Naupo ako at binuksan ang letter na binigay nya

Dear Paris,

Hi Love! Pano ba ko magsisimula? Sa totoo lang kinakabahan ako habang sinusulat 'to. Ang dami kong gustong sabihin pero I can't put into words.

Love, ang dami ng nangyari at nagbago pero yung pagmamahal ko sayo andito parin mas tumindi pa nga ata eh.

Sobrang sakit nung mga araw na wala ka sa tabi ko, tinitiis ko lang, kasi eto yung gusto mo eh. Nag-focus lang ako sa trabaho at kay Dad. Pero walang araw na hindi kita naiisip.

Mahal na mahal kita kaya lahat gagawin ko para lang sayo, alam ko na may mali akong nagawa dati pero sana bigyan mo ko ng chance na itama yun.

Sana bigyan mo ulit ng chance yung tayo. Wala eh ikaw lang talaga Love, bakit pa ko titingin sa iba eh na sayo na lahat ng kailangan ko, you're all I need.

Ikaw ang isa sa mga dahilan kaya ako nagpapatuloy sa buhay. Ikaw parin Love yung gusto kong kasama sa future ko. Diba nga, tayo hanggang dulo?

Love, hayaan mong tuparin ko yung mga pangako ko sayo noon. Pagkatiwaalaan mo ako ulit, please!

Nung nalaman ko na aalis ka kinabahan ako kasi andun si Xander. Love, please! Wag mo syang bigyan ng chance. Ako na lang ulit. Tayo na lang ulit!

Say yes to me again, My Love, please! I'll make sure na hindi ko sasayangin yung chance na ibibigay mo sakin.

Mahal mo pa naman ako diba? Ako parin naman diba?

Hihintayin kita, Love!

Your Love,
Paul

Your Love,Paul

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Into YouWhere stories live. Discover now