Chapter 27

1.6K 41 0
                                    

Chapter 27

["Leann? Are you sure about that? Divroce isn't some kind of joke. Kung nag-away man kayo baka mapaguusapan niy pa ya--"] I cut him off. 

"Ninong I need this. We need this." 

Funny. Ilang beses ko na ba nabanggit ang katagang "I/We need this"? ngayong araw na ito? I have to let myself believe that I really need this. Ilang months lang ba kami naging mag-on and hell nagpakasal agad kami. We rushed things just because we're afraid that someone might interrupt our love. Hell, kahit pa ayaw niyang sabihin hindi naman ako tanga para malaman na masyadong rushed ang pagpapakasalan namin. Ni hindi nga yun church wedding e. 


Siguro nga kailangan namin ito. Mas kailangan namin kilalanin ang isa't isa. We shouldn't have rushed thing but I won't say that I regretted marrying EJ. Kahit pa I'm kind of letting him go, I know inside me I love him so much. 

["If that's what you want."] ani ninong saka tumahimik kaming dalawa. Nakarinig ako ng tikhim sa kabilang linya at saka nagsalita si ninong, ["You have to come here tho and you have to talk to EJ. You're not the only one in this marriage. I hope you don't regret this."] hindi ako sumagot kaya't pinatay niya na ang tawag.

Napangiti ako dahil finally, pumayag na siya. Alam kong mahirap para sa kanya ito dahil inaanak niya si EJ and when I married EJ naging inaanak niya na din ako. Masakit rin naman sa akin e pero hindi ko kayang makita ang anak ni Leena na walang tatay. 

I believe in the importance of a complete family. I doubt EJ won't learn to love Leena. She is almost perfect and I know when the time comes mamahalin din ni EJ si Leena. I mean, it always happens. It's proven and tested. Kapag nakasama mo ng matagal ang tao eventually, kahit anong pigil mo mamahalin mo rin naman siya talaga e. 

As for me, I knew I had a choice. That's why I'm choosing this. The baby needs a father. I can live without a guy in my life. I guess happy ever afters aren't really my thing. 

Papalabas na sana ako nang may kamay na humawak sa braso ko. Hindi ko na kailangang lingunin pa ang tao para malaman kung sino ito, "What do you want EJ?" ani ko habang hindi parin lumilingon sa kanya. 

"EJ? What no 'Love' anymore?" aniya sa sarkastikong tinig pero hindi ko siya nilingon. Kakausapin ko siya pero hindi sa ganitong paraan. Wag lang ganito. Wag ganito please. 

Wag ganitong bumabalik lahat ng sakit. 

Tanga kung tanga pero hindi ko kasi talaga kayang maging makasarili at angkinin si EJ at hayaan ang isang inosenteng batang malayo sa ama at manirahan kasama ang kung sino sino. Yeah, sure kaya kong tanggapin ang bata pero hindi maiiwasang mapagbubuntunan ko siya after all hindi ko siya anak at isa siyang proof na wala akong anak. Mas safe siya sa nanay niya at least yun mamahalin siya ng totoo. 

"Eljohn Kyle let me go." ani ko sa seryosong tinig at hinila ang braso ko ng malakas ngunit nanatili ang kamay niya doon. Ni hindi man lang natagtag o nausog nang kahit kaunti man lang. Pinaharap niya ako sa kanya at saka ako tiningnan. "Divorce?" aniya sa hindi maipaliwanag na tinig. 

My Twisted Happily Ever After  ✅Where stories live. Discover now