Chapter 1 I'm Coming Back Home...

It's been almost 10 years since I left home. I left my hometown after graduating High School to go to USA. Ngayon lang ako ulit uuwi para umattend ng High School reunion namin. Hindi ako tinigilan ng mga kabarkada ko hangga't hindi ako pumapayag na umuwi. Magkalimutan na daw kapag hindi ako umattend ng reunion. Yup, OA talaga ang pagka-exaggerated nila. Sabagay, I miss them a lot too. I haven't seen them since I left. Salamat at meron ng Facebook, Skype and other social media. Somehow we've remained in contact with each other.

Buti na lang pinayagan akong magbakasyon sa trabaho. I work as one of the production managers in a local TV show in Chicago. Madami din akong pinagdaanan to get that job! Pangarap ko talagang mag-artista kahit na nung bata pa ako. Since very competitive ang market sa America, kahit na anong TV or film production-related jobs, happy na ako. Suma-side line pa rin naman ako minsan. Nasasali naman ako minsan sa mga print ads or commercials. Pati na rin ang pagiging 'extra' sa mga movies pinasok ko na rin. Basta kung saan kailangan ang exotic beauty ko, go! Kahit maliliit lang ang parts ko, happy na rin ako. Push lang ng push! Audition lang din ng audition kahit saan.

High School reunion. Hmmmm.. makikita ko kaya ulit si.........??? Bigla ko naman siyang naalalang muli. Ano ka ba naman Samotny?! Magsasampung taon na ang nakakalipas, iniisip mo pa rin ba siya?! Curious lang naman.

Ewan ko ba, I met a few guys naman sa America, mga gwapo pa. Merong Fil-Am, Korean-Am, Bulgarian, Latino, American. O diba? Taray ng lola mo. Pero wala namang nangyari. Paano kasi, masyado akong conservative. Kaya ayan, 26 years old na pero single pa rin. Nakipag-date date naman ako, pero wala rin namang nangyari. For some reason, I always ended up doing something stupid. Kaya ayun, disappear silang lahat.

One time nga e, I dated this Bulgarian guy, gwapo at matangkad. Kaya lang gusto ba naman kiss agad?! Hello?! Pwede bang magpaligaw muna? Hindi naman yata uso ang ligawan sa kanila. Dalagang Pilipina yata ako. Gusto ko rin naman ng may pagka-romantic. Kaya ayun, hindi ko na sinasagot ang mga tawag niya hanggang sa napagod na rin siya.

Pinagsisihan ko rin naman sa huli. Pinalagpas ko ang mga pagkakataon. Masyado pa rin naman akong nene noon at walang alam sa 'dating' world. Pero iba na ang case ngayon. Kiss agad ang gusto? Sure-why-not na ang peg ngayon. ba na talaga pag tumatanda na.

Pok! Sabay may bumatok sa ulo ko.... si Joralu.

"Bakla! wala ka na naman sa sarili mo. Nakalanding na ang plane noh."

Si Joralu nga pala ay isa sa mga closest friends ko sa States. Although we've known each other since 6th grade, sa America lang naman nag-flourish ang aming friendship.

Ayaw man niyang aminin, pero sinundan niya ako sa America. May nakarating sa aking chismis na crush niya ako nung grade school pa lang kami. Bakit hindi na lang siya naging BF ko? Hello? Hindi pwede dahil pareho kami ng preference ngayon .... mga kalalakihan! Sa America lang din naman siya nagladlad. Pero smell na namin yan nung High School pa lang kami.

"Ayan nandito na tayo!" excited na sabi ni Joralu.

Oh my gulay. I am really back! I closed my eyes for a few seconds to take it all in. I really can't believe I'm back. Matapos ang nakalipas na maraming taonI'm finally back.

Napakaraming tao sa airport. Busy as always.

"Samotny! Joralu!"

Nilingon namin ang pinanggalingan ng boses. Natanaw naman namin ang isang babaeng tumatakbong palapit sa amin. Excited much?

"Welcome back! I can't believe it. Naks, ang ganda ganda mo na Samotny. Amoy imported ka na ngayon ah. Bagay din ang short hair sa iyo, so stylish. Aba, makulay pa rin ang outfit mo ah. Hindi ka pa rin nagbabago. Pero as always, you can pull it off. Oh my goodness, I still can't believe na nandito ka na. At In fairness ah, sumesexy rin. Malaman na sexy."

Siya nga pala si Sayyen, my uber maligalig na friend. Na-miss ko na rin ang babaeng ito. We used to call each other "twin twin" nung mga First Year High School kami dahil pareho kaming chubby chubby. We enjoyed each other's company so much.

Until one day, she gave me a letter, sabi niya we cannot call each other "twin twin" anymore dahil iba na daw siya at magkaiba daw kami. Ang daming kadramahan noh? But we're still really good friends. Hindi na nga rin kami talagang "twin twin" ngayon dahil ang payat payat na niya. Anyways, enough about her, ako dapat ang bida diba?

"SURPRISE!!!!!!"

Paglabas namin ng airport ay may mga sumalubong sa amin na may mga dala pang banners! Wow, may welcoming committee pa pala kami.

"Touched naman ako sa inyo......." Ayan, di ko na napigilan, napaluha na ako sa tuwa. "Akala ko kasi si Sayyen lang susundo sa amin."

"Huwag ka naman masyadong matuwa 'te, nandito sila for me, nasali ka lang." Hmp! Panira talaga ng moment itong si Joralu.

Ay oo nga pala, let me introduce my fabulous friends. Si Kiray, si Kiki, si Apeng, si Kiqiqs, Teren, Letchoy at si... Jujo ang boyfriend/escort ng buong barkada. We go waaaaayyyy back. Classmates kami since grade school hanggang high school. We all stayed in First section kasi every year. Ang First section ay para sa mga top students ng batch. Ibig sabiin nyan, matatalino kaming lahat! Ehem ehem! Sa maniwala kayo't hinde, may talino rin naman akong angkin.

"Teka, nasaan si Kaka?" tanong ko.

"Ano pa nga ba, MIA," sabi ni Kiray.

"Hay naku, no comment," sabi naman ni Teren.

"Oh emgee, hug hug! Miss ko na kayo! huhuhu!" Si Letchoy naman ang nag-drama.

"Group hug!!!" banat naman ni Apeng.

"I'm so happy to finally see all of you again! I still cannot believe it. It's so surreal!!" At ayan, hindi na naman nagpa-awat ang mga luha ko.

"Hay.... tama na ang drama oy. Kain na tayo. Kanina pa ako gutom e," sabi ni Jujo.

"TARA!" sabay sabay pa naming sabi. Hindi naman halatang gutom.

"Oy, Samotny. Ready ka na ba bukas?" tanong ni Kiki.

"Ay oo nga pala, anong isusuot mo?" singit naman ni Teren.

"Kailangan revealing at attention-getting! Alam mo na, nandun si________. Ayeeeeee! Excited ka na noh?" kantiyaw naman ni Kiray.

Teka, oo nga pala, bukas na ang reunion! Ang number one reason kung bakit ako umuwi. Excited nga ba ako? Maybe? Makikita ko nga ba siya ulit? Bigla naman akong kinabahan. Naks Samotny, feeling High School ulit?!


Copyright - All Rights Reserved.

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Basahin ang storyang ito ng LIBRE!