Chapter 16

1.5K 45 4
                                    

Chapter 16

Naabutan ko siyang lumiliko papasok sa gate namin. Oh damn! Ininvite nga pala siya ni mama. Nako patay na talaga ako nito. Pagkababa niya ay nagdirediretso lang siya sa loob ng bahay. Good thing naabutan ko siya at hinila, "Ej! Ano ba?" saad ko at hinila ang braso niya.

Tumigil naman siya bago ako pinaningkitan ng mata, "Anong ano ba? Ikaw pa ngayon ang naiirita?" naiinis na tanong niya sa akin. Sumimangot naman ako, "Bakit? Bawal ba ako mairita? Ang mali naman kasi ng timing mo e!" saad ko. Nagulat naman siya bago nawalan ng ekspresyon ang mata niya, "Oo nga. Ang mali ng timing ko. Naabala ko pa tuloy ang paglalampungan niyo." mapait pa sa ampalaya na saad niya bago hinila ang braso niya mula sa pagkakahawak ko.

Napapadyak naman ako sa malamig na sahig sa sobrang pagkairita. Umakto pa akong sinasakal siya habang nakatalikod siya pero bigla siyang humarap kaya't naibaba ko ang kamay at ngumiti ng pilit. Umirap siya at naglakad na ulit. "EJ! Pwede ba na kahit isang beses lang pakinggan mo ako?" sigaw ko sa kanya. Buti nalang at walang tao sa sala ngayon dahil nasa garden na silang lahat. Hindi man lang niya ako nilingon kaya't napaupo ako sa sofa. "Ang hirap naman paamuhin ng isang 'yon!" bulong ko habang ginugulo ang buhok ko.

Naramdaman ko namang may tumabi sa akin, "Hoy Ulan! Ang laki ata ng problema mo?" napalingon ako sa kuya kong nakataas ang kilay sa akin, "Eh kasi si EJ e!" saad ko habang nakasalubong ang kilay. Tumango naman siya na parang naiintindihan niya na, "Ah yung boyfriend mo?" tanong niya. Sasagot sana ako ng hindi pero tutal may balak naman akong sagutin siya, "Oo! Nagtampo kasi! Basta mahabang storya!" ungot ko pa.

Humalakhak naman siya at ginulo ang buhok ko. Aw mukha na akong basahan, "Alam mo kasi mabilis lang paamuhin ang mga lalaki. Kung akala niyong mga babae mahirap kami paamuhin pwes nagkakamali kayo. Madali lang kami paamuhin basta ba alam mo kung paano." saad niya at kinindatan ako. Sumimangot naman ako sa kanya, "Paano niyo ba kami nauuto ha?" pabirong tanong ko sa kanya habang minamasahe ang sentido ko. Nakakabaliw naman to. Hindi pa naman ako magaling sa explanations! Mahirap ding magpaliwanag dahil mabilis uminit ang ulo ko.

"Loka loka. Di pang-uuto ang tawag dito. True love." saad niya at kumindat bago tumawa. Napangiwi naman ako. Hindi talaga ako sanay na makitang nagiging corny ang kuya ko. "Ipagluto mo kaya yun bunso? Malay mo mahuli mo ang kiliti nun." suggest niya. Ngumuso muna ako bago tumango, "The best way to get into the man's heart is through his stomach." saad ko pa. Tumango naman siya at tumayo, "Paano hahanapin ko muna ang ate mo ha? Makihalubilo ka muna sa mga bisita o kaya ay magsimula ng magluto. Sige na." aniya bago naglakad para hanapin ang asawa niya. Napailing nalang ako at tumayo papunta sa kusina.

Maliban sa siomai ano pa ba ang gusto ang kainin nang isang yun? Pagkapasok ko sa kusina ay nagulat ako ng makita kong nagtatawanan ang mama ko at si EJ. Pakiramdam ko nalaglag ang panga ko at nagtatakbo na palayo sa sobrang kilig. Oh ayos talaga ang epekto ni EJ sa akin pati panga ko kinikilig. Nakaroll hanggang sa braso niya ang sleeves ng kanyang suot na damit. Napatingin naman sila ni Mama sa akin. Ngumiti si mama pero nakatitig lang sa akin si EJ

"Hija, halika tulungan mo kami ni EJ magluto. Para saan pa at naging chef ka?" pabirong saad ni mama. Ngumiti lang ako ng pilit at lumapit sa kanila. Tumabi ako kay mama kaya't napapagitnaan namin siya ni EJ. Panay naman ang lingon ni mama sa akin at kay EJ. Mukhang nahahalata niya nang merong problema.

"Rain, bakit hindi ka agad nakabalik? Napilitan pa tuloy akong payagan si EJ na bumili ng mga ingredients at para sundan ka na din." napatitig na lang ako kay mama bago umiling, "Nakita ko po kasi si Ced at may pinagusapan lang po kami. Umaatake na naman po kasi pagiging abnoy ng isang yun. Sukatin niyo po bang iwanan ang mag-ina niya dahil nagdadrama siya?" saad ko habang naghihiwa ng bacon. Pasimple na rin akong nagexplain kung bakit ako nandun kay EJ.

Napatingin naman si mama kay EJ at tumango, "Naguusap pa pala kayo ni Ced?" tanong pa niya. Ano bang trip ni mama? Gusto niya ba talaga kami pag awayin ni EJ? Napansin ko naman ang pagngiti ni mama mag-isa. Alam ko na, inaasar lang kami ni mama. Tumango lang ako at hindi na nagsalita. Binaba niya naman ang hawak niyang kaldero na siyang gagamitin sa pagluluto ng adobo, "Alam niyo kayong dalawa. Para kayong teenager. Pagusapan niyo nga yan! Aba baka maapektuhan ang lagluluto niyong dalawa. Sige na lumayas na kayo dito at doon kayo sa sala magusap. Sige na!" saad niya at tinulak pa kaming dalawa.

