Chapter 26

2.2K 82 16
                                    

==========================================================

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

==========================================================

Chapter 26

 

 

 

 

Kinansel ko ang tawag ni Lisa.

Ewan ko ba. Hindi ko makita ang point kung bakit kailangan niya pa ako tawagan. Para saan? Ilang buwan na rin ang nakakalipas simula ng huli kaming nagkausap. Ilang buwan na rin ang lumipas ng tapusin niya ang pagkakaibigan namin.

Ni hoy ni hi wala. Ang alam ko nga binlock pa niya ako sa facebook. Nung recent enrollment ni hindi ko nakita ang anino nito. Ano pa ba ang kailangan niya sa’kin?

“Love, is there something wrong ba?” Nag-aalalang wika ni Eryx as he inched towards me.

Umiling ako dito at nginitian ko ‘to. “Wala naman, Love. Hindi pa lang ako handa makipag-usap sa dati kong best friend.” I told him truthfully.

“Mahirap gawin ang bagay dahil napilitan lang o wala sa puso. Pangit ang consequences. Let things happen on their natural pace. Everything happens for a reason.” Eryx told me sincerely as he started to play my hair.

“Wow, ‘di ka lang nurse, makata at bolero—adviser ka na rin ngayon.” Biro ko dito and he chuckled.

“Love, ayokong nakikita na bumubusangot ang mukha mo dahil sa problema. Gusto ko naiirita ka lang kapag naku-corny-han ka sa’kin.” He smiled as he started twisting my hair on his fingers.

“Ano ba yang ginagawa mo? Adik ka na sa buhok ko?!” Iritado kong wika dito as I watched him twirl and play with my hair.

“Adik naman ako sa lahat ng parte ng katawan mo eh,” He smiled meaningfully and I just pouted.

“Tara na, balik na tayo sa condo mo.” Aya ko dito as I got up from the bed. I turned off my phone. Ayokong makatanggap ng tawag muli for a while lalo na’t galing ito kay Lisa. Ni ayokong makabasa ng text na magmumula dito. Tama si Eryx, hindi ko dapat gawin ang mga bagay na hindi pa ako prepared. Hindi pa ako handa makipag-usap dito. Kung sakaling mag-uusap kami, puro mura lang ang lalabas sa bibig ko.

“Eryx,” I called him and handed him my phone. “Wag mo sa’kin ibibigay until next week. Buksan mo na lang kapag nasa condo mo na tayo. Ibigay mo lang sa’kin kapag ang tumatawag eh ang tita ko.” I instructed him.

“Masusunod po, kumander.” Nginisian ako nito as he pocketed my phone. Inayos na namin ang mga damit na nilagay namin sa backpack ni Eryx then umalis na kami sa dorm ko. Mukhang isang linggong walang tao ang kwarto ko sa third floor.

Buong biyahe namin pabalik ng condo ni Eryx ay tahimik lang ako at sinabi nitong naninibago daw siya sa’kin. Nasanay daw kase itong maingay ako at nagmumura or nagagalit. Sinabi kong busy ako sa pag-iisip about kay Lisa.

“Ikaw ba, paano mo papakitunguhan ang taong matagal mong pinagkatiwalaan? To the point na tinuring mo na siya na best friend mo tapos nagising ka na lang isang araw na tinatakwil ka na niya dahil hindi ka niya pinaniniwalaan? Hindi ka niya binigyan ng chance magpaliwanag? Nag-tengang-kawali siya sa mga explanation mo? Tapos all of a sudden, bigla siyang tumatawag?”

“Baka naman napindot lang yung call button o kaya naupuan niya habang nasa bulsa niya?”

“GAGO!” I screamed at him and he laughed.

“Haha! Iniinis lang kita. Sorry na, Love. Nami-miss ko na ang mga pang-aaway mo kase ang tahimik mo talaga.”

“Bothered lang ako kay Lisa, pero alam kong lilipas rin ‘to.” Wika ko dito as I quickly looked at him on the driver’s seat. Napangiti na lang ako dahil may isa akong kagaya ni Eryx sa buhay ko. Everything seems more bearable when he’s with me.

“Bakit ngumingiti-ngiti ka diyan, Love? Ina-appreciate mo ba right now kung gaano ako kagwapo?” Eryx said and he smirked.

“Gago, hindi. May naalala lang akong nakakatawa. Feeling ka naman.” Sabay irap dito.

“Wag ka na ma-bother kay Lisa, Love. Kalma ka lang. Alam mo, may naisip akong bagay na maaaring makapag-divert ng attention mo.”

“Huh?” Curious kong bulalas.

“Swimming tayo.” Masaya nitong wika.

“Saan naman? As in ngayon na? Agad-agad? Wala man lang warning?!” Alarmed kong wika at natawa lang ito.

“May resort sa Antipolo ang tita ko. Pwede ko yung ipa-reserve at dun muna tayo. I think kailangan mo ng fresh air to think and para makapag-unwind na rin.”

“Grabe ka talaga. Nabibigla na lang ako sa mga semi-out of town na out of the blue mo na lang naiisip.” Natatawa kong wika.

“Love, ganun talaga. Para exciting ang relasyon natin. Madaming surprises at madaming thrills.” Eryx explained like it is just a matter of fact thing to be considered. “Daan lang muna tayo sa condo ko at mag-iimpake lang ako ng ilang damit—plus swimming trunks.” Sabay tingin sa’kin ng malisyoso.

“Eww. Yuck.” Iritado kong wika dito at pinisil nito ang pisngi ko in response. “Hoy gago, tumingin ka sa dina-drive mo! Baliw ka talaga!” Sigaw ko dito ngunit hindi ako nito pinansin.

Hindi na ako bumaba ng kotse at inantay ko na lamang si Eryx dito na kumuha lang ng ilang damit galing sa condo nito. Kakaloka. Kung makapag-plano ng outing kala mo emergency palagi.

Pagbalik nito sa kotse ay may hinagis itong bagay sa akin. Nagtataka naman akong dinampot ang mga ito at nag-init na lamang ang mukha ko at tuluyang namula ng napagtanto ko kung ano ang mga iyon—2 piece na black na bikini!

“ERYX?!” I scolded him.

“Naisip ko lang ang daya mo, hindi mo sinuot yung ekis-ekis na black mong monokini nung nag-Quezon tayo.” Wika ni Eryx na kunwari nagtatampo. “Ang damot mo naman Love eh,” He pouted.

“Anong madamot?!” Nalilito kong tanong.

“Patingin naman ng sexy mong katawan habang naka-bikini. Sige na please? Binili ko talaga yan para sa’yo.” Paglalambing nito at inirapan ko naman ‘to. Pulang-pula naman ang mukha ko. Sino nagsabi dito na bigla na lang akong bilhan ng bikini? So all these time pinaplano niya ang swimming na ‘to?!

“Eh ‘di ba nakita mo na?” Bigla kong wika at nahiya naman ako sa tinuran ko.

“Eh iba pa rin yung naka-2 piece. Fantasy ko kaya yun.” Nakangisi niyang tugon.

“Tang ina mo! Ang manyak mo!” Sunod-sunod kong pagwawala sa loob ng kotse nito at pinagtawanan lamang ako nito. He started the car’s engine and off we went to Antipolo.

“Tayo lang naman ang tao sa resort na yun, Love.” Wika ulit ni Eryx. “Wala ka namang dapat ikahiya. I already called my tita and told her that I’m renting her whole resort. Sabi ko kasama ko GF ko.” Namula naman ako nung sinabi ni Eryx yung salitang ‘GF’—tang ina! Kini-claim niya na ako as his jowa. Putang inang ‘yan, kinikilig ako.

“Ihinto mo ang kotse, Love.” Wika ko kay Eryx bigla ng may madaanan kaming 7-11. Nagtataka naman itong huminto sa harap ng convenience store.

“Bakit, Love?” He asked me habang napataas ang isa nitong kilay.

“Bibili ako ng proteksyon.” Mataray kong wika as I opened the car’s door and immediately went out. Parang narinig ko si Eryx sa loob ng kotse na nagsisisigaw.

 ==========================================================

Nagustuhan mo ba? Please vote and comment if you do! Importante sa manunulat ang feedback ng kaniyang mga mambabasa. Salamat in advance! <3

==========================================================

 

Aphrodite's SonWhere stories live. Discover now