Chapter 35

1.4K 47 16
                                    

Chapter 35

 

 

 

 

Kumain kami sa labas kasama ang pamilya ni Eryx. We did have such a great time. Afterwards, meron pala kaming sariling lakad ni Love. Matapos nang dinner with his parents, humiwalay na kaming dalawa to celebrate on our own. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Ang alam ko lang basta, habang nagda-drive si Eryx ay magka-holding hands kami.

Oo, alam naming mapanganib 'to. Pero whatever. YOLO.

Tahimik lamang ako buong byahe. Hinayaan ko na lang si Eryx kung saan man niya ako balak dalhin. Minsan kapag may namumuong trapik sa daan, ninanakawan ako ni Eryx ng halik. Malandi talaga. At ako naman, go lang nang go. Si Eryx 'to, eh. Bakit ba.

Matapos ang halos 30 minutes na drive, nakita kong ipinasok ni Eryx ang kotse nya sa isa sa mga mamahaling hotel sa may Roxas Blvd. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Eryx, hindi mo sinabi sa'kin na ngayon na..." Mahina kong wika.

"Ha, ano Love?" Nalilitong tanong nito.

"Ngayon na tayo...mag-aano?!" Kabado kong wika.

"Baliw! Hindi!" Bulalas ni Eryx at hindi na nito napigilan mapahagalpak nang tawa. "Ang dirty ng mind mo, Love."

"Wow ang judgmental, ha."

"Eh kung hindi dirty ang mind mo, anong iniisip mo?" Patuloy nitong panunuya sa'kin. I just turned beet red and just scowled at him. He, however just gave me a goofy grin.

Pagkarating sa valet ng sasakyan ni Eryx, agad kaming sinundo ng bell boy. May kumuha rin ng kotse ni Eryx to park it sa parking lot. He gave a hefty tip kay kuya driver. He grinned at us like a cat.

"Ayos na ba ang ginawa kong reservation?" Nakangiting wika ni Eryx sa front desk. "Under Eryx Sandoval." Dagdag nito.

"Ay yes sir. Nakaayos na po ang roof top!" Magiliw na reply ni ateng front desk. "This way na lang po, Sir."

I gaped at Eryx. "Sa roof top tayo mag-aano?" I mouthed at him scandalized. Hindi nito napigilang mapahagikhik nang tawa.

"Love, kalma lang. Hindi tayo mag-aano." Bulong nito sa'kin.

"Mag-aano po sir?" Singit ni ate mong front desk na nakikinig pala sa bulungan namin. We both turned red. "Ay wala po yun. Hehe." Wika ni Eryx sabay hatak niya sa kamay ko. Pumunta kami sa may elevator at sumakay.

Pinindot ni Eryx ang elevator button para sa pinakamataas na parte ng hotel. Damang dama ko ang excitement sa aking katawan. Halos lumabas na ang puso ko sa dibdib ko. Ano ba 'tong trip ni Eryx na pa-roof top-roof top pa. Gustong-gusto ko nang tanungin kung ano meron pero sinasabi ng kunsensya ko na wag akong atat at mag-intay na lamang. Apat na palapag na lang, eh...

At bumukas na ang elevator door.

Speechless ako sa nasaksihan ko.

Ang buong rooftop ay decorated para magmukhang romantic. May mga silky na tela na nakasabit sa paligid. May red carpet na nakalatag na nagli-lead sa isang table sa dulo. May mga nagkalat na rose petals sa daanan. May kuyang tumutugtog ng violin sa tabi. I looked at Eryx. Everything look so perfect. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. I got teary eyed. Papatak na sana ang mga luha ko, pero Eryx caged me in his arms. I sobbed hard.

"Naman Love, eh!" I bawled. "Ikaw kaya ang may graduation day! Pero ako nag sinu-surprise mo!"

He kissed me on the forehead. "Anything for you my love. Wala nang mas hihigit na graduation celebration with you on my side." I looked at him and gave him a sincere smile.

"Next nating isi-celebrate siguro, baby shower na, no?" He quipped and I slapped his arm.

"Gagong 'to!"

"Joke lang, Love. Well sort of." He guffawed and I looked at him disgustingly.

"Love, pa-graduate-in mo muna din ako! Grabe naman!" Iritado kong wika dito. Ambilis magbago talaga ng mood ko. Damn you, Eryx. Masyadong malakad ang epekto mo sa'kin!

"Joke lang na magbi-baby shower na tayo agad-agad Love. Syempre gusto kong maayos muna rin ang future mo...Ang future natin.  Though in my head and heart, alam ko namang ikaw lang ang gusto kong maging mommy ng mga magiging anak ko. Hence, the baby shower, it will be real in the near future."

"MGA magiging anak mo talaga ah—sa akin. Plural talaga?"

"Gusto ko mga sampu."

"Gago!"

"Haha. Joke lang, Love."

Hinila ako ni Eryx towards the table. May dalawang tall glass ang mesa at meron din itong isang bote ng red wine na nasa bucket ng yelo. Pero hindi kami nagpunta sa mesa. Dinaanan lang namin iyon. Nilagpasan. Ang pinuntahan namin ay ang balkonahe. Overlooking ang buong kamaynilaan. Nagsisimula na ring dumilim ang paligid. Nagmistulang mga bituin sa langit ang buong cityscape.

"Love, the city's bright lights are blinding. Pero mas nakakabulag pa rin ang pag-ibig ko para sa'yo." Wika ni Eryx at siniko ko 'to.

"So inaya mo ako dito sa rooftop ng magarbong hotel na'to para bola-bolahin.?" Natatawa kong wika.

"Parang ganuon na nga, Love."

"I love you, Eryx Sandoval." I quipped and he was taken aback.

"Hindi na ata ako kahit kailan masasanay na naririnig ko na ina-I love you-han mo ako, Love. Parang everytime na maririnig ko ang mga salitang iyon mula sa'yo, nasisira ang blood circulation ko."

"Buti naman." Paangas kong sabi. "Dahil ganun din ang epekto mo sa'kin, just so you know, Mr. Sandoval."

"I love you too, Audrey Matteo."

Niyakap ko si Eryx. Salamat sa gods & goddesses ng Olympus. Salamat po sa anak niyo.

"Thank you, Eryx. Tinuruan mo ako na hindi gaya ng Architecture, napaplano nang maige ang love. You just have to go with the flow. At salamat sa'yo, kahit nasira ang blueprint ng pag-ibig at sarili ko, you helped me build and put the pieces back on their place."

"Naks, Love. Gumagaling ka na rin mambola, ah."

"Well, mana-mana lang yan." I told him with a wink.

"Well, Auds. Salamat rin sa'yo dahil pinakita mo sa'kin ang magagawa ko, ang capability ko bilang nurse. Dahil na-nurse ko ang puso mo pabalik sa paggaling nito."

"Langya, pota di ko kaya ang cheesyness!" Malakas kong sabi at sabay napatawa. Tila napahinto si kuyang nagva-violin ng 0.1 sec dahil sa ingay na ginawa ko.

Bumalik kami sa table at binuksan na namin ang red wine. Nagsalin kami parehas sa mga tall glass. Halos punuin namin ang mga baso. Uhaw lang sa alak ang peg. Pero who cares. Wala kaming plano magpaka-classy. This is our moment.

"To a great future ahead, Auds." Eryx smiled at me.

"To a better version of ourselves...soon!" I quipped.

Pinag-umpog namin ang aming mga tall glasses at sabay nag-bottom's up.

The End

Aphrodite's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon