Chapter 14

3.6K 51 12
                                    

“GIACOBBE RANDOLPH ANDERSON!!!” tawag niya sa pinakaunang estudyante niya.

“Present!”

“John Vin—“

“teacher!!! Teacher!!!” tawag sa kanya ni Giacobbe.

“Yes Giacobbe?”

“Giacobbe is too long, just cobbe teacher…” sabi nito saka ngumiti ng pagkatamis-tamis.

Ngumiti siya. “Okay Cobbe, so what is it? May sasabihin ka ba?”

“Your so pretty teacher!!!”

Bigla siyang namula ng marinig ang sinabi nito. “Bolero!” sabi niya sabay pisil ng pisngi nito.

“Bolero? Anu yun? What’s bolero teacher?” tanong nito sa kanya.

“Huh? Did I say bolero?”

“yah!!! you said bolero, what’s that?”

“I didn’t say bolero, I said thank you!”

“Thank you? I think its bolero. Nah!!! Never mind cobbe” narinig niyang sabi nito sa sarili. “your welcome teacher!” nakangiting sabi nito sa kanya.

Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi mapangiti sa mga sinabi nito. Hindi niya rin maiwasan na may maalala sa mga pinagkikilos nito. “Sarah ano ba, tumigil ka nga! Kung anu-ano na namang pumapasok diyan sa isip mo, mag focus ka nga…” sermon niya sa sarili. Inabala niya na lang ang sarili sa pagturo at pag-aasikaso sa mga bata. Hindi niya namalayan ang oras, alas kwatro na, uwian na ng mga bata.

“Goodbye class!!!see you on Monday!” paalam niya sa mga bata.

“Goodbye teacher!” sabay-sabay na sabi ng mga ito saka tumakbo palabas ng pinto.

“Kids huwag mag tulakan, magkakasakitang kayo niyan eh…” paalala niya sa mga bata, nakinig naman ang ito. nag-aayos siya ng mga upuan ng pumasok si Bea.

“Hi ganda!” bati nito sa kanya.

“hmmm…problema?”

“Wala naman…”

“asus Beatriz, kilala na kita. Ayoko.” Sabi niya sa kaibigan bago pa man siya nito kulitin. Byernes ngayon at inaasahan niya na na yayayain na naman siya nito para makipag blind date.

“Sars naman, sige na gwapo naman yun noh!!! Kamukha ni John Lloyd Cruz…” pagkumbinsi pa rin sa kanya nito.

“Hay naku Bea, tigil tigilan mo nga ako diyan sa blind date na yan. Nung isang buwan sabi mo kasing tangkad ni Rayver Cruz, last Week naman sabi mo kasing hot ni Sam Milby tapos ngayon naman kasing gwapo ni John Lloyd Cruz eh baka katulad lang yan nung nauna na gwapo nga at macho pero huwag ka yung amoy daig pa ang naligo sa imburnal…” natatawang pagpapa alala niya sa kaibigan.

“eto naman, eh iisang beses ka pa lang naman pumayag na makipag date ahh…”

“yun na nga, tama na ang isa noh, eh baka sa susunod hindi ko na makayanan pa’t bigla na lang akong himatayin. Alam mo ba kung ganung pagtitimpi ang ginawa ko para lang hindi ma offend sa kin yung lalakeng yun, kahit na nga sa totoo lang eh hilong-hilo na ako ng araw na yun?” sabi niya habang kinukuha  ang gamit niya, sumusunod lang naman sa kanya ang kaibigan.

“Sarah sige na, promise mabango na to ngayon, saka kasama naman kami ni Harry noh…”

Hinarap niya ang kaibigan. “ayun, eh di lumabas din ang totoo. Eh gagawin niyo lang naman akong chaperon ni Harry eh. Kayong dalawa ang tatanda niyo na kailangan niyo pa rin ng chaperon? Ayoko. Kung gusto niyong mag date na dalawa eh di mag date kayo, basta ako hindi ako sasama.” Sabi niya sabay sara ng pinto, papunta na siya sa opisina niya pero sumusunod pa rin ito sa kanya.

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionWhere stories live. Discover now