Chapter 19

4.2K 50 6
                                    

Sarah’s POV

ring…ring…

Nagising siya dahil sa pag ring ng cellphone niya, hindi pa man alam niya nang si Bea ang tumatawag. Ugali kasi nito ang tawagan siya tuwing umaga.

“Good Morning!!!” bati niya dito.

“anong good morning ka diyan, ikaw may kasalanan ka pa samin ni Harry. Ba’t hindi ka nakapunta nung Sabado?”

“Beatriz relax,..mamaya sasabihin ko rin sayo, hindi pa nga ako nakakapaghilamos ini interrogate mo na kaagad ako…”

“talagang sasabihin mo sakin mamaya dahil hindi kita titigilan hanggang hindi mo sakin sinasabi kung anong nangyari sayo nung Sabado at saka asan ka ba kahapon? Pumunta ako diyan sa bahay mo pero wala ka.” Tanong nito sa kanya, bigla niya namang naalala ang mga nangyari kahapon.

Papunta siya sa garahe nang mapansin niya ang pamilyar na sasakyan na huminto sa tapat ng bahay niya. hindi siya pwedeng magkamali, kilala niya kung sino ang nagmamay-ari nito. maya-maya pa nakita niya na itong bumaba kasama ang anak nito.

“Mommy Sa…” yumakap sa kanya si Cobbe ng makalapit siya.

“ano na namang ginagawa mo dito?” tanong niya kay Gerald.

“naku naman, ang sungit na naman po ng baby girl ko…” sabi nito sa kanya sabay halik sa pisngi niya. “diba sabi ko sayo kagabi babalik ako…mukhang may lakad ka ahh, san punta natin?” tanong nito sa kanya.

“talagang may lakad ako kaya kung ako sayo uuwi na lang ako.” taboy niya dito.

“sus! ang sungit talaga ng baby girl ko…” sabi ulit nito saka humalik sa kabilang pisngi niya. “aray naman…” sigaw nito ng hampasin niya ito sa balikat.

“eh kanina ka pa halik ng halik eh, may batang nakamasid oh” sabi niya dito sabay turo kay Cobbe.

“So kung wala si Cobbe pwedeng-pwede kong gawin yun?” tanong nito sa kanya, pinitik niya ito sa tenga. “ouch…baby girl ha nakakarami ka na…” saway nito sa kanya. Bigla naman siyang nakonsensya ng mapansing namumula ang tenga nito.

“Sorry…ikaw naman kasi.” Sabi niya sabay himas ng tenga nito. “Ba’t ka ba kasi nandito?” tanong niya ulit dito.

“diba nga sabi ko sayo kagabi, babalik ako? Marunong akong tumupad ng pangako noh…”

“sus, marunong daw tumupad ng pangako…ewan ko sayo, kung marunong kang tumupad ng pangako eh bakit may Cobbe ka ngayon?” pabulong na sabi niya.

“anong sabi mo?”

“wala!!! Sabi ko umuwi ka na kasi aalis ako, magsisimba pa ako…”

“magsisimba ka? Tamang-tama hindi pa kami nagsisimba ni Cobbe kung gusto mo sumabay ka na lang samin.” Sabi nito sa kanya.

Nag-isip siya kung sasama ba siya o hindi, wala naman sigurong masama kung sasama siya, binata na naman ito kaya walang magagalit isa pa gusto niya rin naman itong makasama kahit sandali.

“sama ka na samin please…” pakiusap nito sa kanya. “promise magiging good boy ako…” sabi nito na parang bata, natawa naman siya sa ginawa nito. “Ba’t ka tumatawa?”

“para ka kasing bata, dinaig mo pa ang anak mo kung mag inarte. Sige na nga sasama na ako, baby boy…” sabi niya.

“anong sabi mo?” nakangiting tanong nito sa kanya, bigla niya namang naalala ang sinabi niya.

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionWhere stories live. Discover now