Gusto ko iiwas ang mga mata ko. Trust me, gustong gusto ko. Pagod na ako sa sakit pero parang may magnet ako sa mata at ni ikurap ang mga mata ko'y di ko magawa. Nakita kong muntik nang madapa si Leena dahil siguro sa lalim nang iniisip at mabilis pa sa alas kwatro namang nalapitan ito ni EJ. Parang may pinipiga sa dibdib ko. Lintek, diba dapat ang puso nagpapump lang ng dugo? Bakit masakit sa dibdib? Bakit may utak ata tong dibdib ko at marunong nang makaradam at masaktan?

Huminga ako ng malalim bago iniwas ang tingin ko sa kanila pero bago tuluyang di magkita ang landas namin ay napantingin siya sa akin. Nanigas siya at nakita kong napatingin din si Leena sa akin. Napasinghap ako ng nakita ko kung gaano kalalim ang mga mata niya. Na para bang ilang linggo siyang hindi nakain at ang payat payat niya na din. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit niya kinakawawa ang sarili niya? Nasa kanya na si EJ diba? Bakit parang mas nasasaktan siya? Saka malapit na naman ang divorce ah!

Tinulak niya si EJ papunta s gawin ko pero hindi gumalaw si EJ, may sinabi lang ito sa kanya sa mariin na paraan. Gusto kong sapakin si EJ, bakit niya ginaganyan si Leena? Kasalanan niya ba kung bakit ganyan si Leena? Narinig ko naman ang sigaw ni Leena sa french, "*Je ne m'inquiète pas! Aller là!" umiling lang si EJ at naglakad na habang hinihila si Leena. Nakita ko naman kung gaano ito kahigpit. Para namang may piniga ulit sa dibdib ko. Ganun talaga ang galit niya sa akin at ayaw niyang lumapit dito? "**John laisse-moi tranquille!"  ani ni Leena sa malakas na boses. 

Nagtagis ang bagang ni EJ, "***Quel est votre problème? Vous voulez cela, non?!" natahimik naman si Leena bago sumagot, "****Non. Jamais" at saka ito umalis. 

Natanga ako sa kanya. Ayaw niya? Isn't this the purpose kung bakit siya nagpabuntis? Isn't it? Hindi na ako nakaangal nang hilahin ako ni Joselle papalayo sa lugar na iyon. Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Joselle. "I'm so sorry Leann. Hindi ko talaga alam kung bakit sila nandun. Sa dami dami naman kasi ng mall na pipiliin dito sa Pilipinas eh yun pa talaga. Sorry talaga!" natawa naman ako ng pagak, "Ano ka ba? Wala lang 'yun." Tiningnan ko ang relo ko at ngumiti ng pilit, "Sige uwi na muna ako." tumango nalang si Joselle. Hindi narin nila ako nahatid dahil hindi na ako pumayag. 


Habang nasa taxi ay biglang tumunog nang napakalakas ang celphone ko. Kumunot ang noo ko dahil alarm yun. Yung tipong may reminder nga? Agad kong kinuha ang phone ko dahil napapansin ko na ang iritadong mukha ng driver habang nakatingin sa akin mula sa salamin. Agad kong inabot yun sa driver at bumaba na sa taxi. Buti nalang at nasa bahay na ako--and yes, bahay namin ni EJ parin ang tinitirhan ko. As I said, may karapatan parin naman ako dito. 

Nanlamig ako nang makita ko ang notification. 

"Happy Anniversary, love! Muwah! :*" 

"Shit." napamura ako. Anniversary namin ngayon at hindi ko man lang napansin. 2 years na sana kami pero wala talaga. Ganun talaga. 

"Le?" napalingon ako sa pinto nang makarinig ng boses at nakita ko ang barkada ko. Kumpleto. Andito si AJ, Jensen, Tin, Nicole at Cams. Napaiyak naman ako at tumakbo pabalik sa kanila na parang bata. "Ayoko na, guys. Hindi ko na ata kaya ang ganitong sakit. Ayoko na." saka ako umiyak na parang bata sa harap ng mga kaibigan ko. 

Klase klaseng kamay ang naramdaman kong yumakap at nagpalakas ng loob ko habang patuloy lang ako sa pag-iyak. "Akyat muna tayo?" yaya ni Aj sa akin habang nakangiti ng malungkot, "Wag kang mag-alala. Wala man akong asawa, intindi kita. Intinding intindi kita." aniya pa. Tumango lang ako at niyaya na sila sa taas. Doon sa guest room kung saan ako nanatili. Naisip ko na di ko kaya tingnan ang mga pictures namin sa kwarto kaya doon na ako sa guest room natulog. 

Natigil kami nang tumunog ang doorbell, "Ah saglit lang," paalam ko pero umiling si Cams at Nicole. "Kami na ang bahala doon na muna kayo sa taas." tumango nalang ako at umakyat na. 

Nang makarating na kami sa kwarto ay tahimik lang kami lahat. Walang nagsasalita. Natawa naman ako ng bahagya, "You dont have to treat me like some fragile porcelain you know? People having a failure of a marriage is not that unique. Nagkataon lang na kasama ako sa mga taong 'yun." saka ako ngumiti ng mapait sa kanila. 

Sasagot pa sana si Tin nang biglang pumasok sina Nicole habang nasa may pinto parin si Cams. Pareho silang tahimik pero may hawak si Nicole na envelope. "Bakit ka nandyan Cams? Punta ka dito." bumuntong hininga siya at binuksan pa lalo ang pinto revealing a handsome guy who looks lika an attorney. Nanigas ako. Bakit may attorney dito? Hindi ko alam pero ang alam ko lang? Hindi maganda ang ibabalita nito. 

"Y-yes?" I asked after I cleared my throat. He gave me a nod and sighed, "I'll go straight to the point miss." aniya at bingyang diin ang 'miss'. Gusto ko siya icorrect at sabihin misis parin ako pero hindi ko na ginawa. Mas gusto kong malaman ang susunod niyang sasabihin. "I'm attorney Clifford Ramos," hindi nakaiwas sa akin ang pag-ngiwi ni AJ nang marinig ang apelyido ni attorney. Tumango ako, urging him to continue, "I'm mr. Kyle's attorney and I'm here to say that you're divorced have been approved by the court of France." napatayo naman agad ako. 

"W-what? A-ang bilis naman ata?" nanlalamig ang buong katawan ko. It's finally done. Tumango lang ang attorney at nagexplain pero hindi ko na narinig pa. Ang tumatak lang sa utak ko ay balik Leann Rain Saavedra na naman ako. Ibig sabihin. Single na ulit ako. Hindi na kami mag-asawa ni EJ. Wala nang nagtatali sa amin. Wala na kami.

"Salamat attorney, ihahatid ko na kayo." ani Jensen at sinamahan ang attorney sa baba. Napaupo ako sa kama at agad na sunod sunod na tumulo ang luha ko. Napatingin ako sa singsing na nasa kamay ko at mas napaiyak. 

"Tahan na Le. Makakasurvive ka. He's just not the one for you. Please tahan na." ani Cams. Nanatiling tahimik ang iba kong mga kaibigan at hinayaan akong umiyak para sa relasyon kong naging bula. "Diba dapat, pinatawag na nila ako? Diba dapat kinausap nila ako? Bakit naman ganun diretso? Dapat diba kinausap muna nila ako? Don't I have a say in this freaking marriage!? Lagi nalang ba akong walang masabi sa sitwasyon ko?" patuloy lang ako sa pagiyak at pagrereklamo. 

"Shh. Tahan na. Alam mo kung ano ang kailangan mo?" tanong ni Nicole. Nag-angat ako ng tingin pero si Tin ang sumagot para sa akin, "Ano?" 

"Bakasyon. You have to run away from all of these. Away from the pain. And I suggest you stay there until the time you fix yourself."

My Twisted Happily Ever After  ✅Where stories live. Discover now