Binilisan ko ang pagkilos. Papasok na sana ako ng gymnasium nang bigla niyang hawakan ang braso ko.


"Don't touch me." Malamig kong saad.


"Please, let's talk." Pagsusumamo nito. "Please kahit saglit lang, you know I love you, right?"


Tinignan ko si Dan at mukhang wala 'to sa kaniyang sarili. Halos halata na sa kaniyang mukha na wala 'tong tulog.


"U-uhm... Sis, pasok na ko sa loob." Saad ni Daisy. "And you, you're a trash." Tinayaran pa ni Daisy si Dan bago pumasok sa loob ng gymnasium.


Tinanguan ko si Daisy at sinenyasan siya na pumasok na sa loob ng gymnasium.


"Talk. Saglit lang ang break namin."


"I deleted my alter account. I want us to start again, please?" He pleaded. "I'll do anything to win you back, please. Ayokong masayang yung dalawang taong pagsasama natin, Dave."


Natawa ako sa sinabi niya. "Noong ginawa mo 'yong pesteng alter account na 'yon. 'Yon ang oras na tinapon mo ang relasyon natin, Dan."


Nang banggitin ko ang mga salitang alter account ay bumalik lahat sa'kin ang mga kalaswaang pinaggagawa niya sa iba't-ibang mga lalaki. No'ng makita ko lahat ng 'yon, 'yon na rin ang oras na nawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Napalitan na lahat 'yon ng sakit at galit.


"It's over, Dan. Ayoko na, you disgust me. Nandidiri ako sa'yo." Tinalikuran ko siya at pumasok na sa loob ng gymnasium.



NAPAG-ISIPAN namin ni Daisy na magpunta sa paborito naming bar mamayang gabi para uminom at magpalamig.


"Nine P.M. Wag kang tokis ha, kukutusan kita." Banta niya sa'kin.


"Oo na! Ayain mo si Lia baka magtampo 'yon kapag nalaman niyang hindi natin siya inaya."


"Yas, sis. Tinext ko na, reply nalang niya hinihintay ko. Wear something nice, malay mo may fafa na lumapit sa'yo."


"Well kung meron 'man, matik rejected na siya sa'kin."


"O siya! Sige bahala ka kung ayaw mo magka-lovelife muna, basta ako want ko na ng jowa. See you later!" Nagpaalam na kami sa isa't-isa.


Habang naglalakad ako ay napadaan ako sa kabilang gymnasium at nakita ko na papalabas si Ken ro'n kasama mga tropa niya. Kitang-kita ang pag-stand out nito sa mga tropa niya. Hindi lang dahil matangkad siya, kunghindi dahil din sa kaniyang itsura.


Naisip ko ang pang-aasar kanina sa'kin ni Daisy. Sira talaga 'yong babaeng 'yon, imposible namang magka-gusto sa'kin si Ken. Sigurado ako maraming mga babae tska mga baklang naghahabol diyan at sigurado rin ako na kung pipila man ako para maging jowa niya, for sure, nasa dulo ako ng listahan.

Sexsomnia (PARASOMNIA SERIES #1)Where stories live. Discover now