Chapter 10

4K 49 6
                                    

Mas naging madalas ang pagpunta ni Gerald sa kanila. Hindi lang siya ang napalapit dito kundi maging ang pamilya niya. Natutuwa siya sa magandang relasyon nito sa magulang niya at sa nakikita niya respeto nito dito at sa kanya. Kung anu-ano ring sorpresa ang ginagawa nito para sa kanya at aaminin niya, masaya siya sa mga pinag gagagawa nito.

Mabilis na lumipas ang panahon, tiningnan niya ulit ang sarili sa salamin, ng makontento sa nakita lumabas na siya ng silid at bumaba papunta sa sala. Kanina pa naghihintay ang driver nila na maghahatid sa kanya papunta sa venue ng JS Prom nila. (o diba bilis talaga ng panahon...hamakin niyo yun JS Prom na naman... :D) Pero hindi katulad ng dati, hindi niya na ngayon ka partner si Gerald, siya kasi ang napiling Ms. Liberty, kaya si Megan ang naging ka partner nito. Naalala niya ang binata, walong buwan na rin itong nanliligaw sa kanya. Nahinto siya sa pag-iisip ng marinig niyang magsalita ang daddy niya.

"wow...you look so beautiful my princess ..." sabi ng daddy niya, kitang-kita sa mga mata nito ang pagkamangha ng makita siya.

Suot niya ang isang one shoulder sea foam green floor length gown na nateternohan ng 5 inches Christian Louboutin heels na binili pa ng mommy niya sa Paris.

"Your Dad is right baby..." segunda naman ng mommy niya. "You look so beautiful and elegant."

"hay naku ma, nanay talaga kita" sabi niya sa ina na natatawa.

"Hindi ako nagbibiro anak, totoo ang sinasabi ko, napakaganda mo, tanungin mo pa ang ate mo..." sabi sa kanya ng ina sabay turo sa ate niya na hanggang ngayon tulala pa rin sa nakikita.

"Grabe ka babe, kapatid kita pero hindi ko akalain na ganyan ka kasexy" Di makapaniwalang sambit ng ate niya.

"ang baby ko, dalaga na talaga..." naiiyak na sabi ng ina.

"naku tama na nga yan, mamaya maniwala pa ako. Mang Gusting tara na po, ma lelate na po ako." Yaya niya sa driver.

"No sweetheart." Pigil sa kanya ng ama. "Mang Gusting, magpahinga na po kayo, ako ng maghahatid dito sa prinsesa ko." Sabi dito ng Daddy niya, humarap naman ito sa kanya pagkatapos. "so, shall we go my princess?" tanong sa kanya ng ama sabay offer ng palad nito.

"ang gwapo naman ng driver ko..." nakangiting sabi niya saka inabot ang kamay nito. Hinatid naman sila ng mommy at ate niya hanggang sa garahe.

"ingat hon sa pagdadrive" bilin ng mommy niya.

Marami-rami ng tao ng makarating sila sa venue. Lumabas ang daddy niya para pagbuksan siya ng pinto. Bigla naman siyang na conscious nang makita ang iba't-ibang pares ng mata ng nakatingin sa kanya.

"Ang ganda niya pala talaga!" narinig nilang sinabi ng lalake sa likod nila.

"See, I told you..." sabi sa kanya ng daddy niya.

"Dad, kinakabahan ako, baka makalimutan ko yung speech ko, baka mapahiya ako..." bulong niya sa ama.

"Don't be nervous, your good enough, kaya mo yan..." pagpapalakas loob sa kanya ng ama. "O pano, uuwi na muna ako, text ka nalang kung uuwi ka na, OK?" paalam sa kanya ng ama.

"Uwi ka na? hindi mo na po ba ako hihintayin? maya ka na uwi Dad, please..." lambing niya sa ama.

"Sweetheart, this would be your last prom and I want you to enjoy it. Hindi mo magagawa yun kung nandito ako. Text ka na lang ok? Remember, your beautiful"

"Hi Sa!" bati sa kanya ni Gerald. "Tito, Good evening po, kayo po pala naghatid sa kanya?"

"ahh...oo, pero pauwi na rin ako. Ikaw na bahala diyan sa prinsesa ko ha..." bilin dito ng daddy niya. "Huwag mong kalimutang tumawag o mag text kung uuwi ka na. I love you sweetheart, bye." Paalam nito sa kanya.

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionWhere stories live. Discover now