Chapter 24

3.8K 59 13
                                    

BABALA: haha..babala talaga...medyo waley or should i say WALEY po talaga tong chapter na to, na sa sainyo po kung babasahin niyo pa o hind pero mas okay po syempre kung babasahin niyo...hehe...thank you po in advance dun sa mga magbabasa...haha...sensya na rin kung medyo matagal bago mag-update, wala po talaga akong maisip eh...haha...o sige tatawa na lang ako..haha

-------------------------------------

“ang aga niyo naman.” Puna niya sa mag-ama habang binubuksan ang gate.

“Mommy, it’s because were going to attend the mass pa.” si Cobbe habang buhat-buhat ng ama. Humalik ang mga ito sa kanya.

“Ganun ba? O sige magbibihis lang muna ako. Iwan ko muna kayo diyan kung sakaling magutom kayo may pagkain dun sa ref kunin niyo na lang.” Paalam niya sa mga ito, tumango naman si Gerald.

Umakyat na siya para maligo at magbihis (natawa ako sa sarili ko, syempre naman pakatapos maligo magbibihis alangan namang lumabas yan ng hubad. Ay naku…haha). Wala na ang mag-ama sa sala ng bumaba siya, hinanap niya ang mga ito at natagpuan niya ito sa likod ng bahay naglalaro ng basketball. Hawak-hawak ni Cobbe ang bola habang si Gerald naman ay pilit na hinaharangan ito. Natawa siya ng biglang itapon ni Cobbe ang bola sa likod ng ama saka lumusot sa gitna ng hita nito. Kinuha ulit nito ang bola saka ishinoot sa ring na ginawa ng ama.

“Basket!” sigaw ni Cobbe.

“2 points for Giacobbe Randolph Anderson!” sigaw niya saka lumapit sa mga ito.

“Naisahan mo ako dun ahh.” Sabi ni Gerald sabay abot ng towel sa anak, humarap ito sa kanya. “Kanina ka pa?”

“di naman, kababa ko pa lang rin naman. Ano ba yan pawis na pawis na kayo oh.” Kinuha niya ang towel na hawak-hawak ni Cobbe saka sinumulan itong punasan. “ayan na basa na ang damit mo. Ge, may extra clothes ba kayong dala?”

“syempre meron, boyscout ata to. Wait lang kunin ko lang sa kotse.” Sabi nito saka dali-daling tumakbo.

“Mommy Sa, dun ka ba sa bahay matutulog mamaya?” tanong sa kanya ni Cobbe habang pinupunasan niya ito.

“no baby, mag didinner lang si Mommy dun.”

“ayy!!!” medyo disappointed na sabi nito. “I thought you’re going to sleep there.”

“asows… huwag ng malungkot” hinalikan niya ito sa pisngi, sakto namang pagdating ng daddy nito, nakapagpalit na pala ito ng damit. Lumapit ito sa anak saka sinimulang hubarin ang damit nito. Masaya niyang pinagmasdan ang mag-ama, hindi niya maiwasang hindi humanga sa binata noon pa man alam niya ng magiging mabuting ama ito.

“Babe!” tawag sa kanya ni Gerald. Kanina pa pala siya nito tinatawag.

“ha?”

“sabi ko let’s go, natulala ka na diyan. Gwapo ko noh? mamaya mo na lang ako pagpantasyahan.” Nangingiting sabi nito. Nahampas niya ito sa braso.

“pinagpapantasyahan ka diyan? Hindi noh!” sabi niya saka dali-daling naglakad palabas.

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionWhere stories live. Discover now