Chapter 31

1.8K 66 30
                                    

==========================================================

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

==========================================================

Chapter 31

“Ay sino ka?” Wika nu’ng Monica nang makita niya akong papalapit din sa may pintuan. Pumwesto ako sa tabi ni Eryx.

“Good morning po.” Magalang kong bati sa tita ni Eryx. Nginitian ako nito. Tang ina. Nakaka-stress naman ang mga ganitong sitwasyon, oo. Ibinaling ko after ang tingin ko kay Monica. I offered her a half-smile but she just scowled at me.

“Uhm, Monica, this is Audrey. Girlfriend ko.” Masayang wika ni Eryx sabay akbay sa’kin. I kept on smiling kahit nangangalay na ang mga pisngi ko. Nanlaki naman ang mga mata ni Monica. King inang ‘to. Bawal ba akong maging gerlpren ni Eryx?!

“Audrey, this is Monica,” Patuloy na pag-i-introduce ni Eryx sa’min. “Childhood friend ko. Kinakapatid. Close ang familiy niya sa family ko. I literally grew up together with her.” Pleasant na wika ni Eryx.

“Hi.” Kumaway ako dito but she just kept staring at me, scrutinizing me—parang kakainin niya ‘ko.

“This is my tita Beth.” Eryx continued. “Kapatid siya ng mommy ko.”

“It’s nice to meet you po.” Wika ko sa tita ni Eryx, still keeping my pleasantries.

“Hello, hija. Hindi ko alam na mag girlfriend na pala ‘tong si Eryx. Ngayon lang nagpakilala ng girlfriend ang batang ito.” Masayang wika ng tita nito at nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang mabait ‘tong tita ni Eryx. Akala ko kontrabida kase kamukha niya yung mga masusungit at matataray  na character sa mga telenobela. Ang susyal kase ng itsura ng tita ni Eryx unlike his mom na parang laidback lang ang peg. Nababalot ng gintong alahas ang leeg nito at mga braso. May malaki itong shawl na nakatabon sa elaborate na sundress nito. Mukha itong hasiendera in my opinion.

“May girlfriend ka na?!” Bulalas ni Monica which made my train of thought stop. Automatic na napatitig ako dito. Anong problema mo girl?!

“Oo.” Tila nahihiyang wika ni Eryx at kung nakatingin ako dito, malamang makikita kong nagba-blush ang lokong ito. Inakbayan ako nito to make it a point na oo nga, girlfriend ako nito.

“Pero...’di ba may sumpaan tayo?!” Patuloy na paghi-hysterical ni Monica. Bigla itong umiyak at nagulat ako. Si Eryx naman at tita Beth ay parang hindi naman na-suprised na nagti-theatrical act ‘tong si Monica. Parang normal lang sa kanila ang scene.

Nagulat ako nang padabog itong nag-walk out habang umaatungal. Hala, nabaliw na. Tumakbo ito papalayo sa amin. I don’t know kung saan ito pumunta.

“Uhm, sorry about that, hija. Medyo expressive lang talaga si Monica. Pero mabait naman iyon.” Tila nahihiyang wika ni tita Beth. Nginitian ko lang ito at tinanguan ko ‘to making her know na okay lang naman kahit na disturbing ang biglang pagwawalwal ni Monica.

“Tita, more of psychopath si Monica. Alam naman natin yun.” Eryx almost whispered to his tita at sabay silang natawa. I just stood there not knowing how to react. Ayoko makitawa. Sabihin ang sama ng ugali ko. Sabihin first time ko pa lang nami-meet si Monica eh jinudge ko nang psychopath nga ‘to. Kahit obviously eh parang oo nga.

Aphrodite's SonWhere stories live. Discover now