Chapter 15: Unforgettable night

487 56 1
                                        

Unforgettable night

Nandito na ako sa hongkong at nakikipag usap kay Nic sa facebook habang inaantay ang huling connecting flight ko pabalik ng Pilipinas.

Facebook Messenger

Nic: Excited na kame!

Me: Baka ikaw lang...

Me: Wag mo ako kalimutan paloadan after two hours para matawagan ko kayo kung asan nako.

Nic: Ang tagal mo pa! mnadali ko pa kumain si pogi baka mauna ka kc.

Tama kayo, si Jake ang susundo sa akin naging magulo ang usapan nung nasa bakasyon ako dahil hindi niya sinasagot ang mga message ko kahit na alam kong nababasa naman niya to kaya inisip ko nalang na ayaw nya akong sunduin.

Nagpasya ako na magpasundo nalang sa Ate ko at kay Kuya Mark pero gabi bago ang flight ko naiba ang plano nila, si Jake na daw susundo sa akin at diretso inuman na kami pag tapos.

Paglampas ko sa immigration agad kong tinawagan si Nic at hinanap kung nasaan sila.

"Nic san na kayo?"

"Madam bilisan mo! Andito kame sa tapat hangang 5 minutes lang pwede dito kse hindi na kami nag park." Nagmamadaling sabi ni Nic.

"Teka di ko pa nakukuha bagahe ko, wala pa  ko nahanap na taga bitbit. Tyaka magpapapalit pa ako." Sagot ko sa kanya, at hindi ko rin mabibilisan dahil hindi pa lumalabas ang bagahe ko.

"Basta bilisan mo!" Utos niya.

Limang minuto pa at nakita ko na ang mga bagahe ko at nagpatawag ako ng porter.

Pagdating sa exit rinig ko kaagad ang pagtawag ni Nic. Niyakap niya ako ng mahigpit ng makawala na ako sa kanya ay lumapit ako kay Jake na nakatayo sa tabi ng sasakyan niya.

"Pogi thank you sa pagsundo namiss kita." At niyakap ko rin siya.

"Mamaya na yan, yung mga bag ilagay niyo na sa likod kanina pa tayo pinapaalis ng guard. Di naman kasi parking to pang diretso pick up lang." Ani ni Nic sa amin.

Nang akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan biglang nagsalita si Nic. " Oh bat dyan ka uupo? anong drama yan? dun ka sa harap pwesto ko tong likod." Taboy niya sa akin.

Sumakay ako sa harap at agad nang pinaandar ni Jake ang kanyang sasakyan.

"Pogi pwede ba daan tayo sa Tiende?" Tanong ko. "Dinner muna di na ako kumain sa Hongkong eh." Pagdadahilan ko pa kay Jake.

"Sige ikaw bahala Madam."

Pagdating sa Tiende doon agad ako dumiretso sa pinuntahan namin ni Jake dati at nag umpisa ng umorder. Natapos kaming kumain at nagpasyang magpunta na sa brick road dahil doon gustong mag inom ni Ate Jenn.

Saktong dating namin ay dumating na din sila ni Kuya Mark. Pagkababa ni Ate sa kotse ay nilapitan ko sila at binati ako ni Kuya Mark at sinabing aalis muna siya at babalik din mamaya.

Naiwan lang kaming tatlong babae at sj Jake.

"Te ano orderin natin? Beer nalang ha." Tanong ko sa Ate ko.

"Sige kaw bahala tyaka tatlong shot ng tequila."

Tinitignan ko ang kabuuan ng bar na pinuntahan namin at hindi na masama dahil nasa labas naman kami nakaupo ayoko kasi talaga ng kulob at nahihilo ako.

Umorder ako ng dalawang bucket ng beer, tequila shots at pulutan.

"Three days ka sa byahe nagpalit kaba ng damit?" Ani Ate.

Perfectly Imperfect (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon