Chapter 6

2.8K 85 12
                                    

==========================================================

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

==========================================================

Chapter 6

 

 

 

Agad kong hinila ang shower curtain at ibinalot sa aking katawan. Tinry kong tumayo ngunit nauntog ako sa lababo.

“Aray shit!” Sigaw ko.

“Audrey? Okay ka lang?” Wika ni Eryx sa dilim.

“Putang ina wag kang lalapit!” Banta ko rito.

“Eh asan ka ba?”

“Gago ka ba? Bakit ko sasabihin?”

“Paano ko isasaksak yung ilaw kung hindi ko alam kung nasaan ka? Baka pagkasaksak ko eh makita ko ang wala mong saplot na katawan...”

“...baka masarapan ka sa gawin kong pagtitig!” At nagpakawala si Eryx ng isang nakakainis na tawa.

“I hate you!” I screamed.

“Joke lang. ‘To naman. Pero seryoso asan ka nga?”

“Nandito ako sa ilalim ng lababo at nababalutan ako ng shower curtain.” I mumbled.

“Bakit ka napunta diyan?! HAHAHA!”

“Anong nakakatawa?!” Irita kong sabi.

“I find you so cute.”

“Ano ‘ko tuta?”

“Isasaksak ko na ang ilaw.”

And then there’s light. Nakita ako ni Eryx na nakalupasay sa tiles ng banyo niya na punong-puno ng bumubulang shampoo ang ulo at punung-puno din ng sabon ang katawan. Nakapikit pa rin ako dahil sa hapdi ng shampoo na pumasok sa mga mata ko.

“Iabot mo sa’kin ang tabo!” I commanded him.

“How’d you even get yourself into this kind of mess?!” Natatawa niyang wika.

“Wag mo kong pakialman!”

“So hindi ko na kukunin yung tabo?” He joked.

“F.U!!”

“Now na?!”

“Argh! You’re so annoying!”

“Haha! Joke lang. Teka wag kang gagalaw sa kinalalagyan mo.”

“Siguraduhin mo lang na hindi didikit ang kahit anong parte ng katawan mo sa akin!”

“Paano magiging posible iyon eh ang liit-liit ng banyo na ‘to?”

“Don’t you dare touch me!”

“Kumalma ka nga!”

“Ngayon lang ako nakita ng isang lalake sa ganitong state!” Pagmamaktol ko.

“Oh, baka mag-emote ka na naman diyan ha. Past 12mn na, ibig sabihin new day na, bawal na mag-emote.”

Naramdaman kong humakbang si Eryx papasok ng banyo. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa shower curtain na nakapalibot sa aking katawan.

“Dinumihan mo pa pala ang shower curtain ko, tsk,tsk.”

“Shut up!”

“Joke lang ulit!”

Aphrodite's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon