Chapter 25A

4.1K 51 11
                                    

“Babe diba papunta to sa…” sabi niya ng mapansin ang lugar na dinadaanan nila. Maaaring sampung taon na ang nakalipas ng huli siyang makapunta sa lugar na ito pero hanggang ngayon tandang-tanda niya pa rin ang lugar na ito, hindi siya pwedeng magkamali.

“yup, papunta tayo sa Hasyenda.” Nakangiting sabi nito.

Napayakap siya ng mahigpit kay Cobbe dahil sa tuwa. “thank you!!! Akala ko hindi na ulit ako makakapunta dito, thank you talaga Ge…” totoo ang mga sinabi niya, hindi niya na nakalimutan ang lugar na ito simula ng dalhin siya nito dito. Masyado kasing refreshing ang lugar napaka peaceful, yung tipong makakalimutan mo lahat ng mga problema mo once na nakita mo ang lugar.  

“Mommy it’s too tight, I can’t breath.” Reklamo sa kanya ni Cobbe.

“ay sorry baby boy, medyo na excite lang si Mommy.” Hinging paumanhin niya dito saka tumingin ulit sa labas ng bintana. “malapit na.” sabi niya ng makita ang signboard. “Welcome to Hasyenda Evangelina!!!” maya-maya pa’y naramdaman nila ang pagtigil ng sasakyan.

“at last were here!!!” Narinig niyang sabi ni Gerald sabay unat ng kamay. “wooh!!! Napagod ako dun ahh…”

Nakita niyang may lalakeng lumapit sa kanila saka pinagbuksan sila ng pintuan. “Mang Damian kumusta po?” bati dito ni Gerald.

“Maayos naman po Sir. Maam!” bati nito sa kanya.

Ngumiti siya. “Good afternoon po.” Bati niya dito.

“Babe pasok na tayo sa loob.” Yaya nito sa kanya, hinapit siya nito sa bewang saka hinawakan si Cobbe gamit ang libreng kamay nito.  “ahh Mang Damian paki pasok na lang po nung mga gamit namin sa kwarto ko. Salamat po.” Nakaka isang hakbang palang siya mula sa main door na mansiyon ng makarinig siya ng napakalakas na tili.

“SARAHHHHHHHH!!!”

“ay Sarah!!! Ay!!! sino ba yun?” gulat na sabi niya, mas lalo siyang nagulat ng makita kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun. “MAJ!!!!!” tili niya saka yumakap dito.

“Ang ganda mo Sis!” puri nito sa kanya.

Ngumiti siya. “ikaw rin. Uyyy Fred.” Nakangiting bati niya kay Fred, lumapit siya dito sabay beso.” Lumapit sa kanya si Gerald saka hinapit siya sa bewang.

“alam ko naman na hindi ka komportable na magbakasyon ng tayo lang kaya naisipan ko isama na lang sila. Alam ko rin naman na miss mo na sila saka gusto ka rin naman nilang makita at makasama, balak ko nga rin sanang isama si Bea saka si Harry kaya lang busy sila para sa preparation ng kasal nila.” Mahabang paliwanag nito sa kanya.

Natuwa siya sa ginawa nito, mas lalo tuloy siyang napapamahal dito dahil sa respetong ipinapakita nito sa kanya. “thank you.” Yumakap siya dito saka marahang isinandal ang ulo sa dibdib nito. Nang bigla niyang mapansin yung lalaking nasa likod ni Fred. Napansin siguro ito ni Fred kaya pinitik nito sa tenga ng pinsan.

“aray ko naman Fred ba’t ka ba namimitik ng tenga?” reklamo ni Maja.

“yung boyfriend mo ipakilala mo naman, nakita mo lang si Sarah nakalimutan mo ng may boyfriend kang kasama.”

“ay oo nga pala, Sa si Mat boyfriend ko, Mat si Sarah.”

“nice meeting you Sarah.” Nakangiting sabi nito sabay lahad ng kamay.

“nice meeting you too.” Sabi niya saka inabot ang kamay nito naramdaman niyang medyo humigpit ang pagkakahawak ni Gerald sa bewang niya kaya marahan niyang tinapik ang braso nito. Ngumiti lang ito saka inalalayan siya para maupo.

“Kanina pa kayo?” tanong ni Gerald sa mga ito.

“Medyo.” Si Fred habang buhat-buhat si Cobbe.

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionWhere stories live. Discover now