Chapter 21

1.5K 36 4
                                    

Chapter 21 

"Love?" ani EJ. Nilingon ko naman siya habang nagluluto, "Yes?" nakangiti kong saad. Hinalikan niya muna ako sa pisngi bago nginuso ang necktie niya. Natawa naman ako. Hindi siya ignorante, marunong siyang magtali ng necktie pero ewan ko ba dito at talo pa ang inaatake ng katamaran. Ako ang pinapaayos ng necktie niya. 

"Sa pagkakaalam ko talaga hindi ko 'to trabaho e." 

"Sige na. Mahal mo naman ako e." saad niya sabay kindat. Napairap nalang ako, "Hoy! Wag mong isumbat sa akin yan. Amina nga." saka ko siya hinila at inayos ang necktie niya. 

Isang buwan. Isang buwan na kaming mag-asawa ni EJ at so far so good pa naman kami. Alam kong magkakaroon ng mga problema dahil normal lang naman yun pero sana naman wag grabe. Araw araw ko ring pinapanalangin na sana manatiling ganito. Yung walang problema na hindi namin kakayanin. 

"Matatagalan ako ng uwi mamaya, love." napaangat naman ang tingin ko sa kanya at tumango. He cupped my face and kissed my nose. Damn this man. Bakit kasi ang sweet nito? "Okay. Wag masyado ha? Baka sumakit ulo mo dahil sa sobrang pagod." 

Tumango naman siya at niyakap ako, "Damn it. I love you so much." 

"Me, too. Me, too, EJ." 

Napabuga siya ng hangin at niyakap ako nang mas mahigpit, "May problema ba?" tanong ko sa kanya at humiwalay. Umiling naman siya and mouthed 'none'. I nodded. I'll let it pass for now pero ilang araw na siyang ganyan. 

Kahit di niya sabihin, I know something is wrong. Hindi naman ako manhid e. Napatingin ako sa relo, "Di ka pa ba aalis? Malelate ka na, mister." ngumiti lang siya at hinalikan ako bago niyakap ulit. Ano ba nangyayari dito at napapadalas ang yakap? Siguro may kasalanan to. 

"Hoy! Napapadalas yakap mo ah? May kasalanan ka no?" ngumisi lang siya at umiling, "Kapag nangyakap may kasalanan agad? Di pwede minamanyak ka muna?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. 

Pinalo ko siya at pinagtulakan sa may pinto, "Hoy! Umalis ka na nga. Kung ano sinasabi mo e." natatawang saad ko. Tumawa lang din siya at nagpaalam na. 

Habang papaalis ang kotse ni EJ ay tumunog ang cellphone ko. Napangisi ako nang makitang si Ariel yun at tumatawag, "Hoy. Kamusta ka na diyan?" pambungad ko sa kanya. Pero nagulat ako nang ibang boses ang sumagot. Nung una akala ko girlfriend niya pero nang matandaan ko ang boses ay nagngitngit ang loob ko. 

"Leann? Can I speak with you?" 

Tahimik lang akong nakatingin kay Leena habang umiinom siya nang kape. Hindi naman ako baduy manamit pero may kung ano talaga sa kanya na nakakapagpayuko sa akin but no, hindi ako magpapakumbaba dito sa babaeng 'to. 

"What do you want to talk about?" pigil ang boses na saad ko. Bwisit na babaeng 'to. Hindi ko alam pero nagngingitngit talaga ako pag nakikita ko ang pagmumukha nito o boses lang, "Kelan ka pa nakarating?" 

Kumunot ang noo niya, "Pardon but I can't understand you." umirap ako, "Nevermind. What do you want?" ngumisi naman siya, "Too eager are we?" nakagat ko ang labi ko sa sobrang inis sa babaeng ito. 

My Twisted Happily Ever After  ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon