Chapter 36 ( You saved me again)

Start from the beginning
                                    

Hindi iyon pinansin ni Lucas at tuloy tuloy lang siya sa paglalakad. Mas lalong hinigpitan niya ang paghawak dito.

Mas lalong lumakas ang buhos ng ulan at dahil malayo sila sa bungad ay mahihirapan sila bumalik.

Kailangan nila ng masisilungan pansamantala. Naglalakad lakad siya habang buhat buhat si Arriette.

Nakatingin lang siya kay Lucas. Alam niyang nahihirapan ito, nakaramdam ito ng guilt.

"Ibaba mo na ako, kaya ko naman maglakad" aniya sa mahinang boses

Hindi pa rin siya pinapakinggan. Nang may makita siyang kubo ay agad niyang nilapitan. Pumasok siya at inilapag niya ito sa upuang gawa sa kawayan.

Pinuntahan niya ang kwarto nito na walk in lang ang layo. Tinignan niya ang buong paligid at doon na niya nakumpirma na walang katao tao. Ligtas sila kung mananatili muna sila doon.

"Dito na muna tayo habang malakas pa ang ulan. " ani Lucas na hindi man lang tumitingin kay Arriette.

Lumibot ang tingin niya sa paligid ng mahagip ng kanyang mata ang kulay itim na bagay na gumagalaw. Bigla itong kimandong kay Lucas at nagtakip  ng mukha.

Nagulat si Lucas sa ginawa ni Arriette.

"May gumagalaw doon!" natatarantang sabi niya. Itinuro pa niya ng kamay kung saan. Ipinilig ang ulo sa dibdib nito. Gumawa siya ng siwang sa mga daliri niya para masilip kung andun pa.

Sinundan ng tingin ni Lucas ang tinuturo niya pero wala namang kakaiba.

"Wala namang gumagalaw" takang sabi ni Lucas.

Unti unting umangat ang ulo niya at tinignang mabuti. Nang lumingon siya ay muntik na silang mag kiss sa lapit ng mga mukha nila. Tumayo ito at lumayo. Bumalik siya sa kinauupuan niya kanina. May ngiti sa dulo ng labi ni Lucas.

Tumayo ito at nilapitan kung saan may nakitang gumagalaw si Arriette. Napailing na lang siua at ngumisi ng makita na malaking twig ang andun. Dinampot niya yun at tyaka iniangat.

"Aaah huwag mong ipakita yan, ilayo mo yan sa akin" sigaw at biglang takip ng mata si Arriette

Narinig niyang tumawa si Lucas. Dahan dahan niyang inalis ang mga nakatakip na kamay at tinignan ang hawak ni Lucas.

Nag init at namula ang pisngi nito sa pagka pahiya. Umayos ito ng upo. Napa hawak siya sa kanyang tyan nang kumalam ang sikmura nito. Narinig iyon ni Lucas. Napapikit siya na humarap sa kabila.

"Nagugutom ka na kaya kung ano na nakikita mo, Hindi ka pa rin nagbabago" ani Lucas na nakangiti

Sinulyapan niya ito. "Bakit ka nakangiti diyan?" pagtataray nito sa kanya na nakataas ang isang kilay

"Dito ka lang maghahanap lang ako ng makakain" ani Lucas.

Agad na tumayo si Arriette at hinawakan ang kamay nito.

"Aalis ka, iiwan mo ako sa lugar na ito?" takot na tanong nito

Lumingon si Lucas sa kanya at ngumiti. Bumaba ang tingin niya sa mga kamay nila.

Biglang binitawan ni Arriette ang kamay nito ng mapansin nakahawak pala siua sa kamay ni Lucas. Napakamot ito sa likod ng kanyang tenga at napayuko

"Mabilis lang ako. Babalik ako agad"

Lumipas man ang isang taon ay ganoon pa rin ang sitwasyon sa pagitan nilang dalawa. Kapag napahamak siya ay may Lucas na magliligtas sa kanya. The story repeat itself.

Naluluha ito ng maalala ang  mga pagliligtas nito sa kanya. Napa singhap ito at pinunasan ang mga luhang pumatak. Tahimik lang itong umupo. Alam niyang kapag may sinabi si Lucas ay ginagawa niya kaya kampanti siyang naghihintay kahit natatakot ito.

The bachelors||The Story:Book1-Night Trap COMPLETED Where stories live. Discover now