Chapter 3

2.3K 59 0
                                    

Chapter 3

"Wait! What? Did I heard that right? Kayo?" di makapaniwalang tanong ni Joselle. nakatitig lang naman si Cedric sa akin. Binaling ko ang tingin ko kay Joselle, "Bakit? May problema ka?" inirapan niya lang ako at di na sumagot. Tiningnan ko ang relo ko, "Oh my. Kahit gustuhin ko mang magtagal di na pwede. I have to go home." pagpapaalam ko sa kanilang tatlo. Di ko na maatim ang atmosphere dito. Way to go Leann alam kong nagseselos na si Ced. Alam ko to. Kilala ko siya.

"Hatid na kita. Sige pare una na kami." ngumiti lang ako at nauna nang maglakad palabas ng venue. Paglabas ay bumuntong hininga ako ng malakas. "Letseng buhay to, oo!"

"Laki problema natin ah?"

"Ay butiki!" Tiningnan ko siya ng masama. "Uso kasi magpaalam na susunod ka pala. Di yang manggugulat ka."

Tumaas naman ang kilay niya, "Wow miss ha? Parang kanina lang para kang tupa. May paiyak iyak ka pa tapos ngayon parang tigre na agad? Ayos ka rin e ano?" tiningnan ko ulit siya ng masama. "Wala kang pakialam." naglakad na ako papunta sa kotse ko pero bago pa ako makalayo nagsalita siya. "Tara?" saka ako nakaramdam ng kamay na humila sa akin papunta sa kasunod na kotse. "What the hell!? Ang kotse ko!" natigilan naman siya at nagpabalik balik ang tingin sa akin at sa kotse ko. Saka bumalik papunta sa kotse ko. What the ano bang problema nitong lalaking to? "Kotse mo ang gagamitin natin." saka siya nauna maglakad. Napailing nalang ako habang naglalakad. Unbelievable. Pero mas papayag pa ako kesa iwan namin ang kotse ko dito. Baka mapano to sabay pa namin to binili ni Ced--Walangya Le. Ced nanaman? Kelan ka ba mag momove on--No. The real question is may plano ka bang mag move on?

Di naman kasi talaga ganun ka dali lumimot ng relasyong nagtagal ng walong taon. The memories are still hunting me. Kaya masakit. Kahit pa sabihing dalawang taon na ang nakalipas at eto parin ako naghihintay parin. Ang hirap kasi talaga. Napakahirap. Saka naniniwala parin akong babalikan niya ako. Pagsubok lang to e. Alam ko in the end kami parin. Hahabulin parin niya ako at sasabihing kami parin talaga sa isa't isa. May pag-asa pa ako di pa sila kasal right? Engaged lang sila pero di pa sila kasal. May pag-asa pa right? Meron pa?

"Huy! Bakit ka umiiyak? Anong ginawa ko?" napalingon ako sa lalaking nasa tabi ko. Natigilan siya saka  bumuntong hininga. "Oh come on. Si Ced ba?" inirapan ko siya at saka pinunasan ang luha ko. "It's none of your business." 

"Yan ba ang way ng pag-the-thank you mo? Oh siya welcome." nakita ko pang napairap siya kaya natawa ako. "Eto naman, matampuhin. Oh siya, thank you. And I mean it. Kung di dahil sa'yo baka nagmukha na akong tanga doon." nagtagis ang bagang ko sa naisip. 

"Welcome. Pero may tanong sana ako." nilingon ko siya, "Ano yun?" napakamot siya sa batok niya which is very attractive tingnan kaya tinitigan ko siya, "Talaga bang...ininvite ka ni Joselle?" nawala ang pag-che-check out ko sa kanya at nagsimula na namang magngit ngit ang loob ko. Walangya talagang babaeng iyon. "Oo." nanggigigil kong sagot. 

"Kung ganon, ano naman ang plano niy--oh I know." napatingin ako sa kanya. "Gusto niyang magselos ako." I said matter-of-factly. Tumango siya at inabutan ako ng gulaman na ngayon ko lang napansing hawak niya pala. Kinuha ko nalang din and muttered a small thanks. Ngumiti lang siya. 

Nakatitig lang ako sa kanya nang may naalala ako, "Bakit mo ginawa yun?" 

"Ha?"  nagtatakang tanong niya. "Yung kanina. Bakit mo'ko pinagtakpan?" tanong ko. Nag-isip naman siya saka biglang natawa. "Honestly, I have no idea. Bigla nalang akong nagkaroon ng lakas ng loob na gawin yun. Siguro dahil naiinis ako kay Joselle?" 

Di ko na napigilan ang sarili ko at humalakhak na ako. Di rin katagalan ay sumabay na siya. "Ayoko siya para sa pinsan ko."  napalingon ako sa kanya. "Pinsan?"  tumango siya. "Yeah, mother's side." napatango naman ako at biglang nanliit. Kilala siya ni Joselle. Samantalang ako na 7 years na naging girlfriend ay di siya kilala. Grabe puro ba kami nalang ang naisip ko? Ni hindi ko man lang kinilala ang mga kapamilya niya. Kakaunti lang kasi ang kilala ko. 

"Siguro nagtataka ka. Well, mula kasi akong Canada then to California. Bihira lang talaga ako makapunta rito sa Pilipinas. My schedule won't allow me." napatango nalang ako. Simula nung nagtrabaho na ako alam ko ang bangga banggaan na sched. Ano pa kaya siya na sa ibang bansa pa pala nakaassign? That must be a rough sched. 

"So Saan ka nagtatrabaho currently?"  tanong niya sa akin. Uminom muna ako ng gulaman bago nagsalita, "Well I currently work for my friend's hotel. I'm a chef."  nakangiti kong saad. Nanlaki naman ang mata niya saka ito tumango na para bamg naamazed. "Wow. Di naman sa nang-o-offend. Pero wala sa'yo yung chef na aura."  

Napakunot ang noo ko, "What do you mean?" natawa siya. "Para kang office girl."  napangisi nalang ako. Karamihan nga sa kakilala ko ay akala office girl ang trip ko. I shrugged and laugh as response. "How old are you na pala?"  tanong ko. Para kasing mas matanda siya sa akin. I mean hindi naman sa looks pero sa way niya makipag-usap. "Oh me? I'm 27." napangiti ako. Four years ang tanda niya sa akin. "You?" 

"Well kuya, I'm 23." nang-aasar na tinig kong sagot. Nanlaki ang mata niya. "23? Pero naging kayo ni--you know?" natawa ako dahil halatang iniiwasan niyang banggitin ang pangalan ni Ced. Nakaramdam ako ng kirot at nagbalik sa akin ang sakit na naramdaman ko kanina sa proposal niya. "He's just well, 22." tumango ako. Yes, I'm one year older than Cedric pero jugding my actions parang mas bata ako. 

"Age doesn't matter."  kumindat ako at nagsimulang iiwas ang topic. "Ahm, madilim na pala. Anong oras na ba?"  nagsimula ko nang ayusin ang bag ko. "Oh, it's 6:30 na pala. Uuwi ka na? Hatid na kita."  umiling ako. "No worries. Kaya ko umuwi mag-isa. Thanks sa offer. Saka car ko ginamit natin right? By the way, I'm Leann."  ngayon ko lang naalala magpakilala kahit kanina pa kami nag-uusap. 

"I'm EJ. Hope to see you again, Le."  ngumiti lang siya pero di umabot sa mata. Tumango nalang ako at nagsimulang maglakad papunta sa kotse ko. 

Nang akmang papasok na ako ay may biglang nagsara ng pinto ng kotse ko. "What the--" halos manlamig ang buong katawan ko nang makita ko kung sino iyon. 

"Ced..."

My Twisted Happily Ever After  ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon