CHAPTER 4 Finally Got Myself a New Crush

5.6K 146 84
                                    

CHAPTER 4 Finally Got Myself a New Crush

Omy gulay. I'm so not gonna make it to class on time. Meron na talaga akong history ng palaging nale-late, grade school pa lang. Meron bang gamot para dito? Paano naman kasi, hindi ako nagigising ng maaga at ang babagal din ng mga kapatid ko. Blame it on the siblings, right? Freshman naman ang isa sa mga kapatid kong lalaki at ang bunso kong kapatid na babae naman ay nasa Kindergarten. Yung isa kong mas nakakabata pang kapatid na lalaki ay sa isang exclusive all-boys school naman nag-aaral. In short, tatlo kaming magkakapatid ang late ngayon kahit na hinatid pa kami ng Papa namin.

Hala sige, takbo. Ay! Kailangan ko pa nga palang pumunta sa locker para kunin ang aking mga libro.

Sa sobra ko namang pagmamadali ay may nakabunggo ako.

Plakkkk! Nalaglag ang mga dala kong gamit at nagkalat sa sahig. Why does this have to happen now? Naku, masyado na talaga akong male-late neto.

"Uhm, sorry........ Oh, I'm sorry AGAIN."

AGAIN? Isa pa lang naman ang nakakabunggo ko ngayon ah, at sana wala ng susunod pa.

Pagtingin ko sa kanya, si RUSTY pala! Twice this week? Talaga nga naman.

"Ah.... ah... ako nga dapat ang mag sorry sayo e, ako naman ang nakabunggo... hehehhehe." Samotny, ayan ka na naman e...di makapag salita ng maayos. Umayos ka nga!

"It's ok," sagot niya. Ngumiti na lang siya pagkatapos ay pinulot niya ang mga gamit ko.

"Thank you... at sorry ulit. Buti na lang at di ka lumipad sa ere nang dahil sa impact ng pagkabunggo ko sa iyo. Hehe." Sige, tama yan Samotny, idaan na lang natin sa joke.

"Paakyat ka na ba?" tanong ni Rusty.

"Yezzz, paakyat na sa heaven." What?! HEAVEN?! Corny naman ng punchline mo Samotny! "I mean, heaven kasi ang taas taas ng aakyatan natin e.. sa fifth floor pa e... hehe".

"AH, haha! Let me help you with your stuff. I'll carry these".

"Gusto mo lahat na ng books ko pati na bag ko!" Kapal. " Hahahahaha! Joke lang!!!!" Ayan, ayos lang, idaan na lang talaga sa joke.

"Ah sige, tara na. Let's go to HEAVEN!" Nyak! Nakakagulat naman ang sagot ni Rusty.

"Weh? Marunong ka rin palang mag joke?!" pagbibiro ko sa kanya. Walanghiya, ang tahitahimik niya, tapos bigla siyang magjo joke? Ayos pala itong lalaking ito.

______________

Habang umaakyat na kami ng hagdanan papuntang "HEAVEN", binabagalan ko lang dahil ayokong magpahalatang hingal na hingal na ako. Wa- Poise noh! Aysus, pinagpapawisan na rin ako. Pasilip silip lang din naman ako sa kanya....sumisimple lang. Para namang walang ka-effort effort sa kanya, hindi man lang hinihingal o kaya pinapawisan. Pinapa-una ko siya para makita ko siya at para di niya ako makitang ganito.

Pag titingnan mo lang siya, suplado talaga ang aura niya. Pero pag ngumiti naman, makalaglag panty! Teka lang, pulutin ko muna panty ko ah. Nakakatunaw naman lalo na kapag nginitian ka niya. Haaayyyy. Boing, hala! Nakangiti nga siya sa akin! Sa kakaisip ko sa kanya, di ko man lang na-distinguish na totoo palang nginitian niya ako. Nagmumulang kamatis na naman ako.

"So you're late too, huh?" tanong niya habang nakangiti pa rin.

Uhm... awkward!

"Ha?.....Ahhhh......Oo...." Ay juzme, nakakahiya. Hinihingal hingal pa naman ako.

______


Nakarating na rin kami ng 3rd floor. TWO more floors na lang. Lord help me, please.

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon