Special Chapter

2.4K 56 5
                                    

Namiss ko ata si Leann at EJ? Haha. Kayo ba?

------------------------------------------------------------

Mahigit isang taon mula nang magkaayos kami ni EJ. Kung tutuusin, ang tagal niyang hinabol ang atensyon ko. Aaminin ko, gusto ko siyang pahirapan pa. May mga pagkakataon na talagang pinagtitripan ko lang siya.


Pero bigla kong naalala, oo nga pala gumagawa kami ng panibagong alaala, so tinitigil ko na lang ang kalokohan ko.


At last month, inihatid ako ng mga magulang ko sa altar kung saan siya naghihintay.


Nabigla ako nang may matitipunong brasong yumakap sa bewang ko. Natawa ako saka hinaplos ang braso ng asawa ko. We're currently on our honeymoon dito sa Amanpulo. Iniwan lang namin si Jordan sa kapatid ko. Natutuwa rin naman sina mama at papa kay Jordan kahit pa anak siya ni EJ sa ibang babae. Sabi nga ni mama, bata lang si Jordan at wala siyang kasalanan dahil di niya ginusto ang nangyari sa amin ng mga magulang niya.


"Anong iniisip mo, love?" tanong ni EJ habang hinahalik-halikan ang batok ko. Kung saan saan rin nadapo ang kamay niya kaya natatawa ako. Napatigil siya, "Pinagtatawanan mo ba ako?" tanong niya saka hinarap ang mukha ko sa mukha niya. Nakikita ko ang amusement sa mga mata niya.


I stick my tongue at him at di na sumagot. Sa totoo lang kinakabahan kasi ako. Bigla namang kumunot ang noo niya, "May problema ba? Bakit bumangon ka mula sa kama ng sobrang aga kanina? San ka pumunta?"


"May tiningnan lang ako sa tabi-tabi," pagsisinungaling ko.


Pumunta ako ng pharmacy dahil may gusto akong i-confirm. Not that sasabihin ko 'yun sa kanya. "Love, magbihis ka." ani ko.


Kumunot naman ang noo niya bago natawa, "Damn, niyayaya mo ba ako magdate?" nakakalokong tanong niya. Iningusan ko lang siya at tinulak papunta sa walk in closet ng rest house na tinutuluyan namin, "Magbihis ka na. Hawakan mo lagi ang phone mo. Mauuna na ako 'dun. Bye!" bago pa siya makaangal ay sinara ko na ang pinto.


Nakahinga ako ng maluwag. Okay, game!


**


"Okay na lahat? O sige thanks!" ani ko sa mga dating kasamahan ko sa hotel. I prepared a candlelight dinner for us. Yes, ako ang nagprepare. Sino ba kasing nagpauso na lalaki lang dapat ang mang-surprise? Dapat kaya minsan pati mga girls din para hindi manawa ang mga boylet natin. Girl power ito! Sayang ang pinaglalaban ni Gabriela Silang.


I grinned when I saw my husband being dragged by my friends' husbands. Syempre, kasabwat ko ang mga kaibigan ko. I can't make this possible without their help. And of course, God. Kasi akala ko talaga di ako matutulungan ng mga kaibigan ko ngayon dahil syempre busy na rin sila masyado sa buhay nila ano? May mga pamilya na kami kaya't bago na ang priorities namin.


"What the hell is this man? Susumbong ko talaga kayo sa mga asawa niyo. Where the hell are you taking me?" naiiritang tanong ni EJ sa mga kaibigan. Natawa naman ako ng mahina.

My Twisted Happily Ever After  ✅Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz