CHAPTER 70 Goodbye.....again

2.1K 38 26
                                    

CHAPTER       70       Goodbye........again

"Are you sure you want to meet them?  I mean, you've already met them before," pagaalala kong tanong kay Rusty.

"But that was ages ago.  Isn't flying with you good enough proof that I'm eager to meet them?" sagot naman niya.    "Relax.   It'll be fine.   Have you forgotten how charming your boyfriend is?   Not to mention, good looking too," dagdag pa niya sabay kindat sa akin.

Hay.   Masyado na yatang confident ang lalaking ito.   Pero totoo naman ang mga sinabi niya kaya hindi na ako nakipagtalo.    

Nandito nga pala kami sa Davao City International Airport ngayon.   Nagpumilit siyang sumama dahil gusto daw niyang ma-introduce ng maayos sa parents ko.   O diba?   Saan ka pa.   Di lang gwapo, may manners pa.   Gusto rin niyang sumama dahil gusto niya akong makapiling hanggang sa pag-alis ko.   Lalo na akong ma-iinlab niyan eh.   Delikado 'to.  Tsk.

Ako naman itong kinakabahan dahil hindi ko pa nasasabi sa mga magulang ko na may boyfriend na ako.    Pero ang tanda ko na, siguro naman ay ok na sa kanila.

May limang araw na lamang akong natitirang mag-stay dito sa Pilipinas.   Kinakailangan ko na daw kasing bumalik agad sa Chicago dahil kailangan nang mag-meet ng mga cast members ng show.    Gustuhin pa man naming mag-stay ni Rusty sa Boracay  ay hindi naman puwede dahil nagpumilit ang pamilya ko na magpakita daw muna ako sa kanila bago ako bumalik sa Amerika.    Maiiwan kasi muna ang pamilya ko dito.   In two months pa sila babalik sa Chicago.    

Kinuha ni Rusty ang kamay ko at hinalikan ng marahan.    "It's gonna be alright."  

Agad namang napalitan ang aking pag-aalala ng saya.   Basta't kasama ko siya, masaya ako.

_________________________________

"Ayyyy!   Nandito ka na pala Motny!    Bakit hindi ka nagsabi para masundo ka ng driver ko," nakakabinging bati ni Madir.

"May driver ka Ma?" tanong ko sa kanya.

"Ang Papa mo.   Haha."    Hay.   Hindi pa rin nagbabago ang nanay ko.

Pagkatapos ay sumunod na rin si Rusty sa pagpasok ng bahay namin.    All smiles and everything.    Sino bang hindi matutunaw diyan?

Natulala lang ang nanay ko sa umpisa at pagkatapos ay lumapit kay Rusty.

"Iho, naliligaw ka ba?"

"Ma, hindi po.   Kasama ko po siya."

"Wehh.   Di nga?"

"Oo nga sabi eh."

"Hi.   Good morning po, Mrs. dela Piña.    Ako po si Rusty."    

"Hmmmm...Rusty....Rusty...."  mahinang bulong ni Mama sa sarili habang nag-iisip.  "Parang pamilyar ang mukha at pangalan mo."    

Maya't maya ay nanlaki ang kanyang mga mata.

"Aaaahhh!  Diba may kras ka nung High School na may pangalang Rusty, Motny?" tanong ni Madir na ikinabigla ko.  

Napangiti naman ng napakalaki si Rusty.

"Uhm,  I am that same Rusty po."

"Hah?  Oo nga!  Lalo kang gumuwapo ah," masayang tugon ni Madir.  "Pero teka, bakit ka nga ba nandito?"

"Ahhh... kasi... kasi....," pag-aalangan kong sagot.  "Kasi gusto ko sana siyang ipakilala sa inyo.    Boyfriend ko po siya."

"Ha?  Weh?  Hindi nga?" sabay halakhak ng nanay ko.   Langhiya, ayaw niyang maniwala?

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Where stories live. Discover now