CHAPTER 20 The Announcement

3.1K 61 10
                                    

CHAPTER     20         THE  ANNOUNCEMENT

SAMOTNY

"Hey girl!   How's our champion?"   Pangbati ni Sayyen pagpasok ko ng classroom.      This past Friday lang naman yung contest kaya medyo fresh pa ang news sa lahat.     

"Halu!   Eto, maganda pa rin."

"Naku, paano namang hindi gaganda e nagpa-autograph pa daw sa iyo si Blue!   Ayee!"   Pangangantiyaw ni Yokaby.

"At hindi lang yun girls,  Rolf asked her on a date daw.  Yihee!!!!"   Dagdag naman ni Teren.

Teka, paano nila nalaman ang mga ito?  I didn't get a chance to tell them yet.   Naging busy kasi ako sa bahay over the weekend.

"Kayo,  saan niyo na naman nasagap ang mga chismis na yan?"

"Hello?!   Kahit na iniwan ka namin with Blue, gusto pa rin naming malaman kung anong nangyayari noh!   We didn't want to miss it for the world."   Dagdag naman ni Kaka.    

"Ang gagaling niyo talaga noh?!   Eh yung part na nakasama na naman ni Blue si Daphne sa huli, hindi niyo nasagap?    Tsaka tigil tigalan niyo ako diyan tungkol kay Rolf noh.   Wala yun,  may kasunduan lang kami na ililbre niya ako pag nanalo ako dahil siya ang may pakana kung paanong ako ang napili ng class namin na kumanta noh.    Wala talaga yun, palagi lang din talaga akong inaasar nun.    Tsaka tumigil na kayo diyan, baka marinig pa tayo ni Rolf eh."

"Uy, bitter.    Ikaw bahala, sabi mo e."   Sabi naman ni Kiki.

"Good morning class!"   Buti na lang at dumating na si Mrs. Ramilda at natigil na ang interrogation.

"Pst.   Bakit kasama niya si Mr.  Panganiban?"   Pabulong ni Kaka.

"Class, quiet please.    You are all probably wondering why Mr. Panganiban is here.    Well, he has an announcement."

"Good morning everyone.    First, I would like to congratulate Ms. dela Piña here for an outstanding performance last Friday.     Baka bigyan na kita ng mga solo parts niyan sa Glee Club."   Pagsisimula ni Mr. Panganiban.   Siya nga rin pala ang coordinator ng aming High School Glee CLub.    

Palakpakan at hiyawan ang buong class.   

"At siyempre, dahil diyan na-inspire naman kaming gumawa ng panibagong event.   Never in the life of Beckingham Academy na nagkaroon ng ganitong klaseng event.   Kaya naman I am very excited to announce that we are going to have a Miss United Nations beauty pageant!"   Pagpapatuloy ni Mr. Panganiban na ikina-excite ng lahat.

"Since kayo ang first section ng Seniors,  I will assign most of the work to you guys dahil alam kong I can rely on you.    The head of this project will be Joralu and Kiki.   Kayo rin ang magiging mga hosts/emcees on the night of the event.   Kayo na ang bahala kung sinu-sino ang mga i-aassign niyo sa iba't-ibang tasks.    At siyempre ang ating star ay walang iba kundi si ...........   Samotny dela Piña!" Maligalig na pagpapatuloy ni Mr. Panganiban.

"Samotny, hija, ikaw lang naman ang aming magiging 'reigning queen' bilang Ms. Trinidad and Tobago!   O diba, bongga!  Dapat naka-backless ka diyan ah! Haha."    

What?!!  Ako na naman ang nakita?   Ok lang si Mr. Panganiban?  And where the heck is Trinidad and Tobago??      

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon