Chapter 17

4.1K 59 8
                                    

Sarah’s POV

“hay!!! Nakakapagod…” sabi niya habang inuunat ang braso. Nasa study room siya ngayon, katatapos niya lang ireview ang mga reports na binigay sa kanya ni Bea nung isang araw. Bigla siyang nakaramdam ng gutom, bumaba na siya para magluto. Nasa kalagitnaan siya ng pagluluto ng biglang may mag doorbell. Lumabas siya para tingnan kung sino ito.

“good morning teacher!!!” bati sa kanya ni Cobbe.

“good morning baby girl…” nakangiting bati din sa kanya ni Gerald.

“a-anong ginagawa niyo dito?”

“grabe ka naman, yan agad sinalubong mo samin. Wala man lang bang good morning diyan? Hindi mo man lang ba kami papapasukin?” sabi nito na kampanteng kampante.

“ano na naman kayang trip ng lalakeng to?” tanong niya sa sarili. Wala sa loob na binuksan niya ang gate, binuhat naman nito si Cobbe saka tuloy-tuloy na pumasok sa bahay niya.

“hoy! Ano diyan ka na lang? lika na pasok na tayo…” yaya nito sa kanya, sumunod naman siya dito.

“teka? Bahay ko ba talaga to?” tanong niya sa sarili saka tumingin sa paligid. “tama! bahay ko nga to, eh bakit kung umasta yung lalakeng yun daig pa ang may-ari ng bahay?”

“bango nun ahh…” narinig niyang sabi nito, saka niya naalala ang niluluto.

“ayyyy…yung niluluto ko!!!” dali-dali siyang tumakbo papuntang kusina, buti na lang hindi nasunog.

“wow chicken curry!!! Favorite mo yan, diba Dad?” si Cobbe karga parin ng Daddy niya. sumunod pala ang mga ito sa kanya.

“oo nga eh, nagutom tuloy ako, baby girl dito kami kakain ha…” sabi nito sabay baba kay Cobbe, napagod siguro.

“ha?”

“sabi ko dito kami kakain, dito kami mag lalunch…” sabi nito sabay kuha ng pinggan. “Lika Cobbe, help mo si Dad prepare natin to dun sa dining.”

“okay…”

Wala na siyang nagawa hinayaan niya na lang ang dalawa sa ginagawa. “teka, wala nga ba talaga siyang magawa? O talagang gusto niya lang makasama at makita ang binata. Binata? Oo binata na naman siya ahh…” bulong niya sa sarili. Hindi nagtagal natapos narin siyang magluto at naghanda na para kumain.

“baby girl, wala ka bang kasama dito?” tanong nito sa kanya habang kumakain.

“wala”

“eh ang laki nito ahh, kahit katulong wala?”

“every Sunday may pumupunta dito para maglinis pagkatapos umaalis din.”

“hindi ka ba natatakot?”

“bakit naman ako matatakot?”

“mag-isa ka lang, pano kung may masamang loob na pumasok dito sa bahay mo?”

“mataas naman ang security dito eh kaya alam kong hindi mangyayari yun. Kumain ka na nga lang ang dami mo namang tanong.”

“baby girl…”

“ano na naman?” naiiritang tanong niya dito, hindi na siya makakain ng maayos bukod kasi sa ang dami nitong tanong, kanina niya pa napapansin na titig na titig ito sa kanya, naiilang na siya.

“sila tito asan?”

“nasa Paris.”

“ha? Anong ginagawa nila dun?”

“business…”

“ahh business…” ulit nito sa sinabi niya, akala niya tapos na ito sa pangungulit sa kanya, makakakain na rin siya ng maayos  pero laking dismaya niya ng magsalita ito ulit.

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora