Chapter 13

3.6K 40 8
                                    

“ano Maj, wala pa ba?”

“wala pa eh, hindi pa rin ba nagtetext sayo?”

“hindi pa nga eh, kinakabahan na nga ako baka kung ano ng nangyari sa lalakeng yun!” nag-aalalang sabi niya. Talagang kinakabahan na siya, dalawang araw ng hindi nagpaparamdam sa kanya si Gerald, hindi rin ito dumadalaw sa kanila, hindi rin ito nag tetext. Kung anu-ano nang pumasok sa isip niya, graduation nila ngayon pero ni anino nito hindi niya makita.

“Sa, ikaw na yung susunod…” paalala sa kanya ni Maja.

“Geronimo, Sarah Asher T.” narinig niyang sabi ng emcee, tumayo na siya at umakyat ng stage para kunin ang diploma niya. Sinalubong naman siya ng mommy at daddy niya pagbaba niya ng stage.  

“Congratulations sweetheart, graduate ka na…” bati sa kanya ng daddy niya. Niyakap naman siya ng mommy niya.

 “magka college na ang bunso ko…o bakit ganyan ang itsura mo?” tanong sa kanya ng mommy niya.

“naku hon, huwag mo ng tanungin, alam ko na kung bakit…” sabi ng daddy niya sa mommy niya. “baka naman may inaasikaso lang na importante…” sabi nito sa kanya.

“sana nga dad, sana nga…” kinakabahang sabi niya. “naku malilintikan talaga sakin yang lalakeng yan oras na magkita kami…”

“naku hon, may nagmana pala sa pagiging maton mo…” biro ng daddy niya, hinampas naman ito sa braso ng mommy niya.

“maton maton ka diyan…” sabi nito sa daddy niya, humarap naman ito sa kanya pagkatapos. “tama ang daddy mo, baka may mahalagang bagay lang na inaasikaso, o siya bumalik ka na dun hindi pa tapos ang graduation niyo mamaya na lang yang love love na yan…” taboy nito sa kanya.

Ngumuso siya. “mommy talaga, sige po…” sabi niya saka bumalik sa upuan. Hindi rin nagtagal natapos na ang graduation nila.

“Sweetheart let’s go, kanina pa sa atin  naghihintay ang ate mo!” tawag sa kanya ng daddy niya.

“Yes Dad, susunod na po!!! Maj, Fred mauna na ako ha, kung sakaling tumawag o mag text sa inyo yung mokong na yun pakisabi sa kanya hinihintay ko tawag niya.” Paalam niya sa kaibigan. Papunta na sana siya sa kotse ng marinig niya ang pinag-uusapan ng mga teachers nila.

“talaga? Kawawa naman pala si Mr. Anderson, kaya pala hindi siya naka attend ng graduation. Di ba last year lang namatay and daddy niya?” narinig ng sabi ni Mrs. Montenegro.

“oo nga, kaya nga nakakaawa eh, last year lang nawala yung daddy niya tapos ngayon yung mommy niya naman. Ang masakit pa, mismong graduation niya nawala ang mommy niya.” Sagot naman ni Mrs. Delos Santos.

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa ulo. Kaya pala hindi ito nagpaparamdam sa kanila dahil may mabigat itong pinagdadaanan. Kaya pala ganun na lang ang kabang nararamdaman niya, “pero bakit? Paano? Anong nangyari?” sunod-sunod na tanong niya sa sarili.

--------------------------------------

“bakit ganun Sa? bakit kelangang mangyari to? Bakit iniwan niya ako? bakit iniwan nila ako? ang sakit, ang sakit sakit. Hindi ko na alam kung makakaya ko pa, hindi ko na kilala ang sarili ko, hindi ko alam kung sino ako, hindi ko na alam Sa, hindi ko na alam.” Umiiyak na sabi nito habang yakap yakap siya.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin, hindi niya alam kung paano ito patatahanin, naguguluhan din siya sa mga sinasabi nito, gusto niya mang magtanong pero alam niyang hindi ito ang tamang oras para sa bagay na yun. Hinayaan niya na lang itong umiyak ng umiyak sa balikat niya, sa ngayon yun lang ang bagay na maibibigay niya para gumaan ang pakiramdam nito.

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionWhere stories live. Discover now