Chapter 29

1.6K 38 1
                                    

Chapter 29

"You know what? Can we please stop talking about my misery?" I said it in a joking manner just to lighten up the mood. Surprisingly, sumabay naman silang dalawa sa akin at nagsimula nang magjoke. Pasimple akong natatawa kapag bumabanat ng korny na joke si Ced. "Oh sinong artista ang napakatangkad? Ha? Ha?" napangisi naman ako. "Sige nga, sino?" 

Ngumisi siya at kumindat sa akin mula sa side mirror, "Edi si Joel Torre!" napafacepalm ako pero natawa rin. "Lintek Ced, kung di lang kita asawa pinatapon na kita. Ang korny mo!" ani Joselle pero nakangiti naman. 

I felt a tinge of jealousy but I didn't entertain it. Kailangan ko ngang malayo sa problema diba? Baka ikamatay ko na yun at tumandang dalaga pa ako. Sayang din ang mga boylet. 

"Uhm, hun, I forgot na kelangan ko pala bilhan ng damit ang mga bata para sa re--" napatigil si Joselle ng maalala niyang kasama nila ako at pasimpleng napamura. "I mean, nevermin--" 

"It's fine," putol ko sa kanya habang nakangiti ng bahagya. Just to show her that I understand. Nakakahiya naman kung hindi nila itutuloy ang pagbili ng damit sa mga anak nila dahil lang sa akin. Yes, bitter ako kasi wala akong anak pero nag-eenjoy parin naman ako tumingin tingin ng mga damit. Hindi naman siguro ako sobrang masasaktan diba? May chance pa naman daw na magkaanak ako e. 

"Are you sure?" di mapalagay na tanong ni Joselle. Tumango naman ako at ngumiti ulit. "Yes, I promise." tumango naman siya ng dahan dahan at sinabihan si Ced na iliko sa mall. Napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang mga titig ni Ced at Joselle. Nag-iwas ako ng tingin at bumuntong hininga, "As much as I wanted to stay with you, uuwi nalang ako kung ganyan kayo makatingin. You're making me feel worse," and just like that iniwas na nila ang tingin nila sa akin which I am thankful for. 

Pagpasok sa mall ay nagpaalam agad si Ced, "No offense hun, I love our kids but shopping will bored me to death. Maglalakad lakad nalang ako, is that fine?" napairap si Joselle ng pabiro saka isinukbit ang braso sa akin. "Yeah, yeah. Whatever. Wag kang magpapalayo. Get it?" ngumisi naman si Ced at hinalikan siya sa labi. Agad akong napaiwas ng tingin. 

It kind of hurt because I can clearly see the resemblance between Ced and Ej. Magkahawig sila at walangya lang dahil sa lahat ng pagkakataon, ngayon ko lang napansin. Ngayon, of all times. Gaguhan?

Pero hindi ko iyon pinansin at naglakad nalang kami ni Joselle papunta sa loob ng department store. Pasimple akong napapasulyap kay Joselle. Never in my wildest dreams na inaasahan kong maging magkaibigan kami ng babaeng ito. Ang alam ko lang ayaw niya sa akin noon at ayaw ko rin sa kanya. At within a blink of an eye nagbago ang turingan namin at nagkapalit pa ata kami ng lalaki? Funny kasi yung dating boyfriend ko asawa niya na yung dating boyfriend niya, asawa ko na rin. Ang pinagkaiba? Hindi sila maghihiwalay kami naman ni EJ, a matter of months, weeks, or days nalang. Sa loob ng isang taon at kalahating pagsasama, I can say he was the best husband. Kahit pa wala kaming anak.

"Damn it!" Nabalik ako sa katinuan ng magmura si Joselle,"Huh?" umiling siya. "Let's go!" agad akong hinila ni Joselle at hinayaang mahulog ang mga hawak kong gamit ng baby. Kumunot ang noo ko, "Anong nangyayari?" tanong ko pero hindi na pala kailangan dahil sa harap namin ay nakita ko sina EJ at Leena. Nanigas ako at narinig ulit ang pagmumura ni Joselle sa background pero hindi na klaro.

Ayan na naman yung sakit. Hi pain, we meet again! I sarcastically thought. Tiningnan ko sila. Kung tutuusin, hindi naman sila sweet magkasama lang sila at may distansyang halos isang metro mula sa isa't isa. Napansin ko din na medyo lumalaki na ang tyan ni Leena mula nang makita ko siya. Masyado bang mabilis o sadyang matagal na talag mula nang huli kong makita siya?

My Twisted Happily Ever After  ✅Where stories live. Discover now