Chapter 2

3.2K 78 19
                                    

==========================================================

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

==========================================================

Chapter 2

 

 

 

 

“Erics? As in Eric na may letter ‘S’?” Iyon ka’gad ang pumasok sa isip ko upon knowing the stranger’s name.

Tumawa ng wagas ang kasama kong naglalakad sa kahabaan ng espanya. “Bakit ba ang weird mo?” Wika nito sa’kin habang tumatawa pa rin.

“Eh bakit din kase may letter ‘S’ yung Eric mo? Anong pinaglalaban mo niyan?”

“Ang spelling ng pangalan ko ay E-R-Y-X. Eryx.” Sabay ngiti sa’kin.

Bakit ba’to ngiti ng ngiti? Naiirita na ako. Para bang inaakit niya ako. Or baka ako lang yung nag-iisip nun?

Mukha namang mabait na tao itong si Eryx at ngayon ko lang napansin na parehas pala kami ng school na pinapasukan base dun sa lanyard niya. Magkaiba lang kami ng college.

“Okay, ang weird ng spelling ng pangalan mo. “ I looked at him curiously. Eryx just beamed at me.

“Hindi ka ba mahilig sa mythology?” He asked me.

“Alin yung sina Zeus, Athena—mga ganung ek ek?”

He chuckled. “Oo, tama ka diyan. I am named after one of Aphrodite’s children from a mortal. I am named after King Eryx.”

“Seryoso ba yan?” Parang hindi ko talaga binibili yung kwento niya at nakakatawa in a way. Napapangiti na rin ako.

“Alam mo ngayon lang kita nakitang ngumiti para sa buong gabing ito. Pangalan ko lang pala makakapagpangiti sa’yo eh.” He playfully teased me.

“Leche. Malay ko ba kung inuuto mo lang ako?”

“Nope. I-google mo pa, totoo ang sinasabi ko about sa pinanggalingan ng name ko. And here’s the proof na iyon talaga ang name ko.”

Binulatlat niya ang polo niyang sinukahan ko kanina. I slightly blushed at the sight of my vomit in his polo. Anyways, attached in his polo ay isang nameplate na kulay gold. Engraved on the nameplate were black letters that is his name.

Eryx Sandoval. Nursing Student. Batch 2015.

“Nursing student ka pala? At graduating din?” I queried.

“Kakabasa mo lang eh,” He teased me.

“Fine.” I rolled my eyes. “Teka, ‘di ba bawal ang nursing student sa mga ganung lugar? Lalo na kapag naka-clinical uniform pa kayo?”

“How’d you know all these stuff?” He said amused.

“Nurse din kase kuya ko,” I explained. “Dapat magnu-nursing din ako tapos kukunin niya ako sa ibang bansa kasama niya, pero pinilit ko ang parents ko na Architecture ang gusto kong course.”

“Why? Dahil Architecture talaga ang itinitibok ng puso mo?”

“God, would you stop that kind of replies? Bakit ang poetic mo? Nurse ka ba talaga?”

Aphrodite's SonWhere stories live. Discover now