Chapter 1

3.6K 91 17
                                    

==========================================================

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

==========================================================

Chapter 1

“Hoy miss, okay ka lang?”

Naalimpungatan ako dahil sa isang mahinang yugyog sa akin at sa tinig na iyon ng lalake. I opened my eyes and the first thing that registered in my mind ay sobrang sakit ng ulo ko.

“Tangina, anong nangyari?” I asked the question for no one in particular to answer.

Unti-unting naging focused ang eyesight ko at nalaman kong nasa cheap na bar pa rin ako. Nakatumba ang tatlong bote ng red horse na nilaklak ko kanina. Nasa mesa lahat ang gamit ko. Wala namang bago sa paligid except sa katabi ko na sa upuan yung stranger na nakapulot ng lalagyan ko ng plates.

“Nawalan ka ng malay.” The stranger told me. His voice was soft and...caring? Normal bang mag-care ang mga estranghero sa ibang tao?

“Alam ko.” Masungit kong reply dito. Hindi ako nagtitiwala sa mga kagaya nitong pa-Mr.Nice Guy. Alam kong may hidden agenda ang mga bwisit na lalake na ‘to.

“Wala kang kasama?” Usisa nito.

“Bulag ka ba o tanga? Kita mo namang mag-isa lang ako sa mesa na ‘to at naka-tatlo na akong red horse. Sa tingin mo ba may inaantay pa ako?”

I looked at my watch and it’s almost past 11pm. I sighed. Kailangan ko ng umuwi. May exam pa ako bukas.

“Ang taray mo naman miss. Buti nga sinole ko pa sa’yo yung lalagyan mo ng plates.” The stranger’s voice is full of amusement. “At isa pa, hinalikan mo ko kanina bago ka hinimatay. Normal lang ba sa’yo nanghahalik ng mga lalakeng gwapo kahit na unang beses mo pa lang silang nakikita?” Wika nito. Tila tatawa na ito ngunit pinipigilan lang niya.

“Excuse me?!” Alarmed kong wika dito at pinandilatan ko pa ito ng mga mata. Anong sinasabi nitong hinalikan ko ito? Sandali akong nagkalkal ng mga recent na memories sa aking kokote at muntik na akong masuka sa naalala ko. I really did kiss this stranger.

Napahawak ako sa bibig ko at naramdaman ko na lamang na nag-init ang mukha ko. Buti na lang at madilim ang paligid. Walang makakapansin na sobrang nag-ba-blush ako.

“I-im sorry.” Nahihiya kong wika. “I-im just drunk.”

“It’s okay. Alam naman nating lumalakas ang mga loob ng mga tao kapag under influence ng alak eh.” The stranger made a perfect grin at napansin kong may itsura nga ang loko.

At nakakasigurado ako dito dahil nakikita ko na ito ng malapitan at hindi na hazy ang paningin ko.

“Wala ka bang kasama?” I asked him.

“Well, yung nililigawan ko sana.,, Kaso I just found out that she’s two timing me.” His voice is full of amusement again.

“Eh nililigawan mo pa lang naman? Two-timing ka’gad?”

“Eh nagpapaligaw din siya sa iba. Actually, I just saw her on that corner 30 minutes ago with another guy. They are,uhm, exploring each other’s oral cavity.”

“Akala ko ba nanliligaw rin? Eh bakit naglalaplapan na?”

Hindi na niya napigilan ang sarili at humagalpak na ito ng tawa. “Alam mo, gusto ko yung tabas ng dila mo, ang straightforward.”

Aphrodite's SonWhere stories live. Discover now