa ating dalawa?!"

"Kadiri naman! Ikaw? Ako? Yuck, hindi kita type, Dylan. FYI."

"At hindi rin kita type!" irap ko sa kanya.

"So, pinupush niya pa din?" Jace suddenly asked.

Tumango lang ako at bumuntong hininga.

Kinabukasan naman ay lumabas na rin ako ng ospital dahil wala naman na raw kailangan ipagalala. 'Wag ko na lang daw ulit uulitin 'yun sabi ng doctor. Sabi niya kumain daw ako ng mga healthy foods, lalo na ang gulay at prutas.

I was thankful na hindi na ako pinagalitan ni Mama. Alam ko namang narinig niya ang mga sinabi ni Jordi. Isa pa naman siya sa napakaraming fans ni Jordi... naaalala ko nga na pinipilit niya pa ako dati na balikan ko na si Jordi.

Hindi niya raw ako papayagan magpakasal kung hindi si Jordi ang magiging asawa.

Well, Mama, mukhang tatanda na akong dalaga.

I just rested the whole day. Bumababa lang ako para kumain, nanatili si Mama na tahimik at cold ang treatment sa akin.

Hindi muna ako pinapasok ni Mama. Alam ko naman na mahirap na um-absent pero wala rin talaga akong gana na pumasok.

Nang sumunod na araw, lumabas lang ako ng bahay kasama ang mga chow chow kong si dober at si man. Mas lalo na silang tumaba ngayon kaya ang bigat na tuloy talaga lalo nila.

Dinala ko lang naman sila sa park malapit sa village namin. Umupo lang ako sa swing kasama silang dalawa na paiikot-ikot lang sa akin.

Gusto ko lang mag-isip...

Naaalala ko noon, madalas namin gawain 'to. Mas favorite na nga siya ng dalawang chow chow na 'to higit sa akin, mga wala silang utang na loob.

Biglang tumahol si dober, siya ang laging dala ni Jordi kapag pupunta kami sa park noon.

"Miss mo na?" I asked him.

Tumahol ulit siya.

"Hindi ka miss nun."

"Nabagok ba ang ulo mo nung natumba ka?"

For a moment, nagulat ako. Akala ko sumagot bigla si dober sa akin! Pero nakahinga ako nang maluwag nang makita kong si Jace 'yon. Umupo siya sa katabi kong swing at kinuha ang tali ni man mula sa akin. "Anong ginagawa mo dito?" kunot-noo kong tanong sa kanya.

"Galing ako sa inyo. Sabi ni Tita nandito ka."

Tumango lang ako at ini-swing ng bahagya ang sarili. Unti-unti nang lumililom dahil pa-gabi na.

"Musta?" he asked.

"Same old, same old," I answered.

"Believe me, magiging okay ka din. Maybe not now, but eventually..."

"Makapagsalita 'to, akala mo naman nagka-girlfriend na," asar ko.

"You don't have to be in a relationship to know these things," sabi niya. "It's common sense."

"Grabe, so sinasabi mong wala akong common sense?" tanong ko, feeling offended.

He just shrugged.

Bigla kong na-miss nung college pa kami. Halos hindi na kami mapaghiwalay tatlo kapag nasa campus. Silang dalawa ni Gab ang dahilan kung bakit naging masaya at solid ang college days ko. Baka kung hindi dahil sa kanila, hindi na ako naka-graduate. Alam ko namang sobra silang nahirapan sa akin nung mga panahong nakipag-break ako kay Jordi.

"Bakit ka pa ba umiiyak?"

Hindi ko siya sinagot.

"Two years na."

Tumango ako.

"Dapat nakalimot ka na."

Tumango lang ulit ako.

"Tss," he said. "Seriously, long overdue na ang moving on process mo. Try mo nang simulan ngayon for real ang pagmu-move on."

Tumango ulit ako. "Okay."

"Really?"

Tumango ako. "Really."

He just sighed as we both looked up at the sky. The sky started turning orange-ish and pink, isang sign na dapit hapon na. I suddenly remembered, when we were still in highschool, we used to watch all the sunsets together.

Walang palya.

I'll be forever that girl who gets excited every time the sun is setting.

"Sunsets are proof that endings can be beautiful too," he said while he remained looking at the setting sun.

I looked at it too. Kitang-kita ko ang paglubog ng araw. Unti-unti itong nawawala. I smiled at him. "I hope my ending will be beautiful too." I really do.

Dapit Hapon | GDLOnde histórias criam vida. Descubra agora