CHAPTER 41 Monday Treat or Threat?

2.2K 51 12
                                    

CHAPTER       41          Monday Treat or Threat?

* I'd like to dedicate this chapter to Christine Sy-Choco.    Thank you so much for spreading the love.    =) *


RUSTY's POV

"Daphne!"  I called.     As soon as I got in school,  I looked for her right away.   No time to waste.     I wanted to start this day right.     "Can we talk, please?"

Surprisingly, she obliged without giving me a hard time.    We went to a private area where we could talk peacefully.

"Can you clear this rumor about us dating?    Once and for all, please?"   I begged her.

"Are you sure about that?     I mean, I still think we're perfect together."     I was already expecting that she wasn't going to let this go that easily.

"Yes,  I am a hundred percent sure," I replied.     I saw the hurt in her eyes, but I wasn't sure if it was her heart or her pride that was hurt.

"What's in it for me?"      What?     Is she trying to bargain with me?

"I don't know."

"Fine!     But I'll do it my way then!"     With that being said, she stomped her way out of my sight.    Phew.   That went well, I guess.       I'll just have to wait to see what happens next.

______________

SAMOTNY'S POV

Kay ganda naman ng umaga.      Good mood na good mood ako ngayon.    Maaga akong nagising at nag-ready para sa school.      Maaga rin naman akong dumating sa school.    Halos lahat ng taong makasalubong ko ay nginingitian ko.      Nawiweirdohan na nga yung iba sa akin.    Keber!    Basta alam ko,  masaya ako.   

"Wow!    Himala!    Maaga ka yata ngayon Mots!"     Pagsalubong sa akin ni Yokaby  at Kikiqs.    Maaga kasi palagi itong dalawang ito dumarating sa school.

"Anong nakain mo?" anya ni Kikiqs.

"May lagnat ka ba?"  pag-iinspeksyon naman ni Yokaby.

"Ano ba?   OA talaga kayo!   Hindi ba talaga pwedeng maaga akong dumating sa school?"

"HINDE!!!"   sabay nilang sagot.

"Uy,    Blue sighting oh.   Pati yata yang Blue mo ang aga ngayon.    Anong meron sa inyong  dalawa ngayon?"  pag-uusisi ni Yokaby.

Hindi ko pa nga pala nakukuwento sa kanila tungkol dun sa note na galing kay Rusty.     Sasabihin ko na sana sa kanila ngayon nang makita ko namang may tinawag si Rusty.............  si Daphne???    Oo nga naman pala, nakalimutan ko naman si Daphne.

"Naku Mots, mukhang may lihim na agenda yung dalawang iyon oh,"  pagsasaad ni Yokaby.

Pagkatapos non ay magkasamang umalis sina Rusty at Daphne.     Maghahanap na naman ba silang dalawa ulit ng private place gaya ng CR?    Hay naku!  Ayoko nang ma-imagine kung ano pa mang mga balak nilang gawin.

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon