Mom, relax ka lang dyan ah! Enjoy lang tayo today!!!

We stayed in one of the rest houses ng Dad nya dito sa Batangas. Walking distance talaga ang beach at private pa. Kaya solo talaga namin yung buong place.

May mga tauhan din sila dito na nagwelcome samin at naghanda ng mga foods.

Halos 1PM ng makarating kami at dahil mainit pa, we stayed sa veranda para matanaw ang dagat, Paul hugged her Mom
Mom, ang ganda padin dito noh? The last time I went here sobrang bata pa ko! Matanda  yung hangin for you sobrang fresh

Hindi ko na muna sila nilapitan, moment nila yun, at gusto ko na magkaron sila ng maraming oras together kaya nag decide ako na ikutin na muna yung place.


Naglalakad ako ng harangin ako ng isa sa mga tauhan nila
Hi Madam! Kayo po ba yung girlfriend ni Sir Paul?

Ah, opo! Hello po, Kayo po si Kuya Manny diba?

Ayy opo! San po kayo pupunta?

Mag-iikot lang!

Samahan ko na po kayo, baka po kasi maligaw kayo

Ikaw bahala!

Kinukuhanan ko ng picture ang lugar, sobrang ganda talaga dito. Maraming kwento si Kuya Manny, nakakaaliw sya. Matagal na pala syang tauhan ng Daddy ni Paul, at masaya sila na andito na ulit yung family ni Tito, before daw kasi si Tito lang yung bumibisita.

Halos 12years nadin pala when they last visited this place as a family. Wow! Ang tagal na nun.

Grabe, nagulat po siguro kayo sa itsura ngayon ni Paul, binata na sya!

Hindi naman po masyado, kasi kapag dumadalaw po dito ang Daddy nya, ina-update po kami at pinapakita yung picture ni Paul, pero syempre nagulat padin ng konti, mas gwapo na kasi sya ngayon, binata na talaga at may girlfriend narin! Nalulungkot lang po kami na mahina ngayon si Madam, sana gumaling na sya

Sana nga po!

Pano po kayo nagkakilala ni Sir Paul?

Schoolmate po kami

Ah, so matagal na po pala kayo

Oo, halos mag 3 years narin

Wow! Tagal narin po! Alam nyo po bagay kayo ni Sir Paul, pagkakita ko palang sa inyong dalawa may spark na agad!

Haha salamat po! Nga po pala ang sarap ng mga niluto nyo kanina!

Talaga po? Mabuti naman nagustuhan nyo!


Umabot din kami ng halos 40mins sa pagiikot, kaya nagdecide narin kami na bumalik, pagkakita sakin ni Paul nilapitan nya agad ako
Love, tinatawagan kita, I was so worried bigla ka kasing nawala, hindi ka nagpaalam

Sorry Love! I left my phone sa room, nakita ko kasi kayo na naguusap ni Tita kaya hinayaan ko na lang kayo at nagdecide na mag walk, am fine naman Love, kasama ko si Kuya Manny

Yes Sir! Wag na po kayong magalala! Hindi naman po kami lumayo. Sorry po kong nagalala kayo!

Okay lang yun Kuya Manny! Salamat sa pagbantay sa kanya!

Into YouWhere stories live. Discover now