CHAPTER 38 Best Birthday Ever!

2.3K 52 24
                                    

CHAPTER                  38          Best Birthday Ever!

SAMOTNY

Naku, baka umuwi na nga sila Rusty.    Bakit naman siya hindi nagpaalam?   Eat and run?     Eto kasing si Rolf eh,  wrong timing din.     Tama nga kaya si Rolf na nagiging effective na ang pagpapapansin ko kay Rusty?    Nagselos nga ba siya kaya siya umalis bigla??

Pinagiisipan ko pa rin ang mga pangyayari nang makita kong pumasok muli si Rusty at ang mga kaibigan niya.     Phew!   Akala ko umuwi na sila.

Napatingin namang bigla sa akin si Rusty at nginitian ako.      Napakaganda ng ngiti niya.    Mukha yatang good mood.     Itigil na please dahil baka hindi na kayanin ng tuhod ko.     Nakakatunaw talaga ang mga ngiti niya lalo na't kung sa akin siya nakangiti.

Papalapit na muli si Rusty sa akin.      Kinakabahan ulit ako.

"Oy,   nandito pa pala kayo.   Akala ko umuwi na kayo e. Hehe,"    yun na lang ang nasabi ko.

"Oh, I wouldn't leave without telling you.     We just went oustside for some air."

"Ha??   Bakit?    Naiinitan ba kayo dito sa loob?"  Nagpanic naman ako.   Baka kasi naiinitan sila dito.

"No.     I just.... I just couldn't breathe whenever you're around.      Like right now."      Pagkasabi niya non ay huminga naman siya ng malalalim.

Tama nga ba ang narinig ko?!!   Hindi raw siya makahinga ng maayos kapag...kapag kasama niya ako??     Oh my gulay,  mukhang ako yata ang mawawalan ng hininga ngayon!     Feeling ko rin nagblush na naman ako.

"Uhm....uhm.....,    teka lang, kukuha muna ako ng electric fan.   Hehe."    Aalis na ako para kumuha ng electric fan nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.      Nakaramdam naman akong bigla ng kuryente sa katawan ko.      

"No.    Don't....   don't leave.      I mean,   you don't have to.   It's ok."     Nginitian na naman niya ako habang nakahawak pa rin siya sa kamay ko.      Nakatingin pa rin siya sa akin.      

Pok!  

Bigla na lang akong na out-of-balance at napasandal sa kanya.      Bumigay na nga yata talaga ang tuhod ko.    Aray ko po.    Nakakahiya.    Shux.

"Ayeeeeeeeeeee!"      Pangangantiyaw ng mga kaibigan ko.    Nakalimutan ko nga pala na nasa party ko pala kami.     Nawawala kasi ako sa sarili kapag nakakaharap ko si Rusty.

"Are you ok?" pagtatanong ni Rusty.

Of course NOT!    "Uhm,   yeah.    I'm ok.   Sorry about that.  Hehe."      Ikaw kasi eh.     Bakit kasi ang napakagwapo mo?


"I think you guys deserve a song and a dance."     Huh?   Walang hiya talaga itong si Yokaby.    

Nagpatugtog na naman sila ng slow song.    

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon