Chapter 11

4.1K 59 5
                                    

"Your what???" tanong nito sa kanya na naka kunot-noo

"Wala!!!" sabi niya saka naglakad uli palabas.

"Nagseselos ka." Sabi nito ng nangingiti habang sumusunod sa kanya.

"Narinig mo naman pala nagtatanong ka pa."

"So nagseselos ka nga?" sabi nito saka humarang sa dadaanan niya. "Bakit?" nakangiti pa ring tanong nito sa kanya.

"anong bakit? Umalis ka nga diyan."

Lumapit ito sa kanya saka inipit ng dalawang palad nito ang mukha niya.

"bakit ka nagseselos?" tanong nito sa kanya pero hindi niya ito sinagot. Lumapit ang mukha nito sa kanya. "bakit ka nagseselos" hindi niya ulit ito sinagot, lumapit pa ang mukha nito. "bakit ka nagseselos" hindi niya ulit ito sinagot, inilapit naman uli nito ang mukha sa kanya, this time nagtatama na ang mga ilong nila.

"anong gagawin mo?" mahinang tanong niya dito, hindi na siya makagalaw.

"seryoso ako baby girl, hahalikan na talaga kita kapag hindi mo pa sinagot yung tanong ko..." sabi nito sa kanya. Nagmatigas siya, hindi niya pa rin ito sinagot. "ayaw mo talaga ha..." akmang hahalikan na siya nito ng magsalita siya.

"KASI MAHAL KITA!!!" sabi niya ng nakapikit. Lumanding naman ang mga labi nito sa pisngi niya. (hanep sa term LANDING...haha)

"mahal mo ko?" nangingiting tanong nito. "mahal mo ko..." nakangiti pa rin sabi nito, maya maya pa'y tumatawa na ito. "mahal mo ko...wooaahhhhh, mahal mo ko!!!" sabi nito sabay suntok sa hangin.

"hoy tumigil ka nga diyan, nakakahiya ka..." awat niya dito.

"Bro narinig mo yun? Mahal niya daw ako..." sabi nito sa lalakeng dumaan.

"Congrats pare!!!" narinig niyang sabi nung lalake. Natawa na rin siya sa mga pinag gagagawa nito. Maya maya'y nakita niya itong umangkas sa motor nito.

"tara na..."

"ha? Saan tayo pupunta?"

"eh di iuuwi na kita..." nangingiting sabi nito sabay kindat.

"anong iuuwi???"

"hoy miss kung ano-anong pumapasok diyan sa isip mo ha! Iuuwi na kita, iuuwi na kita sa inyo..."

"hindi mo naman kasi nililinaw eh...teka, ihahatid mo ako gamit yan? You mean, sasakay ako diyan?"

"oo anong problema? sakay na bilis..."

"o sige, basta huwag kang masyadong mabilis ha..."

"opo mahal na prinsesa..."sabi nito saka pinaandar ang motorsiklo. Wala pang sampung minuto nakarating rin sila sa bahay nila.

"Oh anak, ang aga namang natapos ng prom niyo." Sabi ng mommy niya ng makapasok sila sa loob ng bahay.

"hindi pa naman po tapos yung prom..."sagot niya saka humalik sa pisngi nito.

"o hindi pa pala tapos yung prom, ba't umuwi ka na? Gerald?" tanong sa kanila ng mommy niya.

"eh kasi po tita itong si Sarah masyadong sel- ARAYYYYYYYYYY!!!" sigaw nito ng sikuhin niya ang tagiliran nito.

"nagutom po kasi ako." palusot niya sa ina, pinanlakihan niya naman ng mata ang binata.

"ano? Eh di ba kasama sa budget niyo yung catering?"

"hmmm...ano po kasi mommy, ahh...ano...hmmm, hindi po masarap! yun, hindi po masarap yung pagkain."

"ganun ba? O sige maupo muna kayo diyan magpapahanda lang ako sandali ng dinner niyo kay Manang..."

"Tita!!!" tawag ni Gerald sa mommy niya ng papunta na ito sa kusina.

"Bakit iho?"

"Pwede po bang dun muna kami sa garden?"

"o sige, tawagin ko na lang kayo kung ready na yung dinner. Basta iho behave lang ha!!!" bilin nito kay Gerald.

"promise po tita, thank you po...let's go..." yaya nito sa kanya.

"ano ba kasing gagawin natin dito?" tanong niya ng makarating sila sa garden.

"upo muna tayo dun." Turo nito sa swing. "alam ko naman kasing hindi mo na enjoy yung prom" sabi nito habang tinatanggal ang heels na suot-suot niya. "kaya dito na lang natin itutuloy yung prom...tara sayaw na tayo..." yaya nito sa kanya matapos matanggal ang heels niya.

"ano? Pano naman tayo sasayaw aber? Wala naman music."

"hindi naman natin kelangan ng music..." sabi nito habang hinihila siya. "pakinggan mo lang ang tibok ng puso mo, gagawa siya ng sarili niyang tugtog para sayo..." sabi nito saka nilagay yung kamay sa bewang niya.

"dami mo namang nalalaman..." nangingiting sabi niya saka ipinatong ang kamay sa balikat nito. Tahimik silang sumayaw na dalawa, sumasabay sa musikang ginagawa ng mga puso nila. (ano yun?haha...)

Si Gerald ang unang bumasag sa katahimikan "baby girl..."

"hmmm..."

"yung kanina...yung sinabi mong mahal mo ako, ibig din bang sabihin nun, sinasagot mo na ako?"

"ano ba sa tingin mo?" bulong niya sa sarili.

"so sinasagot mo na talaga ako? tayo na? girlfriend na kita?" sunod-sunod na tanong nito habang nakangiti. Napalakas pala yung sinabi niya kanina kaya narinig nito.

"bakit ayaw mo? Kung ayaw mo eh di baba-"

Umiiyak na niyakap siya nito.

"I love you baby girl, kung alam mo lang kung gano ako kasaya ngayon. Ang tagal kong hinintay tong araw na to. I promise, hindi ako gagawa ng mga bagay na alam kong ikakasakit ng loob mo at ikakagalit mo. I promise na bukod sa mommy ko, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay wala ng iba."

Humiwalay siya mula sa pagkakayakap nito at tiningnan niya ito sa mga mata. "talaga? Ako lang? wala ng iba? Wala ng Megan?" Sunod-sunod na tanong niya dito. Nakita niyang ngumiti ito.

"Ikaw lang wala ng iba!!!" sincere na sabi nito sa kanya. "saka pano magkakaroon ng Megan eh may Fred yun..."

"ano? Fred? You mean si Fred?" naguguluhang tanong niya dito.

"tama, si Fred, kaya lang naman sakin lumalapit si Megan kasi gusto niyang mapalapit kay Fred. Matagal nang may gusto si Megan kay Fred ang hindi niya lang alam ganun din si Fred sa kanya. Torpe din kasi tong si Fred eh, naunahan ko pa tuloy magka girlfriend."

"yabang mo ahh..." sabi niya saka pinitik ito sa tenga. "pero seryoso? Si Megan may gusto kay Fred?"

"oo nga, kaya ikaw huwag ka ng magselos kasi wala ka namang dapat ikaselos. Alam ko gwapo ako pero faithful naman ako noh..." nangingiting sabi nito.

"sus, oo na...naniniwala na ako, ikaw ha talagang hindi mo nakalimutang isingit na gwapo ka..."

"bakit, totoo naman ahh..." sabi nito sabay nguso.

"bakit sinabi ko bang hindi?hmmm...ang cute ng baby boy ko!!!" sabi niya sabay pisil na pisngi nito.

"anong sabi mo?"

"baby boy!!!aba kung may baby girl ka may baby boy naman ako..."

"kinilig naman ako dun..."

"weh? Kinikilig ba mga lalake?"

"oo naman...pa hug nga ako..."

"hep, hep, hep..." awat niya dito. "hindi porket girlfriend mo na ko eh pwedeng pwede mo ng gawin lahat ng gusto mo...tandaan mo mga bata pa tayo, saka hello, mamaya makita tayo ni mommy lagot ka!!!"

"O sige na nga holding hands na lang..." sabi nito sabay hawak ng kamay niya. "I love you..." malambing na sabi nito sa kanya.

"I love you too...tara pasok na tayo!!! gutom na ako eh..." yaya niya dito. Pumasok sila sa loob ng bahay na magkahawak kamay...

yan na muna po for now...thank you po ulit dun sa mga nagbabasa, nagvovote ska nag cocomment...

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionWhere stories live. Discover now