CHAPTER 44 What Happened?

1.9K 50 12
                                    

* I dedicate this chapter to @theresacava1 .     Sobrang thank you po for reading my wattpad story.     Sobrang natuwa po ako at nagustuhan niyo.      Keep reading at sana magustuhan niyo pa rin ang mga susunod pang chapters.    =)    *

CHAPTER       44              What Happened?

"I.....I like.....   Someone......    and that someone is........."

BLAGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!

Biglang nabulabog ang aming pag-uusap nang may narinig kaming isang malakas na ingay na nanggaling sa glass window na katabi namin.      Pagtingin namin ay walang tigil na kumakatok ang mga kaibigan ni Rusty sa glass window.     Ang iingay rin nila na parang mga batang nagwawala sa kalye.    Ang lalaki ng mga ngiti nila at pawang tinutukso nila si  Rusty.   

Susmaryosep.      Wrong timing naman ang mga ito.     Ano bah????

Si Rusty rin ay parang di na rin maipinta ang mukha sa ..... iritasyon??

Sinenyasan niya ang mga kaibigan niya na umalis na.     Tinukso pa rin siya ng mga ito bago sila tuluyang umalis.    

So, nasan na nga pala ang pinag-uusapan namin?

I...  I  like someone.... and that someone is......

That someone is w h o????

Naku naman, nakakabitin.

Tinignan ko lang si Rusty at hinihintay ko lang na ituloy niya ang dapat niyang sabihin.

Ngunit nadisappoint lang ako nang sabihin niyang, "I think we'd better head back now.    It's getting late."

Ano?    Yun na iyon????    Hindi na niya itutuloy?     Nakakainis naman.    Naiinis tuloy ako sa mga kaibigan niya for disrupting our conversation.    Grrrrr.

Hindi ko rin naman  mapilit si Rusty dahil mukhang wala na siya sa mood.    Hay, kainis talaga.

Tumayo na siya at nagsimula nang maglakad papuntang pintuan.     Hindi man lang ako hinintay?    Anong nangyari sa pagkasweet at pagka-gentleman niya?     Bigla talagang nagbago ang mood niya.

Lumabas na siya ng pintuan at hinintay na lang ako sa labas.    Tumayo na rin ako at lumabas na rin ng pintuan.    Baka kasi tuluyan na akong iwan ng lalaking ito.      

Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa school.    Magkatabi pa rin kami pero ang tahimik lang niya.    Mukhang malalim ang iniisip.     Anong nangyari?    Kanina lang ay mukhang napakasaya niya.    Ngayon naman ay parang di mai-drawing ang pagmumukha.     Hmp!   Hay nako, bahala nga siya.    Di ko akalaing ganito rin pala ito ka-moody.

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon