“hmmm… I’ll talk to Nanay Linda first. okay? Bigay mo muna sa kanya ang phone”

“okay” medyo disappointed na sabi nito. Hindi naman nagtagal ay kausap niya na ang matanda sa kabilang linya.

“Hello! Anak, pasensya ka na ha. Alam kong busy ka rin ngayon, kaya lang nung isang araw pa ako kinukulit ng batang to eh. Namimiss ka na raw niya, gustong-gusto na ngang pumasok sa school, kaya lang hindi ko muna pinapayagan kasi kagagaling pa lang naman. Mahirap na, baka mamaya mabinat. Mabuti sana kung nandito Daddy niya.”

“ho? Wala ho diyan si Gerald?” tanong niya dito.

“ay oo, nasa Hongkong siya for a business conference.”

“Ahh…” ang tanging nasabi niya nang bigla niyang marinig ang pag-iyak ni Cobbe sa kabilang linya. “Nay! Ano hong nangyayari diyan.” Nag-aalalang tanong niya.

“wala to anak, normal yan dito kapagka ganitong oras. Inuman na kasi ng gamot kaya ayan, may iyakan ng nagaganap.”

"No! I won’t drink that one! It tastes bad. No. Naaaaaaayyyy!!!” narinig niya pang sigaw ni Cobbe habang patuloy sa pag-iyak.

“Kausapin ko po ulit si Cobbe Nay, pwede po ba?” pakiusap niya sa matanda.

“mabuti pa nga, teka sandali lang at ibibigay ko tong telepono sa kanya.” Sabi naman nito, maya maya pa’y narinig niya na ang mahinang paghikbi nito.

“O bakit umiiyak ang baby boy ko.” Lambing niya dito. “shhh…stop crying na, iinom lang naman ng gamot eh, ang sarap kaya nun.”

“Of course not!” mabilis na sagot nito. “how can it be yummy if it taste like an ampalaya shake.” Reklamo nito sa gitna ng pag-iyak.

Medyo napangiwi siya sa sinabi nito, kahit naman siguro siya hindi makakayang inumin ang ganung kasamang lasa ng gamot. “eh pano ka gagaling niyan kung hindi mo naman iniinom ang gamot mo? Okay ganito na lang, let’s have a deal. Iinumin mo yang gamot mo and as a reward dahil good boy ka, pupunta ako diyan sa inyo. Ano, deal?”

Bigla naman itong tumigil sa pag-iyak. “pupunta ka dito?”

“oo, pero iinom ka ng gamot mo.”

“promise?”

“promise.”

“cross your heart?”

“cross my heart.”

“hope to die?”

“hope to die.”

“okay DEAL.”

------------------------

Nagising siya ng maramdamang may maliit na bagay ang nakapatong sa tiyan niya. Napangiti siya nang mapagtanto kung ano yun, kamay ni Cobbe. Nakatulog rin pala siya habang pinapatulog niya ito kanina.

Dahan-dahan niyang inalis ang kamay nito mula sa pagkakayakap sa kanya saka maingat na bumangon.

“I love you mommy Sa!” nakapikit na sabi nito.

“I love you too baby.” Naiiyak na sabi niya saka marahang hinalikan ito sa noo. “mamimiss kita.”

“o anak, gising ka na pala. Halika muna dun sa baba ng makapagmeryenda ka.” Yaya sa kanya ni Nanay Linda na kakapasok rin lang sa kwarto.

“Salamat po Nay kaya lang pauwi na rin po kasi ako eh.” Nang mapansin ang litratong hawak-hawak nito. Ito yung babaeng kasama ni Gerald at ng lalakeng naka wheel chair dun sa picture sa likod ng album.

“Mommy po ni Cobbe?” hindi niya napigilan ang sariling itanong.

“oo, si Cassie”

“ang ganda niya, mahal na mahal po siguro siya ni Gerald noh?”

Tumingin sa kanya ang matanda na animo’y nagulat sa itinanong niya. “o-oo naman syempre.”

“ano ba namang klaseng tanong yan Sarah. Magkakaroon ba naman ng anak ang dalawang yan kung hindi.” Pasimpleng kastigo niya sa sarili. Pero ang hindi niya maintindihan ay ang kakaibang nararamdaman o mas dapat bang sabihin na kakaiba niyang nakikita sa tuwing nakikita ang litrato ng mommy ni Cobbe.

“Nag-iisang kapatid niya yan eh.” Dagdag pa ng matanda na nakapagpagulat sa kanya.

“kapatid po?” naguguluhang tanong niya.

“oo, kapatid. Si Cassie.”

“Pero Nay, nag-iisang anak lang ho si Gerald.”

“ano ka ba naming bata ka, diba nga hindi naman totoong anak ni Don Randolph si Gerald. Anak siya ng mommy niya kay James at kaya siya pumunta ng Amerika ay para hanapin ang tunay niyang ama.”

“hindi naman totoong anak ni Don Randolph si Gerald.at kaya siya pumunta ng Amerika ay para hanapin ang tunay niyang ama.” Para iyong sirang plakang paulit-ulit na naglalaro sa isip niya. “Kaya ba sinabi nito noong kailangan niyang hanapin ang sarili niya, kailangang makilala kung sino siya at kailangang buuin ulit ang pagkatao niya?” sunod-sunod na tanong niya sa sarili. Bigla niya tuloy naalala ang larawan ng binata kasama ang Daddy Randolph nito noong unang punta niya sa Hasyenda. Malaki ang pagkakaiba ng mga ito, ang Daddy Randolph nito ay Moreno at Pilipinong Pilipino ang dating samantalang si Gerald ay mestiso at unang kita pa lamang ay hindi mo na maitatanggi ang pagkakaroon ng ibang lahi nito. Naisip niya pa nga noon na baka ampon lang ang binata pero siya rin ang pumigil sa isipin niyang iyon.

Nakukuha niya na rin ngayon kung ano ang kakaiba sa larawan ng mommy ni Cobbe. Ang malaking pagkakahawig nito kay Gerald. Sa unang tingin nga ay mapapagkamalan mo itong si Gerald kung hindi lang blonde at mahaba ang buhok nito. At ang lalakeng naka wheel chair kung hindi siya nagkakamali, ito ang James na tinutukoy ni Nanay Linda, ang tunay na ama ng binata, dahil katulad ni Cassie, malaki rin ang pagkakahawig nito sa binata. “Pero teka. Kung magkapatid si Gerald at ang mommy ni Cobbe sa ama, ibig bang sabihin hindi totoong anak ni Gerald si Cobbe, kundi pamangkin lang?” bigla niyang tanong sa matanda.

“oo.” Maikling tugon nito. “Nakakaawa nga yang si Gerald eh. Alam mo bang halos dalawang taon din yang kinulong sa bahay ng tito niya para lang hindi niya mahanap ang Daddy James niya naging tatay pa ng wala sa oras. Tapos ngayon sabay-sabay pang nagsidatingan ang mga problema. Ayaw niya lang ipahalata pero ramdam kong nahihirapan na rin naman siya. Lalo na kung tungkol kay Cobbe ang pinag-uusapan.”

“Bakit? May problema po ba kay Cobbe?”

“May pumunta kasing lalake dito noong nasa Paris ka, kiniclaim niya na siya raw ang tatay ni Cobbe, at gusto niyang mangyari ay ibigay sa kanya ni Gerald ang bata. Syempre, hindi naman naniwala agad si Gerald, kasi ang sabi naman ng ate niya, patay na ang tatay ni Cobbe kaya para makasiguro pina DNA silang dalawa ni Gerald. Ewan ko kung anong resulta, hindi pa naman samin sinasabi ni Gerald eh. Tapos ngayon,isa-isa na ring nag pupull out ang mga investor dahil sa malaking perang nawawala sa kompanya.”

Bigla naman siyang naawa sa binata sa mga sinabing iyon ng matanda at the same time nakokosensya siya dahil sa mga sinabi niya dito noong nakaraang lingo. Hindi niya lubos maisip na ganun pala kalaking problema ang hinaharap nito.

“mabuti na nga lang umuwi si Sam, yung babaeng kasama niya sa Ospital.” Dagdag pa nito.

“Sam po?”

“oo si Sam. Si Sam ang bestfriend ng ate niya. Teka, hindi mo ba alam ang tungkol dito?” tanong nito sa kanya. Umiling lang siya bilang pagtugon dito. “pero ang sabi sakin ni Gerald alam mo na raw. Si Bea pa nga raw ang nagsabi sayo eh.”

“Si Bea po?”

“oo, yung BESTFRIEND mo.”

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon