Chapter 12: Never expect. Never assume. Never ask. Never demand.

Magsimula sa umpisa
                                    

"Paano ko uuwing maaga mag aalas dose na epic ka nanaman." Pang asar kong sagot sa kanya. "Ay kuya si Jake pala." Pakilala ko sa kanila.

Tango lang ang naging sagot ni Kuya.

Nanonood lang ako habang nagmamaneho siya hindi ko mapigilan hindi maisip kung ano ang tumatakbo sa isip ni Jake ngayong magkasama na kami hindi ko siya kayang basahin at hindi ko alam bakit patuloy siyang sumasama sa mga paanyaya ko sa kanya alam ko at alam niya na halata ng may gusto ako sa kanya.

Pagdating sa bar na madalas pag inuman ng barkada ay bumaba kaagad ako ng kotse at sinalubong ni Chai, manager ng bar.

"Bakit ngayon lang kayo bawal na magbenta ng drinks sumisilip mga parak dito." Ani Chai, na parang nagtataka pa at kami ni Jake ang magkasama.

"Ganun ba hayaan mo na ang tagal kase nito." Sabay turo sa kasama ko.

Habang pababa kami ng hagdan wala akong tigil sa pagtalak kay Jake dahil ang tagal niya akong sinundo.

"Libutin natin lahat ng bar dito sa Marikina hanggang may mahanap tayo."

Nalibot namin ang buong marikina at bigo kami, hanggang sa nakarating na kami ng Marcos Hiway.

"Teka bat nasa Marcos Hiway na tayo?." Takang tanong ko kay Jake.

"Naghahanap ng bar diba gusto mong uminom?" Walang muang niyang sagot.

At dahil alas dose na nga mas bigo kaming makahanap. Hanggang sa napansin ko na lumiko na ang sasakyan na minamaneho niya pa akyat ng Lower Antipolo.

"Oh parang pauwi na sa bahay to?" Dahil nakarating na kami ng L.A.

"Uo pauwi na talaga dun tayo mag inom sa bahay mo." Biglaan niyang pasya.

"Ayoko akyat pa tayo ng Antipolo sabi mo hahanap tayo ng bar." Pangungulit ko sa kanya.

Walang nagawa si Jake kundi sumunod, nakatatlong bar na kami at ayaw ng mag papasok hanggang sa nakarating kami sa paborito kong restaubar sa Antipolo kung saan tanaw mo ang buong Metro Manila.

Bumaba ako pumasok sa restaurant at naghanap ng waiter para tanungin,  dahil medyo malayo na to sa kabihasnan ay agad kong napapayag ang waiter na makaorder pa kami basta ang kundisyon ay padalawa dalawang alak lang ang ibibigay samin.

Nang makaupo kami ni Jake agad kong narealized na masyadong romantic ang lugar na to at puro lovers sayang lang at hindi kami ganoon. Natatawa kong naisip.

Nagkwetuhan lang kami tungkol sa plano niyang pagbili ng ipod at ng kung ano ano pa. Masaya ako dahil marami pa akong nalaman tungkol sa kanya pero hindi ko maitanong ang tungkol sa nakaraan niya.

Masaya din ako dahil effort parin ang ginawa niya kung tutuusin pwede nalang niya icancel ang lakad namin at ituloy sa ibang araw dahil liquor ban ngayon at dapat ay namamahinga ang lahat sa alak.

"Paano ako titigil mahulog sayo kung pinapahulog mo ako." Eto ngayon ang iniisip ko habang tinititigan ang lalaking nagpahanga ata sa akin ng isang libong beses.

"Madam ano gusto mo paba?" Tanong ni Jake na nagpabalik sa akin sa realidad.

"Ayoko na alas kwatro na di naman tayo nalasing naubos lang oras natin kaw kase eh." Sumbat ko sa kanya.

"O sige bukas umalis nalang ulit tayo."

"Talaga?" Tanong ko na parang nanalo sa lotto.

"Uo basta text text nalang kung anong gusto mo gawin bukas." Dagdag pa niya.

Hinatid ako ni Jake kung saan niya ako sinundo, pag dating ng sasakyan sa tapat ng bahay ay agad akong bumeso sa kanya. Second kiss, paalala ko sa sarili ko.

Perfectly Imperfect (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon