Chapter 20

4.6K 48 6
                                    

“ha? ahh…eh…ano…ano…ay naku Bea maliligo na nga muna ako, ang dami-dami mo namang tanong. Kung sasagutin ko lahat ng yan baka tapos na ang maghapon hindi pa tayo tapos. Bye muna, may pasok pa tayo.” Sabi niya sa kabilang linya.

“hindi tayo ma lilate ang aga pa kaya, saka anong madaming tanong? Eh dada—“

“Bye sis, I love you…kita tayo later…” sabi niya sabay pindot ng end button, bigla namang may nag doorbell. “Sino kaya yun? dinaig pa si Bea ahh, ang aga mambulabog.” Sabi niya sa sarili, bumaba siya para tingnan kung sino ito.

“Good Morning baby girl!!!” Bati sa kanya ni Gerald. “nagising ba kita?” nakangiting tanong nito.

“hindi naman, gising na ako ng mag doorbell ka. Ba’t ang aga mo?” tanong niya dito.

“sabi mo agahan ko eh…”

“oo nga pero hindi ko naman sinabi na 5:30 nandito ka na, ang OA mo naman. Anong oras ka ba umalis sa inyo? O baka naman dito ka na natulog sa labas ng bahay ko.”

“Kung pwede  nga lang, gagawin ko talaga yun eh. Mabuti ng maaga, mahirap na, baka mamaya pagpunta ko ulit dito wala ka na naman, abutin na naman ako ng tatlong taon kakahanap sayo.” Seryosong sabi nito, bigla namang may dumaan na cute na aso at nabaling doon ang atensyon niya kaya hindi niya masyadong naintindihan ang huling  sinabi nito.

“ang cute naman nung dog, kanino kaya yun…” sabi niya habang ang mga mata’y nakatingin pa rin sa asong tumatakbo. “ano nga ulit yun?” tanong niya dito nang hindi niya na matanaw yung aso.

“wala, hindi mo na naman kailangan marinig yun diba?” malungkot na sabi ito.

“nangyari sa lalakeng to? Bigla na lang nagbago ang mood…” tanong niya sa sarili. “ano nga yun? sabihin mo na bilis…”

Ngumiti ito. “wala…eh baby girl, yung…” sabi nito sabay nguso.

 “ano?” kunot noong tanong niya dito.

Ngumuso ulit ito.

“Anong…?” sabi niya saka ginaya ang ginawa nito.

Ngumuso ulit ito.”dali na…” sabi nito na parang nagmamadali.

“aba…atat lang? saka anong tingin mo sakin basta-basta na lang bibigay, hindi noh. ayoko nga…” nakataas ang kilay na sabi niya.

“baby girl naman, sige na please… buksan mo na yung gate, papasukin mo na ako. kanina pa tayo nag-uusap dito sa labas eh, nangangalay na yung paa ko.” Pagmamakaawa nito sa kanya.

“ha?”

“sabi ko yung gate buksan mo na.”

“Yu-yung gate ba? Akala ko kasi…ano…”

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon