Paris' POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Paris' POV

3days passed, naging busy na kami ni Ate Sola sa mga readings na binigay samin ng Professor namin. Half day lang naman ang pasok pero paguwi mo readings ang aatupagin mo.

Nakaka-miss mag-aral kaya na-e-excite ako kaso medj nag aadjust dahil now na lang ulit ako mag-aaral.

Nagpaalam ako kay Ate Sola dahil ngayon kami magkikita ni Xander. Nagdecide kami na mag meet sa malapit lang na cafe sa school.

Walking distance lang yun sa house na tinutuluyan namin.

Papunta palang ako sa entrance ng cafe nakita ko na si Xander, hindi parin sya nagbabago ganun padin ang itsura nya pero teka, mas gumwapo ata sya ngayon nahiyang na ata sa LA haha

Pagkakita nya sakin kumaway agad sya, agad naman akong lumapit sa kanya. Pagkalapit ko tumayo agad sya at niyakap ako
Long time no see Paris! Grabe I can't believe na you're here!

Na-miss din kita Master! Pumo-pogi ka ata ngayon ah!
Kumalas ako sa pagkakayakap at umupo
Bat nga pala dito ka sa labas pumwesto?

Wala lang, para makita kita agad. Kumusta ang LA, okay ba?

So far so good. Na-e-enjoy ko ang weather alam mo naman sa Pinas, mainit.

Miss ko na nga rin ang Pinas eh, pero konti na lang makakabalik na ko

Congrats in advance ah! Galing mo talaga!

Nga pala Paris, kapag nagustuhan mo yung pagaaral mo dito pwede kang kumuha ng Masteral dito, May scholarships din silang inooffer, matalino ka kaya for sure makakakuha ka ng scholarship, may Masters in Communication and international studies baka interesado ka

Wow! Parang ang ganda ngang opportunity, pagiisipan ko, basta for now tapusin ko muna 'tong short course na 'to!

Mukang busy ka ah, may dala ka pang readings. Hindi ka parin nagbabago studious ka parin

Hehe, na-miss ko rin kasing mag-aral. Kumusta ka na? Baka may american girlfriend ka na ah! Haha

Casual dates lang ginagawa ko pero di ako nakikipag commit, yung gusto ko kasi di pa ata ready mag kalove life ulit

Hoy! Tagal mo ng puro casual dates lang ah. Diba sabi ko sayo maghanap ka na!

Nung nalaman ko kasi na single ka na ulit, naisip ko na baka magka-chance ako haha

Ikaw talaga! Umorder ka na ba?

Oo, coffee at chocolate cake yun ang gusto mo diba?

Tinanguan ko lang sya at ilang sandali pa dumating na yung order namin.

Kumusta ka na Paris? Okay ka na ba talaga? Alam mo bang pinakaba mo ko nung na-coma ka?

Okay na ko. Well ang daming nangyari talaga and now ayun nagpapatuloy lang sa buhay

Into YouWhere stories live. Discover now