Chapter 15

4.2K 63 17
                                    

“SARAH?”

“GERALD?” sabay nilang nasabing dalawa. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya, matagal niyang hinintay ang araw na to pero bakit ngayong nandito na bakit hindi siya makapagsalita? Maraming katanungan ang pumapasok sa isip niya pero lahat ng yun hindi niya magawang masambit. Bumalik siya sa tamang wisyo ng magsalita si Cobbe.

“you know her Dad?” tanong nito sa ama na halatang nagulat din sa mga pangyayari.

“oh…yah, yah, yah…yah!” sabi nito ng tumatango habang nakatingin sa kanya.

“Dad? Daddy? Anak? Anak niya si Cobbe? May anak na siya? May asawa na siya? Paano? Bakit?” gusto niyang itanong pero wala siyang lakas ng loob para gawin ito.

“Really? That’s cool!” tuwang-tuwang sabi nito na halatang walang alam sa mga nangyayari.

“Yeah! She’s my—“

“Classmate!” putol niya sa sasabihin nito. “he’s my classmate when we were in highschool!”

“you two are classmates? That means your friends too…”

“yes.” Sagot nito sa anak habang titig na titig pa rin sa kanya. “ikaw ang may-ari nito?”tanong nito sa kanya.

“o-oo!” sagot niya. nakita niyang binuhat nito ang anak saka lumapit sa kanya.

“put me down Dad! I wanna play!!!” ibinaba ulit nito ang anak saka hinayaang mag laro.

“ku-kumusta?” tanong nito sa kanya.

“m-ma-mabuti naman!” sabi niya saka umiwas ng tingin dito, hindi niya na kayang makipaglaban ng titigan, alam niyang kung ipagpapatuloy niya ito tuluyan ng bubuhos ang luhang kanina niya pa pinipigilan. “bu-buhay pa naman, eto humihinga pa…i-ikaw? Kumusta? Kumusta ang bu-buhay may a-asawa?” pikit matang tanong niya dito.

“ha? Ahh…o-okay naman kahit papano, masaya…” sagot nito sa kanya.

“well…that’s go-good to hear“ sabi niya sabay tingin sa taas para pigilan ang namumuong luha sa mata niya. tumalikod siya dito.

“Sa, okay ka lang ba?”

Naramdaman niyang palapit ito sa kanya kaya tinaas niya ang kanang kamay para pigilan ito. “okay lang ako…” sabi niya. bigla namang pumasok si Bea.

“Ganda! let’s go ma lelate na tayo sa date…” nahinto ito ng makita ang binata. “mo…” patuloy nito. “Sarah hindi mo naman sinabi may –, ay!!! Teka Sarah madadapa naman ako ano ba, kelangan talaga hilahin?” reklamo nito sa kanya nang bigla niya itong hilahin papunta sa parking lot.

“ihatid mo na ako!” utos niya dito.

“ha?”

“ihatid mo na ako sa bahay!!!”

“Ano? Eh bakit? Saka hindi mo man lang ba isasara yung opisina mo? Ano ka ba ba’t iniwan mo yung bukas?”

“Bahala na si Mang Ariel dun, iuwi mo na ako bilis!”

“Oo na teka lang, ba’t ka ba nagmamadali? Saka diba dala mo ang kotse mo? Saka hello may date pa kaya tayo!” bigla itong natigilan. “teka, tuloy pa nga ba?” tanong nito sa kanya, hindi niya ito sinagot.  “hoy Sarah! Ano bang nangyayari sayo? Tinatanong kita hoy! Saka sino ba yung gwapong lalake dun opisina mo? Boyfriend mo? Ikaw ha, hindi mo sinasabi kaya pala ayaw mong makipagdate kasi—“

“Si Gerald!” sabi niya nang hindi tumitingin sa kausap.

“Hay naku Gerald na naman, diba sabi ko sayo kal—“

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionWhere stories live. Discover now