Chapter 1

4.5K 62 11
                                    

Chapter 1

“Leann! Tinutunganga mo dyan?” napalingon naman ako sa isang Camille kasama ang asawa niya. Buti pa sila. Kahit di sila nagsimula sa maganda eh nagtagal sila. At ngayon? may anak na yang dalawa. Shet, nakakabitter. Whoo! “Baka naman may balak ka tumayo diba? Late na tayo!”  natawa nalang ako kay Tin. “Oo nga naman. Ang ganda ganda mo ngayon tapos di tayo tutuloy? Ano lokohan? Bilis dyan!” mukhang di nila ako titigilan ah? “Oo na! Oo na! Tatayo na nga diba?”saka ko pinagpagan ang suot ko. Ngumiti ako sa kanila. “Isa pa…alam ko kung anong iniisip niyo. Wag kayong mag-alala. Ayos lang ako.”  Saka sila umiwas ng tingin.

Kaya mo na ba talaga Le? I mean…grabe naman talaga yan sila! Hindi man lang sensitive eh ano? Boyfriend mo kaya si—” pintuol ko si ate Sen. “EX-BOYFRIEND.” Malamig kong tugon. Paano nga ba kami nahantong sa ganito? Masaya naman kami diba? Mahal naming ang isa’t isa NOON e. Kung di lang dahil sa lintek na ‘Sawa na ako.’ Na yan!

We were preparing for ate Sen’s wedding. I mean…second wedding. Yes, si Kirby parin ang asawa niya pero ikakasal sila ulit. Kung bakit? Aba, di ko alam. Ang aarte nitong dalawa eh may mga anak na naman sila. Sina Kirsen at Jonir, yung kambal nila. Naglilingon ako para makita ang boyfriend ko. Si Cedric. Nakita ko siyang may kausap sa phone habang tumatawa. Sino naman kaya ang kausap ng lalaking ito?

Nakita niya ako kaya agad na nawala ang ngiti sa labi niya at pinatay ang tawag. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko. “Kanina ka pa ba dyan?” tanong niya ng nakangiti. “Hah? Di naman. Bago lang. Sino yung kausap mo?” umiling siya. “Ah yun ba? Si Mama lang yun. Ang kulit kasi eh.” Napatango naman ako. Kung ano ano ang iniisip ko si Tita lang pala. “Oh ano daw sabi? Pinapauwi ka na ba? Sige umuna ka na matatagalan pa kami eh.” Napakamot naman siya sa ulo. “Oo eh. Pinapauwi na ako. Niloloko pa nga ako na baka daw hindi lang daw isang ang ikasal kundi baka daw maging double wedding.” Ha? “Ha? What do you mean?” ginulo niya ang buhok ko saka umiling. “Wala. Mahal kita, sabi ko.”Napangiti naman ako dun. Ang sweet talaga ng boyfriend ko kaya mahal ko to eh. “Mahal ka rin daw niya, sabi ng kaharap mo.” Then I kissed him on the lips. 

“Ehem! Baka naman kasi, hindi kami ni Kirby ang ikasal eh ano?” napalingon naman kaming dalawa kay ate Sen na dala-dala ang kambal. Natawa nalang ako. “Alam mo ate Sen? Naninira ka nang moment! Tara na nga. Bye, Ced. Love you.” Tumango lang siya at naglakad. Ay? Walang I love you too? “Leann!”  sigaw niya sa pinto ng simbahan. Napalingon naman ako. “Oh?” ngumiti siya saka kumindat. “I love you too! Sagad sa buto!” saka siya tumakbo papunta sa sasakyan niya. Leaving me dumbfounded. “Ayiiiee!” sigaw ng barkada. Umirap lang ako at di nagpahalata. Pero wag ka! Kinikilig ako!

Ngayon na ang kasal nina ate Sen at Kirby. Grabe tong mga to, para parin talagang teenagers kung makatingin sa isa’t isa. Sana, maging ganyan din kami ni Ced. Speaking of Ced. Napalingon naman ako sa pwesto niya at nakita siyang nakatulala. Ano kayang problema ng isang to? Iniisip niya kaya ang kasal naming dalawa kagaya ko? Ay shet! Feeling ko naman. If I know, gusto pa muna niyang ayusin yung buhay niya. I mean, di naman siya barumbado or what pero gusto niyang umangat pa sila kesa sa estado ng buhay nila ngayon.

