"Um.. I hope you don't mind? Baka kasi hindi tayo makapag-concentrate sa gagawin natin kung doon tayo sa labas.. I-I mean, concentrate sa pag-aaral! Ng ano.. ng algebra."

Algebra.

Hmm... Bra? Sa hindi sinasadyang pagkakataon, dumako ang mga mata ko sa dibdib ni Pamela. Langya, bakit ba parang umiinit dito?!

Shit.

Mabilis akong lumayo sa kanya at binuksan ang bintana at sinindi ang mga electric fan.

Pamela just smiled and sat on my bed. Para na naman akong nakakakita ng  anghel sa lupa. "Okay lang. Tara, simulan na natin." She inched closer. Pakiramdam ko hindi na ako makahinga. Hindi ko na naman maalala kung nakapag-toothbrush ba ako kanina o hindi. Damn, paksiw pa man din ang inulam ko kanina!

"A-Ang a-ano?"

Pamela blinked at me, confused. "Yung tutoring, syempre. Abutin ko lang sana 'yong algebra book mo sa may study table."

Mahina akong natawa at napakamot ng ulo. "H-Hahaha! Oo naman."

Damn, Rein! Kung anu-ano na naman ang inisiip mo. Mabilis kong kinuha ang libro at ang notes ko sa Advanced Algebra. Pero hindi pa man kami kakapagsimula, bigla na lang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Teka, bakit nakasilip si Desmond?

Kumunot ang noo ko nang parang sumesenyas pa siya.

"Rein?"

"Pam, kailangan ko munang mag-CR. Diyan ka muna ah?" Bago pa man siya makasagot, mabilis na akong lumabas ng kwarto at hinanap ang bestfriend kong panira ng buhay. When I couldn't find him in the living room, I went straight to his bedroom and knocked on the door. Nang wala pa ring sumasagot, mas nilakasan ko ang pagkatok.

"Hoy, Mond!"

Ilang sandali pa, bumukas ang pinto at iniluwa nito ang nababaliw kong kaibigan. "Tol, may sasabihin ako sa'yo! Emergency 'to!"

I glared at him. Pwede bang ibenta ko na rin 'tong si Desmond? Kahit magkano lang, ayos na.

Nang makapasok na ako sa kwarto niya, nabigla ako nang niyakap ako ni Desmond. Halos lumuwa ang mga mata ko nang bumulong siya sa tainga ko.

"Pare, na-miss kita.."

WHAT THE HELL?!

Mabilis ko siyang tinulak papalayo. This is crazy! "A-Akala ko ba nawalan na ng bisa ang pana ni Eros?! L-Lumayo ka sa'kin!"

Kasalukuyan akong naghahanap ng bagay na pwedeng ihampas sa ulo niya (yung mas mabigat sana para matauhan na talaga siya) nang biglang humagalpak nang tawa si Desmond. Natuod ako sa kinatatayuan ko nang halos gumulong na siya sa kakatawa. I cursed under my breath and waited until he finally recovered from his laughing fit.

Halos maluha-luha pa siya.

"Dude, chill! Hahaha! I'm just kidding. Naikwento kasi sa'kin ni pareng Eros yung trauma mo noong aksidente mong nagamit sa'kin yung pana niya. Hahaha!"

I sighed in relief. Mabuti na lang pala at---

"Teka, sinabi mo bang 'Eros'?"

As if on cue, the Greek god of love and sexual desire popped out of nowhere and leaned against the wall.

"Good evening, single mortals!"

Sumasakit na talaga ang ulo ko sa mga nangyayari ngayon. 'Sige, ipaalala pang single ako. Langya.' Ngumiti naman si Desmond at naupo sa gilid ng kama niya. "Hinahanap ka ni Eros kanina. Tawagin daw kita."

"At syempre siningil mo siya?"

"Oo naman! Singkwenta pesos ang sinisingil ko sa mga taong tinatanong ka sa'kin. Pero dahil diyos siya, triple ang siningil ko. Plus ₱30 pesos para sa talent fee ko dahil tinawag pa kita mula sa paglalandian niyo ni Pam." He grinned like a bastard and shrugged, "Anyway, he has something to tell you. Importante daw, at dahil dito kayo sa kwarto ko mag-uusap, oorasan ko kayo. May bayad rin kasi ang venue. Bente kada limang minuto. Sige, magsayang pa kayo ng oras para kumita ako. HAHAHAHAHA!" At nag-set pa talaga ng timer ang loko!

'Tangina, saan ko ba pwedeng ibenta ang isang 'to? Makaganti man lang.'

I sighed and turned to the god of love. Para namang ayos lang sa kanyang pinagbabayad siya ng kaibigan ko. Hanga rin ako kay Eros eh. Kung ako sa kanya, baka ipinatapon ko na sa Underworld si Desmond---kaso baka isuka rin siya nina Hades.

Anyway, Eros suddenly turned serious. "Rein, nanganganib ang buhay mo. Nalaman ni Artemis na nagsinungaling ka sa kanya."

Natigilan ako sa sinabi niya. Sa lahat ng inaasahan kong marinig ngayong gabi, hindi 'yan kasali sa nasa listahan. Naaalala ko na naman si Artemis at ang mga alaga niyang muntik na akong lapain.

Damn. This is bad!

"Kumakalat na sa Olympus ang kapangahasang ginawa mo. Zeus and the other gods are planning to hunt you down and force you to tell them where Medusa is. Kasama na sa target nila ang dalawa pang tauhan ni Medusa."

'Sina Markus at Caprissa. Shit, this is really, really bad!' Sabi ko na nga ba hindi ko dapat ginagalit ang mga diyos at diyosa eh! Baka matulad ako sa mga nabasa kong mga kwento noon na sinusumpa nila ang mga mortal!

Napalunok ako dala ng kaba. "Bakit mo ito sinasabi sa'kin?"

Nagkibit ng balikat si Eros. "I told you, wala akong kinakampihan. Karamihan sa kanila gustong hulihin si Medusa at ipatapon sa Underworld, pero mayroon pa ring mga diyos na naniniwalang inosente siya. Ang iba naman, sadyang ayaw lang makisawsaw sa kaguluhan sa Olympus---tulad ko. Believe me when I tell you that we have politics and conflict of power there. It's a bit toxic and I really think that old man Zeus needs to retire."

Sinubukan ko na lang 'wag isipin na ang "weird" ng usapang ito. Huminga ako nang malalim at tumango, "Salamat, Eros. Pasensya na rin sa kaibigan ko." Sinamaan ko ng tingin si Desmond na nakatutok pa rin ang mga mata sa timer at kinukwenta ang kikitain niya.

The Greek god of love laughed.

"Hahaha! Nah, it's fine." Sa isang kumpas ng kanyang mga kamay, biglang lumitaw ang maliit na pouch na naglalaman ng ginto. Hinagis niya ito sa kaibigan ko na tuwang-tuwa. "Keep the change, mortal. Bayad-pinsala ko na rin 'yan dahil nadamay ka sa kahibangan ni Rein sa pag-ibig."

Narinig ko ang pagbabanta sa boses ng diyos. I laughed nervously. 'Hindi pa rin ba niya ako papatawarin dahil doon?'

"Don't steal my arrows, Rein. Seriously. Kapag inulit mo pa 'yon, baka 'aksidente' kong burahin ang pangalan mo sa mga taong magkakaroon ng magandang lovelife. You might even end up single for life." Golden eyes glared at me. I raised my hands up in defense, "N-Noted. Hindi ko na uulitin. Na-trauma na rin ako eh. Hahaha!"

At sa isang kisapmata, bigla nang naglaho si Eros. Nakahinga ako nang maluwag. Meanwhile, Desmond was busy counting his gold coins. Literal na yatang kumukutitap ang mga mata niya dahil sa kayamanan.

"Pare, dapat matagal na nating kinakaibigan ang mga diyos! Ang galante ni Eros! Hahahaha!"

"Siraulo ka talaga."

Right now, I doubt that Desmond will have a lovelife. Literal yatang wala siyang abilidad na magmahal ng kahit ano o kahit sino maliban na lang sa pera niya. Napadako ang mga mata ko sa timer ni Desmond. 7:10 p.m.. damn, lalo lang akong kinakabahan dahil sa sinabi ni Eros! Paano kung nasa panganib na pala sina Markus at Caprissa? What if those angry gods drag Medusa back to the Underworld?

Lalo tuloy akong nakokonsensiya.

I balled my hands into fists.

"Kailangan ko silang balaan. Kailangan ko silang balikan!"

Sana mapatawad ako ni Pamela. Magpapaliwanag na lang ako sa kanya nang maayos. Damn it! Ano bang iniisip ko at nilagyan ko pa ng pampatulog ang champagne ng boss ko?! Nababaliw na nga yata ako.

Pero bago pa man ako makalabas ng kwarto ni Desmond, biglang umalingawngaw sa buong dorm ang sigaw ng isang babae.

I can recognize that voice anywhere.

"PAMELA!"

---

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now