chapter 45 ( Im an not Jealous, okay!" )

Start from the beginning
                                    

"Totoo naman po mom, si Kuya may kausap lagi sa tapos hubad yung babae. Anong ibig sabihin noon?" ani Jiliet na nag pout pa

"Mamaya na tin pag-usapan yan. Nasa harap kayo ng pagkain" ani Arthur na siyang nagpatahimik sa dalawa

"Hello Good morning!!" masayang bati ni Greg

"Kuya Greg!" sabay na sambit ni Roco at Juliet

Ang hindi alam ni Arriette ay nagkapatawaran na rin sina Greg at Arthur. Noong araw din na humingi ng tawad si Greg kay Arriette.

"Tamang tama ang dating ko ah" ani Greg na lumapit at nakipag beso beso kina Fernanda Juliet at Roco. Nag hi lang siya kay Arthur na medyo awkward pa sa pagitan nila.

"Maupo ka na at sabayan mo na kami kumain" anyaua ni Fernanda

"Hi Arriette" bati niya dito at nakipag beso beso pa at may kasama pang yakap.

Tumikhim si Lucas. "Arriette nakalimutan mo na ata akong pakainin at ang kambal" ani Lucas

Bumaling ang tingin niya sa katabi ni Arriette. "Hi sir Lucas" tipid na bati niya dito.

Tinignan lang niya ito

Sinubuan niya ulit ito ng magkakasunod

"Balak mo bang mabulunan?" pagrereklamo ni Lucas

"Ang dami mo namang reklamo" ani Arriette.

"Natyral hawak ko ang kambal papano ako kakain mag-isa " Ani Lucas.

"Amin na nga si Asya" ani Arriette

"Oh bakit mo kukunin eh ang tahimik niyang nakaupo" ani Lucas

"Para makakain ka na at magreklamo kamahalan" sarkastikong sabi ni Arriette

Ibinigay naman niya si Asya. Umiyak ito ng malakas, nagpupumiglas ito. Gusto niya bumalik sa daddy Lucas niya.

"Tignan mo na, papaiyakin mo talaga ang bata." ani Lucas

"Shhh tahan na anak" tumayo ito at inilayo. Isinayaw niya ito habang nag hahamming.

Ang katabi ngayon ni Licas ay si Greg. Hindi niya ito pinapansin. Naka focus siya kay Gaven na pinapakain niya.

"May pasalubong ako sa inyo pero mamaya na pagkatapos ninyong kumain" ani Greg

"talaga kuya?" sabik na sabi ni Juliet

Binilisan na niya ang pagkain

"Uy uy nguyain mo nga muna. Lunok agad eh kaya kaya laging masakit ang tyan" suway ni Fernanda.

Nagdahan dahan naman si Juliet kumain.

Pagkatapos naligo ni Lucas ay nadatnan nigang karga karga ni Greg si Asya at nilalaro ni Juiet. Katabi nila si Roco

Pinagmasdan niya sila mula sa kinaroroonan niya. Doo niya nakita kung gaano sila ka close ng mga ito.

"Oh Lucas bakit nakatayo ka lang diyan?" ani Arthur

Napalingon ito sa nagsalita. "They're obviously close to each other" aniya

"Yeah, Greg is a nice brother in law to them. Kapag napapagalitan ko ang anak ko siya ang nag aalo sa kanila. He knows how to console them. "Pahayag ni Arthur

Tumango tango siya at bumaling ulit ang tingin sa tatlo

"Let's have some tea"anyaya ni Arthur kay Lucas

Sumunod siya kay Daddy Arthur. Umupo sila sa may Garden.

"Hindi pa ako nagpapasalamat sayo sa lahat ng nagawa mo para sa anak kung si Arriette, ikaw ang pumuno sa mga pagkukulang ko bilang ama sa kanya. Ikaw ang naging sandalan niya noong mga panahon nasasaktan siya na dapat ay ako ang karamay niya. Noong panahong kailangan niya ng pagmamahal na ikaw ang nagparamdan niyon at sobra sobra pa. Nakalimutan kung iparamdam yun sa mga anak ko. Na hindi ko akalin na nasasaktan ko na pala sila ng ganoong katagal. Ikaw rin nagpamulat sa kanya na kahit sa dami kung kasalanan, kami ni Fernanda sa kanila ay hindi siya nagtanim ng galit bagkus ay mas lumawak ang pag intindi niya. Noong ikinuwento niya sa akin ang pag tanggap ninyo sa kanya ng buong buo nanliit ako sa sarili dahil nagkamali ako ng pagkakakilala ko sayo. Na ikaw ang sinisi ko kung bakit sila naghiwalay ni Greg." ani Aethur na nagpakawala ng malalim na hininga at sumimsim ng tea.

"Ginawa ko lang po kung ano ang sa tingin ko ay tama." ani Lucas

Tumayo si Arthur at humarap kay Lucas. Tumayo din si Lucas. Magkapantay na sila ngayon.

Tinap ni Arthur ang balikat ni Lucas. "Ipangako mo sa akin na mamahalin mo siya at hindi na masasaktan ang anak ko na pasasayahin mo at aalagaan" ani Arthur na tinitigan niya ng mataman si Lucas

Tumango si Lucas at ngumiti "Ipinapangako ko po, dad"

"Aasahan ko yan, son" ani Arthur at tyaka ito umalis.

"You look good even more. You've reached your dream came true, isa ka nang designer ng clothing line, I am so happy for you, Greg" ani Arriette

Napalingon si Lucas ng marinig niya si Arriette kausap si Greg. Pinapanood lang niya silang nag-uusap.

Ilang minuto na ang lumipas. Naiinip na ito na pinapanood ang dalawa. Hindi na ito mapakali, humawak siya sa batok at tumingala. Pagbaling ng ulo sa direksyon nila Arriette ay nakita niya kung gaano ito kasaya habang kausap ang impakto.
Nagpapabalik balik siya ng lakad. Nakahwak uto sa bywang ang kamay at ang isa ay nasa baba.

"Oh kuya Lucas, hindi ka mapakali diyan, natatae ka ba?" nagtatakang tanong ni Roco

Nahinto ito sa paglalakad pabalik balik at humarap kay Roco. "Ganyan ba sila kasaya kapag nag-uusap?" inis na sabi ni Lucas na itinuro ng kamay niya ang dalawa.

Sinundan ng tingin ni Roco ang itinuturo ni Lucas. "Hindi nga po eh, ngayon lang sila ganyan siguro kasi parehi na silang malaya sa kung ano ang gusto nila" ani Roco

Natahimik at nahimasmasan si Lucas. Muntik na niyang makalimutan na binabae si Greg at kahit jailan ay hinding hindi ito papatol sa babae pero ex-husband ni Arriette si Greg kaya hindi niya maalis sa isip ang agam agam.

"Nagseselos ka ba kuya?" tanong ni Roco

"huh hindi ah ano kasi ano ahhh  ano natanong ko lang, yun.... Yun lang yun... Ooo yun lang" tarantang sagot ni Lucas

Napabungisngis si Roco na tumango tango. "Oooh yun lang pala... Natanong lang diba? , sige kuya pasok na ako" ani Roco na nakatingiti pa ng nakakaloko

Nang makalayo na ay nagtanong ulit siya. "Sigurado ka kuya tanong lang yun?" ani Roco na nanunukso ang tinig nito

Tumango tango si Lucas na namumula na ang buong mukha sa pagkapahiya.

(nagseselos ba ako, hindi naman ah) Ngumisi ito na naka kamot sa ulo.

The bachelors||The Story:Book1-Night Trap COMPLETED Where stories live. Discover now