"Mama..." saad ko pero pinanlakihan niya lang ako ng mata bago bumulong sa tenga ko, "Boto kami ng papa mo sa kanya, aangal ka pa? Lakad na! Ikaw naman kasi ang harot mo!" natatawang saad ni mama. Alam ko namang pabiro yun pero sinimangutan ko siya.

Pagkarating namin sa sala ay pinaupo ko siya sa sofa, "Look EJ-" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil umiling siya, "No let me talk first." saad niya sa akin. Umismid ako bago tumango.

"I'm sorry for over reacting. Well, you can't blame me. He's your ex-boyfriend and I saw how wrecked you are. Ang hirap maniwala na wala ka nang nararamdaman sa pinsan ko." aniya na nagpakunot ng noo sa akin.

"Mahirap maniwala kasi ayaw mo ako pagkatiwalaan."

"Ako nga sabi muna magsasalita diba?" naiiritang saad niya. Bumuntong hininga ako at umirap, "Fine!"

"Sumakto pa na pagkakita ko sa inyo yun pa ang naabutan ko. Ang nag-a-I love you kayo sa isa't isa. Ah tangina ang dami kong arte." pabulong niyang sinabi yung huli pero rinig ko parin. Napangiti ako dahil dun. Hindi ako sanay na korny siya pero nakakakilig pala.

Tumabi ako sa kanya at niyakap siya. Halata namang nagulat siya sa ginawa ko dahil nanigas siya, "Nakakairita ka alam mo yun? Di mo pa nga alam ang buong storya nagwo-walk out ka na. Pangalawang beses na to ha!" saad ko at pabirong tinampal ang noo niya. Napatingin ako sa mukha niya pero nakatitig lang siya sa akin, "Leann..." saad niya bago bumuntong hininga.

"Nevermind me. Masyado lang akong naging OA. Pero buti na nga yun at nagkaayos na kayo. Atleast pagalis ko may maiiwan sayo." seryosong saad niya. Nabitiwan ko naman agad siya, "Wag ka munang magsalita. Patapusin mo muna ako." dagdag niya pa nang akmang magsasalita ako.

"Aalis ako dahil yun naman talaga ang trabaho ko. Remember wjen I told you kung bakit hindi mo ako nakikita sa haba mg pagsasama niyo ni Cedric? Yun ay dahil sa trabaho ko. Naa-assign ako sa iba't ibang bansa." mahinang saad niya. Para naman pinipilipit ang dibdib ko. "So iiwan mo ako?" mahinang tanong ko habang pinipigilan ang luha ko. Malikot ang mata ko at kinakagat ko ang labi ko para lang di dumapo sa mukha niya ang kamay ko sa sobrang inis.

"I have to. Being here in the Philippines is a very bad idea, anyway." dahil sa sinabi niya biglang tumulo ang luha ko, "Mali ang pagpunta mo dito? Para mo na ring sinabi na mali na nakilala mo ako, ano?" saad ko habang humikbi.

"Shh. Leann.." So we're back to Leann? Ayoko niyan! Gusto ko tawagin mo ulit akong love. "Hindi sa ganun. Pero kelangan ko talagang umalis at ititigil ko na rin siguro ang panliligaw..." he trailed off. Umiling ako, "Hindi eh! Ganun yun! Tingnan mo!?" saad ko. Niyakap niya ako pero pilit akong kumakawala sa kanya, "Ang tarantado mo naman eh! Sabi mo di na ako masasaktan sa'yo?" bulong ko habang patuloy na tumutulo yung luha ko, "Bwisit naman kayong magpinsan e. Pareho niyo akong sinasaktan. Nasa lahi niyo na ba talaga yan?" dgdag ko pa. Nanigas naman siya. "Yung mama ni Ced sinaktan ako gamit ang salita niya, si Ced tapos ngayon ikaw?" tanong ko habang pilit parin na kumakawala.

"Ba't ka masasaktan e hindi mo naman ako mahal?" tanong niya.sa seryosong boses. Natawa ako ng pagak bago lumagapak ang kamay ko sa mukha niya, "Di lang pala makitid utak mo, manhid ka rin pala." saka ako umalis sa pagkakayakap niya at tumayo palabas.

Buti na lang walang tao sa harap nung dumaan ako nandun sila malamang sa garden sa likod ng bahay. Dali dali akong naglakad para makasakay na sa kotse ko. Lintek na lalaking iyon! Pareho lang talaga silang magpinsan.

Bigla namang may humigit sa braso ko kaya't napaharap ako sa kanya, "Anong sabi mo?" nangiti niyang saad. Tumaas ang kilay ko at pinunasan ang luha ko, "Pakidagdag na rin pala ang bingi sa listahan." saad ko at umirap. Gustuhin ko mang magwalk out di ko magawa dahil sa higpit ng kamay niya sa braso ko.

"Sabihin mo na." malambing na utas niya habang nakangisi. Nagtagis ang bagang ko, "Mahal kita. Masaya ka na? Lumayas ka nga! Bitiwan mo ako!" saad ko nang bigla niya akong yakapin.

Narinig ko naman ang halakhak niya, "I love you too."

My Twisted Happily Ever After  ✅Where stories live. Discover now