CHAPTER 60 PAST AND PRESENT

1.8K 50 17
                                    

CHAPTER       60      PAST AND PRESENT

SAMOTNY

"Uhm, Sam?   Are you ok?"

Natauhan na lang akong bigla nang marinig kong muli ang boses niya.    Mukhang napatulala yata ako ng matagal nang mag-flashback ang mga masasayang  alaala.    Gaano kaya ako katagal na nakatulala? 

I closed my eyes and opened them again.

Hindi nga ako nananaginip. 

Kaharap ko talaga ngayon ang lalaking inakala kong naibaon na sa limot.    Pero bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko?  Parang noong High School lang,  ten times more nga lang ang lakas ng pagtibok ng puso ko.  

Halos mukhang walang pinagbago ang mukha niya.   Intense pa rin kung makatitig ang mga mata niya.   Matangos at perfect pa rin ang kanyang ilong.    Mapula pula pa rin ang mga labi niya na mukhang napaka-inviting.   In short, ang gwapo pa rin niya, ten times more nga lang!

Bagay rin sa matipuno niyang katawan ang suot niyang suit na mukhang mamahalin.    Did I mention matipuno?    Bakas ang mga muscles niya sa braso.   May abs pa rin kaya siya?  Ay!  Ano ba iyan?  Abs na agad ang iniiisip ko!    

"Ahem.   Mukhang hinuhubaran mo na yata ako niyan sa mga titig mo ah," pagsasalita ng lalaking kaharap ko.

Gulp.  Ano daw??    Shux!   Ganon na ba kalagkit ang pagtitig ko sa katawan niya?   Naramdaman ko na naman ang pag-init ng mga pisngi ko.

"Haha.  Joke lang," nakatawang sabi ni Rusty.    "I just missed seeing you blush."

Lalo tuloy nag-init ang mukha ko sa kanyang huling pahayag.    Nakakainis.

"I'm glad you could make it.   I almost couldn't believe it when I heard you were coming back," pagsasaad niya habang nakatitig pa rin sa akin.   

Huminga ako ng malalim.   Halos hindi na ako makahinga dahil sa mga titig niya.   Alam pala niyang babalik ako.    Kaya nga ba siya nandito?

"Uhmmm....," pagsasalita ko na halos ayaw lumabas ng boses ko.    "Ang ganda ng pagkakadecorate ng auditorium natin.   Halos hindi ko na nga marecognize kaninang pagpasok ko dito.    Ang sarap din ng mga pagkain.    Congrats on a job well done.    I heard you catered for this event.    Mukhang ang layo na nga talaga ng narating mo."

"Well, I had to keep my self busy," pabuntong-hininga niyang sabi.   "Oh, let's not forget your drink.    You want Amaretto Sour right?    How about I make you something better?"

Nginitian niya ako bago siya tumalikod sa akin para pumunta sa bar.

Seryoso siya habang nagmi-mix siya ng drink ko, habang ako naman ay di makaiwas sa kakatitig sa kanya.    Manghang-mangha ako sa bawat galaw niya, malinis at napaka-eksperto.    I wonder how he's been these past years.    Hindi ko rin malaman kung paanong naputol ang komunikasyon namin sa isa't-isa.    

"Here's your drink M'am, made with love," sabay wink habang iniabot niya sa akin ang drink.    Kamuntik ko na tuloy mabitawan ang cocktail glass.

Tinikman ko ang drink na gawa niya with love.    Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sarap.    Totoo ngang mas masarap pa ito kesa sa Amaretto Sour at sa iba pang mga natikman kong drinks sa Amerika.  

"Basing it from your reaction, I'm guessing that you like it," nakangiti niyang sabi.   "Well, I'll name that drink Sam's Delight."

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon