Chapter 21

2.4K 77 18
                                    

==========================================================

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

==========================================================

Chapter 21

 

 

 

 

Nag-taxi na ako papuntang condo ni Eryx. Ewan ko ba kung anong meron at hindi ako mapakali. Kulang na lang mag-teleport ako papunta sa jejemon na yun. Parang life and death situation ang peg.

“Manong ang bagal mo naman eh, saka alam mo namang mas konti yung kakaining time kapag dun tayo dumaan sa street na ‘yon,” Pang-aaway ko kay Manong taxi.

“Miss, ginagawa ang daanan sa kalye na yun. Hindi naman kita dinudugasan dahil ang lapit lang ng pupuntahan mo, kung wala kang tiwala sa’kin, pwede ka ng bumaba.”

Ay ang taray ni manong. Taas ng self-worth! Well, wala na akong magagawa. I just tried to relax and slouched on the back seat. Kakainis ‘tong emote ko kay Eryx! Come hell or high water, dead or alive ang pinaglalaban ko ngayon! Kailan ka pa natutong maghabol sa lalake ha Audrey?

At last after 25 minutes ay pumarada na ang taxi sa harap ng condo nitong si Eryx. 70php lang ang taxi fare ko but I handed manong 150php. Ewan ko ba kung bakit nagiging extra nice ang mga may malalaking pangangailangan sa buhay. Naisip ko na lang baka kase iniisip nilang sana bumalik ang good karma ng mas mabilis—which is true in my case.

I almost ran papuntang lobby ng condo, and luckily, kakilala ko yung ate guard na nagbabantay sa reception. May pakinabang rin naman pala ang pakikipagrelasyon ko dun sa ex kong kumag na itago na lang natin sa pangalang Howell. At least na-orient na niya ako sa condo at mga guard ng condo ng future husband ko! Chos.

Audrey, tumigil ka nga. Nakakadiri ang mga iniisip mo. Kailan ka pa natuto kiligin at mag-isip ng kalandian? You’re a disgrace! Patuloy na paratang sa akin ng kunsensya ko. I tried to shrug it off. Mamaya ka na kunsensya, baka mawala yung papabols ko!

“Oh, ma’am Audrey, bakit po kayo hingal na hingal?” Bati sa’kin ni Ate guard.

“Ay wala, naisipan ko lang mag-jogging ngayong gabi.” Medyo sarcastic kong wika dito as I fished for my ID inside my backpack.

“Naku, ma’am Audrey, pupunta ka ba kay Sir Howell? Ano kase eh...” Pagu-open sa’kin ng chismax ni ate guard. I gaped at her. “Bakit?” Hindi ko napigilang tanungin. Ugh. Curiosity killed the cat, Auds.

“Naku ma’am, dumating na lasing na lasing tapos may kasamang babae na lasing din. Parang nag-aano na nga sila dito pa lang sa reception.” Bulong sa akin ni ate guard at natawa naman ako ng wagas sa sinabi nito.

“Naku ma’am Auds, nagkaroon ka na ata ng sayad,” naiiling na wika ni ate guard. “Ganyan ata talaga ang tunay na pag-ibig, nakakabaliw! Sana pala hindi ko na sinabi sa’yo,” Tila nalungkot na wika ni ateng guard. “Kaso kasi ma’am, gusto ko lang i-set ang expectation niyo pag punta niyo sa unit ni sir Howell.”

Hindi pa rin ako tumitigil sa pagtawa all these time na naglilitanya si ate guard. Imperness ha! Si ate guard na talaga ang gustong mag-set ng expectation para sa’kin!

“Wag ka mag-alala ate, sa unit no.2121 ako pupunta.” I said with a sly smile while handing her my school ID. Tila naguguluhan naman ito sa tinuran ko. I quickly scribbled my name at the log sheet, my time in and my signature. Ate guard handed me the visitor’s pass afterwards.

Aphrodite's SonWhere stories live. Discover now