Nang matapos ang kasal at nandito na kami sa reception eh nilapitan ko si Ced na nakatulala parin hanggang ngayon. Di ko alam pero kinakabahan ako. “Ced? Okay ka lang? Uwi na tayo gusto mo?” tiningnan niya lang ako. “No, I’m fine. Sige na makipaghalubilo ka na doon.” Hindi talaga to okay eh. “Ced, alam mo umuwi na tayo. Hindi ka talaga okay eh.” Umiling siya. “I’m fine. Sige na, pumunta ka na doon. Nagkukuhaan na sila ng litrato oh. Sumali ka na.” umiling ako. “Tara na nga. Hindi ka oka---”nagulat ako ng itabig niya ang kamay ko.

“I SAID I’M FINE! Asan ba dun ang mahirap intindihin!?” nagsilingunan naman ang mga tao sa amin. I can’t believe it. Sinigawan niya ako. “Is there a problem? Leann? Cedric?” umiling lang ako. “Nope! We’re fine! Sige na balik na kayo doon. Di ko kasi narinig si Ced eh kaya ayun sumigaw siya para lakasan ang boses niya. Sorry sa abala. Sorry guys! Sige una na kami. Inaantok na ako eh.” Di ko na hinintay ang sagot ni ate Sen at hinila ko na si Ced mula doon.

“What the hell is wrong with you, Cedric!? Tinatanong lang naman kita kung ayos ka ah?” umiling siya at tinulak ako. “Tinatanong!? Ang kulit mo kasi! Hindi yun tanong. Pinipilit mo yung gusto mo!” napailing ako. “What the actual hell are you talking about!? Anong pinipilit? Wala akong pinipilit! Concern lang naman ako siyo ah!” umiling siya at tinulak ulit ako. “Nasasaktan na ako Ced ano ba!”

“Wala akong pakialam! Alam mo, nagbago ka na! Nakakirita ka na! Paulit-ulit ka! Mas mabuti pa tapusin na natin to. Sawa na ako sa pagiging nagger mo.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. “W-what? No! We can fix this right!? Maayos natin ito! Please, don’t leave me!” humawak ako sa kanya as if mamamatay ako kung iiwan niya ako. “We’re done.” Saka niya tinabig ang kamay ko at pumunta sa kotse niya. Leaving me dumbfounded, but this time di dahil sa kilig. Dahil sa sakit ng mga binitiwan niyang salita. He let me go because SAWA NA siya? Anong klaseng pagmamahal yan?

“Hoy Leann! Umiiyak ka nanaman! Tahan na. Ang mabuti pa wag nalang tayo pumunta.” Umiling ako at pinunasan ang luha ko. Sayang ang make up. “No! I’m fine! Tara na?”saka ako nauna lumabas at dumiretso sa kotse ko. Pagpasok ko sa kotse ko ay hinagis ko agad ang pouch ko. What am I thinking? Pupunta ako ngayon sa ENGAGEMENT PARTY ng EX-BOYFRIEND ko na hanggang ngayon eh mahal na mahal ko parin.

Di naman ata yun nagbago kahit na dalawang taon na ang nakalipas eh. We loved each other for 7 years! Mula nung 1st year highschool kami mahal na namin ang isa’t isa. O ako lang talaga ang nagmahal? Kasi ang bilis niya akong napalitan eh.

Di man lang uso ang 3 months rule. Pagkabreak naming dalawa umalingawngaw agad ang balita na sila na ni Joselle! That btch sinulot niya talaga ang boyfriend ko? Alam kong obsessed siya doon pero I didn’t expect na papatol din si Ced sa kanya! Mga walangya sila at ngayon engagement na nila? Lintek sila! Binilisan ko ang pagpapaakbo at nakarating ako sa hotel na pagdarausan ng engagement. Napangiti ako ng mapakla. Oh come on Le, wag ka mag-alala. Makakahanap ka din ng mamahalin mo.

“Aww!” “Sorry, Miss!” ang sakitng balikat ko. Walangya yun dumirediretso lang! Di man lang nagsorry---ay nagsorry pala. Pero kahit na! Pinagpagan ko ang dress ko. Nagulat ako nang may makita akong calling card.

EJ De Vera

+639*********

Hindi ko rin naman alam kung anong gagawin sa card, nilagay ko nalang siya sa pouch ko saka pumasok sa loob ng hotel.

---------------------------------------------------------

TBC. Thank you @shelaughsatyou for the amazing book cover dahil ang ganda talaga. Bale, patikim lang to dahil mukhang di ko talaga kayang itago. Hahaha! Pero swear ipopost ko ang ibang chapters kapag tapos ng ang The Deal. 

My Twisted Happily Ever After  ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon